bc

Brotherhood Billionaire Series 7: My Sweet Candy

book_age18+
3.5K
FOLLOW
47.7K
READ
billionaire
possessive
arrogant
goodgirl
police
comedy
sweet
bxg
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Isang mabait at masunurin na anak si Candy at mapagmahal na tita sa kaniyang nag-iisang pamangkin na si Mickey. Ngunit lumabas ang kaniyang pagkamaldita sa kaniyang bagong kapitbahay na kung tumitig ay halos makalaglag panty na tinagurian niyang yosi boy na si Leandro.

Magkasundo kaya silang dalawa na kung magkatagpo ay parang mga aso't pusa .

chap-preview
Free preview
Chapter 1
- Candice Ledesma - “Dito nalang po sa tapat nang gate Manong." sabi ko at huminto sa harap nang aming gate ang tricycle kung saan ako nakasakay. Pagkababa ko ay mabilis na ako nagbayad kay manong driver pero dahil buong singkwenta ang pera ko ay kelangan niya pa akong suklian. Habang naghihintay na nang sukli ay wala sa loob na napadako ang paningin ko sa kabilang tawid kung saan ang malaking tindahan ni Aling Marites ay maraming suki. Bukod kasi sa sari-sari store nito ay may karinderya pa ito kaya malakas sa tao. Napakunot ang noo ko sa taong nakaupo sa harap nang tindahan ni Aling Marites, nakatingin kasi ito sa akin habang bumubuga ng usok hawak ang yosi nito. Kulang nalang ay maging apoy ito sa tindi nang usok na pagkakahithit nito. Parang tumalon ang puso ko sa paraan nang pagtitig nito sa akin. Ang nakakagulat pa ay ngayon ko lamang nakita ang pagmumukha nito sa lugar namin. Sa tagal ba naman ng paninirahan namin dito ay halos dito nako lumaki at kabisado ko na ang mga pagmumukha nang mga tao sa lugar na ito. Diko man kilala sa pangalan ay kilala ko naman sa mga mukha. “Ang gwapo naman nun kahit yosi boy" wala sa loob na bulong ko sa sarili. “Ineng ang sukli mo" si manong na kinalingon ko. “Salamat po" Mabilis akong tumalikod at hindi na muling nilingon ang lalaki, binuksan ko ang lumang gate namin, kinakalawang na kasi ito at wala pang budget para mapalitan. Nang makapasok ay sinarado ko agad ang gate at mabilis na naglakad patungo sa aming bahay. Pagbukas ko ng pintuan ay ang mukha agad ni Mickey na aking pamangkin ang bumungad sa akin. “Tita Candy!" sabay patakbong lapit sa akin. Napayuko ako para yakapin si Mickey pero ang ginawa naman nito ay yumakap sa aking leeg at lumambitin. Nagpakarga pa nga! “Ang heavy mo Mickey, kawawa si Tita ‘di na kita kaya" Ito naman ay parang bingi dahil humagikhik lang sa akin. “No! You should carry me Tita" sabay ngumuso sa akin at hinalikan ang kaliwang pisngi ko. “Okay later baby, magbibihis muna si Tita okay?" “Okay!" “Oh anak, andiyan ka na pala" si Mama na biglang labas mula sa kusina. “Opo Ma, kakarating ko lang" bumitaw ako kay Mickey at tumayo para lapitan si Mama at hinalikan sa pisngi. “Sakto naman at kakaluto ko lang ng tanghalian. Kumain na kayo nang pamangkin mo at aalis na rin ako para puntahan ang Papa mo" “Sumabay kana Ma sa amin" “Hindi na anak, alam mo naman walang kasama ang Papa mo dun. Kawawa naman" napansin ko na lang na may bitbit na itong eco bag at tiyak yun na ang tanghalian nila Papa. Madalas kasi ay sa farm na sila kumakain. Pag half day lang ako sa school ay sa tanghali lang pumupunta si Mama, hanggang sabay na sila makauwi ni Papa sa hapon. Kapag wala naman akong pasok ay maghapon magkasama ang magulang ko sa farm. Pag may OJT naman ako ay ay hindi na nakakasama si Mama kay Papa. Palaging ganun ang routine namin lalo na at may bata kaming kasama dito sa bahay. Hindi ito pwedeng isama-sama nalang basta nila Mama at Papa dahil magagalit si Ate lalo na at sobrang makulit ito at curious sa lahat ng bagay na nakikita. Kailangan din lagi may kasama si Papa sa farm dahil minsan na itong nagkasakit. Nagkaroon ito nang sakit sa puso at hindi pwedeng napapagod nang husto. Kaya si Mama ay laging alerto sa kalusugan ni Papa. “Sige po Ma, ingat kayo sa byahe." paalam ko. “Ang apo ko na maganda, wag ka papasaway kay Tita Candy mo ah" si Mama na yumuko at hinalikan sa noo ang apo nito. “Yes po Lola, take care and i love you ! Tell Lolo that I love him too!" si Mickey na humawak pa sa magkabilang pisngi ni Mama. “I love you din apo ko, napaka-sweet talaga" nagka hagikhik pa ang mag-lola. Nang makaalis si Mama ay saka ako pumasok sa loob ng aking kwarto at hinayaan ko na nakasunod sa akin si Mickey. Dahil kung saan man ako magpunta ay lagi itong nakabuntot sa akin na para bang anino ko na. Mabilis akong nagbihis nang t-shirt na maluwang at short. Pinuyod ko nalang basta ang aking buhok at sobrang daming baby hair ang nagbagsakan. “Tara na Mickey gutom na ako" Magana kaming kumain ni Mickey habang nagkukwentuhan ng mga Oppa. Natutuwa ako sa pamangkin ko na ito dahil parang matanda kausap. Matapos ang ilang sandali ay pinapunta ko siya sa sala para manood ng tv. Enjoy naman ito sa pinapanood na cartoons. Kaya naghugas na ako nang pinggan at nang matapos ay nagwalis na rin ako sa kaunting kalat. Pumasok ako sa loob ng aking kwarto para kunin ang cellphone ko, pagpunta ko sa sala ay wala na si Mickey. Nagtaka ako dahil nakabukas naman ang tv, napadako ang mata ko sa pintuan namin dahil may kunting bukas. “Mickey, saan ka na?" nilibot ko ang buong sala kahit hindi naman malaki, pumunta ako sa kusina pero wala din doon. Sa banyo ay wala din. Kaya napag-pasiyahan ko na pumunta sa labas. Nagtataka ako dahil nakasarado naman ang pintuan namin kanina kaya bakit nabuksan. Baka binuksan na naman ni Mickey. Mahilig kasi nito paglaruan ang doorknob namin. Nang buksan ko ang pintuan ay agad akong lumabas. Ganun na lang ang gulat ko dahil si Mickey ay nasa harap na nang gate. Nakatalikod ito sa akin kaya ‘di ako nito napansin. “Mickey! Ano ba ginagawa mo diyan?!" mabilis akong naglakad nilapitan ang bata. Humarap ito sa akin at ganun nalang ang gulat ko na may sinisipsip itong lollipop gamit ang kanang kamay. Ang kaliwang kamay naman nito ay may hawak na plastick labo na maraming laman na mga candy at chocolate. Pumantay ang mukha ko sa mukha nang maliit na bata. “Mickey, who gave that Candies and chocolates?" Dinurog muna nito ang lollipop sa loob nang bibig nito bago sumagot sa akin. “Tito Pogi po Tita!" “Huh? Sinong tito pogi?" takang tanong ko. “There ohh!" sabay nguso sa gate. Napasunod naman ang tingin ko sa nginuso nito. “Wala naman tao sa labas." “Umalis na po siya Tita" Napataas ang isang kilay ko sa batang ito dahil nagtagalog. Madalas kasi ay english ito magsalita, bihira lang magtagalog. Kakanood nito nang Peppa pig eh. “Sa susunod Mickey huwag kang basta-basta nalang tatanggap nang ganiyan ah. Alam mo bang maraming bad guys na ganiyan. Bibigyan nang candy tapos kukunin nila mga batang makukulit. Sige ka kukunin ka nila. Iiyak si Lolo, Lola , Tita Candy at lalo na si Mommy mo. Gusto mo ba yun?" Umiling ito kahit pa may subo na lollipop. “No Tita." “At saka masisira ang teeth mo niyan. Ayaw ni Mommy kumain ka nang kumain ng Candy" “But I love this Tita!" nakakunot na ang mukha nito. “Kaya nga sa susunod wag mo na uulitin ito ah. Pag may nagbigay nang ganito, tawagin mo agad ako okay?" “Okay po Tita!" ngumiti na ito sa akin. Tumayo ako at lumapit sa aming gate na luma. Bahagya ko pang binuksan ito at nilabas ang aking ulo. Para silipin kung sino man ang taong nagbigay nang matatamis kay Mickey. Nagpalinga linga ako at wala ako nakita. Napadako ang mata ko sa kabilang tawid kung saan ang tindahan ni Aling Marites. Kulang nalang ay tumalon ang puso ko nang mapadako at magtama ang mga mata namin ng lalaking nakaupo sa harap ng tindahan ni Aling Marites. Siya din yung kaninang yosi boy. Pero ngayon ay hindi na siya nagbubuga ng usok. Tamang upo lamang ito at nakabukaka pa habang may hawak na cellphone. Bigla pa itong umupo ng tuwid nang hindi humihiwalay ang tingin sa akin. Kahit may distansiya ang layo namin sa isat isa ay pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay nakikita nito sa paraan nang pagtitig nito. Baket ang gwapo nito? “Tita Candy" boses ni Mickey na kinapukaw ko. “T-tara na sa loob" umayos ako nang tayo at akmang isasara ko na ang gate at wala sa loob na mapadako na naman ang paningin ko sa lalaking nakaupo. Nagtama ulit ang aming mga mata. Bago pa ako tuluyang mahipnotismo nito ay sinarado ko na ang gate. Mabilis na pumasok kami sa loob nang bahay. “Matulog kana Mickey at may tatapusin pa akong report" Kinuha ko ang mga candy nito at pinasok sa loob ng ref. Nag-toothbrush muna kami bago pumasok sa kwarto ko. At makalipas nang ilang sandali ay nakatulog na ang batang makulit at nagsimula na ako para sa aking report.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook