"Anong klaseng damit naman yang Shine," bulalas ni Apollo ng makita ang dalaga ng makita ito pababa ng hagdan. Napatingin naman si Shine sa suot na gown. "Anong problema sa suot ko?" "Maiintindihan ko kung mag papa breastfeed ka pero ____." itinaas ni Shine ang kamay para patahimikin si Apollo. "May shawl itong kasama mamaya ko na isusuot kapag nasa simbahan ako." "Maiden of honor ka ba talaga?" tanong pa ni Apollo ng palakad na sila palabas. "Hay! Ang ligalig mo naman dapat pala hindi na lang kita ininvite at iba na lang ang sinama ko." reklamo ni Shine. "Isinama na ba nila lola ang triplets." "Oo, kasi ang tagal mo. Akala ko naman na hihirapan kang suotin ang gown mo yun pala pantulog lang ang isusuot mo." simangot pa ni Apollo ng ipagbukas s'ya nito ng pinto ng wrangler jeep na

