Nag-alisan na ang mga bisita sa reception dahil ang dalawang pasaway na si Summer at Rycko bigla na lang nawala, kaya silang mag kakapamilya na lang ang natira dun na aalis na din sana ng pigilan ni Apollo na ikinagulat ni Shine na pinanlakihan ng mata ni Shine ang binata na parang wala ng paki-alam. Isa sa mga bodyguard nito ang lumapit na may dalang attache' case, salubong ang kilay ng mga lalaking Lagdameo habang ang mga Tita naman n'ya ay tahimik lang na nakatingin sa kanya na parang mga nagtatanong sa kanya kung anong drama ni Apollo na hindi rin naman talaga n'ya alam. Mag popropose ba ito ngayon ay talagang mag NO, No talaga s'ya ng sagot. Kakasabi lang n'yang mag-effort din naman ito. "What is this" tanong ni Dylan na itinaas ang itim na folder na inilapag ni Apollo at binigyan is

