- Candy - Nakarating kami sa isang village, pero nagpababa ako hindi eksakto sa bahay nila Drew. Mga dalawang bahay pa ang layo. “Paano mo nalaman na birthday party ang pupuntahan ko?" Salubong ang kilay ko nang ihubad ko ang helmet. Nagkibit balikat lang ito. “I can sense it." “Seryoso ka sa sagot mo?" parang gusto ko itong suntukin. Hindi nito pinansin ang sinabi ko. Nauna itong bumaba ng kaniyang motor. Napasigaw pa ako nang bigla niya akong hawakan sa bewang at iangat na parang bata. Parang nag-slow motion ang kapaligiran. Nagtama ang mata namin ni Leandro kahit may suot pa itong helmet. Parang kiniliti ang tiyan ko at parang nagkaroon ng umuulan na cherry blossom sa paligid. Bakit parang kinikilig ako? Ang gaan at masarap sa pakiramdam at parang ayoko ng matapos pa

