Chapter 2 (Part 1)

2088 Words
- Candy - Napatingin ako sa wrist watch ko. Sampung minuto bago mag-ala singko ng hapon. Kakatapos lang ng OJT ko bilang assistant ng isang private company. May allowance din kaming nakukuha, hindi man malaki ay ayos na rin dahil malaking tulong na rin ito para sa akin. Nagbabaon din ako ng kanin tuwing launch para makatipid at bumibili na lang ng ulam sa karinderya. “Ayaw mo ba talagang sumama sa amin beh? Friday naman ngayon at walang pasok bukas. " pamimilit ni Kristel na classmate ko at kasama ko rin na nagta-trabaho. Umiling ako at ngumiti. “Pasensiya na ah, kapag may free time na lang. Alam mo naman na busy ako palagi." mahinang napatawa ako. Tinaas ko ang bisig ko at tinuro ang relos. “Tignan mo nga oh? Mamalengke pa ako nito bago umuwi ng bahay." Umasim ang mukha ni Kristel. “Ganiyan ka naman ehh. Sabi mo dati kapag nag-resign ka na sa jabee, magbo-bonding na tayo. Ngayon one week ka ng walang trabaho, wala pa rin." tumaas ang kilay nito. Napakamot ako sa pisngi. Totoo naman iyon, ang kaso may alaga akong bata sa bahay. At mas gusto ko pang makasama ang pamangkin kong makulit kesa gumala. Ako pa naman ang taong masinop sa pera. Kuripot na kung kuripot pero hindi ako gagastos kung nonsense lang din. Natutunan kong mag-ipon at magpahalaga ng pera nang nagkaroon ng matinding pagsubok sa buhay ng pamilya namin. Nag-working student ako at mas lalo kung natutunan ang bawat barya, dahil walang katumbas ang pawis at pagod sa kakarampot na sahod. Pero nagtiyaga ako para makatulong para sa pamilya ko. Umikot ang mata nito at tinawag ang isa pa naming classmate na si Bea. “Ano Ledesma hindi ka na naman sasama? Libre ko naman ah." Si Bea ay kahit paano ay may kaya sa buhay. Parehas naman sila ni Kristel, mas nakakangat nga lang si Bea dahil may sariling negosyo ang pamilya nito at nasa abroad ang mga kapatid. Kung hindi lang kailangan mag-OJT ay wala itong balak maging utusan at magpunas ng table ng boss. “Sorry talaga, hayaan niyo next time sasama ako." ngiting aso ko. Napamewang si Bea at si Kristel naman at nagtataray ang kilay. Kahit ganitong mukhang mga maldita ang dalawa kong kaibigan, ay mababait naman ang mga ito at totoong kaibigan. Natuto rin ako sa kanila kung paano makipaglaban dahil sa mga epal sa kapaligiran. “Oh siya, kung hindi ka naman mapilit. Sa susunod na sabado ay birthday ng pinsan kong si Drew. Wag ka ng tatanggi, utang na loob. Magpaalam ka na sa parents mo dahil kung hindi ako na magpapaalam." mataray na salita ni Bea. Napasinghap si Kristel. “Gosh! Birthday na ni Drew?! Ayyy!!" parang kinikilig pa si Kristel. Sinamaan ng tingin ni Bea si Kristel. “Kahit kiligin ka diyan, alam mo naman na si Ledesma ang type nun" Umasim ang mukha ni Kristel. “Hmph! Pwes ung kapatid na lang niyang si Drei!" “Whatever!" sabay paikot ng eyeballs ni Bea. Napailing na lang ako sa dalawang ito, kahit madalas magbangayan ay close pa rin sa isat-isa. ”Oh siya, uwi na ako mga Sis. May anak pa akong naghihintay." “Dadalaw kami minsan sa bahay niyo ah." “Kamusta mo ako kila Tita at Tito and also kay baby Mickey!" “Sure." Niyakap at hinalikan pa ako sa pisngi ng dalawa kong classmates bago ako nagpaalam sa kanila. Mahilig sila sa galaan at hindi problematic sa pera. Kaya kahit magkaiba kami ng hilig sa buhay ay happy naman ako na mga kaibigan ko silang dalawa. Sumakay na ako ng tricycle dahil sa wet market ang punta ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating din ako. Kinuha ko sa likod ng cellphone ko ang papel na listahan ni Mama para sa mga bibilhin ko. Nagpadala na rin kasi ng pera si Ate Cassey kahapon dahil sweldo niya. Nakapamili na rin naman si Mama ng ilang groceries, lalo na ang gatas at diapers ni Mickey. Malakas kasi dumedede ang pamangkin kong iyon kaya hindi makapagtipid. Ayaw naman ipatipid nila Papa dahil gusto nila ay palaging mukhang mataba at malusog ang kanilang apo. Kinuha ko sa tote bag ko ang nakatuping eco bag. Malaki iyon dahil marami akong bibilhin. Inuna ko ng bilhin ang karne ng baboy at dalawang buong manok. Isdang galunggong, bangus at tilapia. Hindi na ako bumili ng mga gulay dahil nagdadala naman sila Papa mula sa farm. Maraming prutas na sobra pa sa isang kilo ang pinamili ko. Mabigat na ang dala kong eco bag. Pero bibili pa ako sa pharmacy ng gamot pang ubo at sipon para kay Mickey. Panay na daw ang pag-aching ng bata kaya bumili na ako para maagapan. Maselan pa naman si Ate Cassey kapag nagkakasakit na ang anak nito. Nurse si ate kaya alerto ito kahit nasa maynila ngayon. Matapos kung bumili ng lahat ng nasa listahan ay naglakad ako patungong musliman na may tindang ‘Presyong Divisoria'. Mga mura lang iyon at random ang binebenta. Pagpasok ko ay diretso agad ako sa mga colouring books. Kumuha ako ng dalawa at crayons na 48 ang kulay. Bumili na rin ako ng bagong sketch book dahil ung sketch book ng pamangkin ko ay punong-puno na puro drawing nito ng kahit ano na hindi maintindihan. Kompleto ang batang makulit para sa pagkulay-kulay nito. At syempre hindi dapat mawawala ang maraming stickers. Iiyak ito kapag walang bagong stickers, paano ba naman kung saan-saan dinidikit at kapag naubos na ay maglulupasay sa sahig. Bumili na rin ako ng ponytails at ipit nito. Malalaking ribbon clips na mas malaki pa sa mukha ni Mickey ang binili ko. Binayaran ko na iyon sa kahera. Sariling pera ko ang pinambayad ko dahil iyon ang mga sobra kong allowance dahil sa pagtitipid. Gusto kong matawa sa sarili ko, matipid ako pero kapag sa pamangkin ko na ay napapabitaw ako ng pera. Pero ayus lang, masaya naman ako sa ginagawa ko. Pumara na agad ako ng tricycle ng may makita ako. Pero bago ako makasakay ay may nahagip ang mata ko na isang big bike na kulay itim. Kawasaki Ninja Wow! Motor pa lang ang yaman na. Napansin ko rin ang ilang naglalakad at tindero na napatingin sa big bike na mukhang napahanga din. Nagulat pa ako ng may isang lalaking matangkad at maangas na naglakad sa nakaparadang big bike na tiyak siya ang may ari. Naka-fully gear ito habang suot ang helmet na talaga naman agaw pansin. Grabe, hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero mukhang gwapo na. Bagay sa motor niyang gwapo rin. “Sasakay ka pa ba Miss?" tanong ng driver na nagpabalik sa tamang isip ko. “Ha? Ah opo! Sorry Manong!" dali-dali akong pumasok sa loob ng tricycle. Narinig ko pa bumulong si manong pero hindi ko naman naintindihan. Hmph! Bahala ka diyan magreklamo. Matapos ng 30 minutes ay nakarating din ako ng bahay. Bago ako bumaba ay nagbayad na ako at sinakto ko ang bayad para hindi na ako suklian. Pagbaba ko ay ibinaba ko ang pinamili ko para pagbuksan ang kinakalawang naming gate. Pero hindi ko pa nahahawakan ang gate ng tumunog iyon at bumukas. Si Papa pala, may hawak itong walis tingting na tiyak nagsusunog ng tuyong dahon. Nakauwi na pala ito galing bukid. "Papa." Niluwagan ni Papa ang pagbukas ng gate. Mabilis akong nagmano sa kaniya. "Pumasok ka na." Lumabas si Papa para kunin ang ecobag na nilapag ko at nilagay sa kaliwang kili-kili ang walis ting-ting. Mabilis akong pumasok, hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay ay narinig ko ang matinis na boses ni Mickey na patakbo papunta sa akin. "Tita Candy!!" "Hello, baby ko." Yumuko ako para salubungin ko agad ito. Mabilis itong lumambitin sa leeg ko na halos ikatumba ko. "Kiss, kiss ko Tita Candy." kanda-haba haba ang nguso nito sabay halik sa pisngi ko. Hinalikan ko rin ito sa pisngi at binuhat ang napakabigat na bata. Pagpasok ko ay siya namang salubong ni Mama. Nagmano ako. "Bumaba ka muna apo, dahil galing labas si Tita Candy mo. Maalikabok." "No.." humaba ang nguso nito. "Sige na, magagalit si Lolo na naman sa iyo. Sige na 'baba na." Nakasimangot ang bata na kinuha ni Mama sa akin. "Bakit po 'ma, nangulit na naman Mickey mouse?" Ibinaba ni Mama si Mickey at inupo sa sofa. Sabay abot ng kaniyang bote para padedein ang bata. "Lumabas ito kanina, andiyan sa may gate hindi ko napansin nang magbanyo ako." Napatingin ako kay Mickey ng humiga ito at inosenteng dumedede. "Galit ang Papa mo ng pagbukas niya ng gate galing bukid naroon ang bata, may kinakaing biscuit. Mabuti na lang at hindi pa marunong ito magbukas ng gate. Mamaya ay masagasaan pa." napapailing si Mama. Napasinghap ako. "Hindi ko alam kung sino ang nagbigay ng biscuit sa kaniya. Nang bawiin ko ay pumalahaw ng iyak. Si Tito Pogi daw nagbigay. Pagkakulit talaga ng batang ito." "Jusko. Mickey binigyan ka na naman ng tito pogi na 'yun?" nanlalaki ang mata ko. "Bakit kilala mo ba ang taong 'yun?" salubong ang kilay ni Mama. Umiling ako at kinwento rin ang pangyayari nung nakaraang linggo. "Sus Ginoo ko. Ipapaayos na talaga natin itong gate natin. Baka kung sino-sino na lang ang pumapasok dito. Marami pa naman ang masasamang loob sa panahon ngayon." "Ubos na!" sabay kami ni Mama na napatingin sa bata. Pinakita pa ni Mickey ang simot na bote nito. Eksakto naman na pumasok si Papa. Kinuha ni Mama ang eco bag at naupo si Papa katabi ni Mickey at nilambing-lambing ang kaniyang Lolo. Umakyat na ako sa hagdan para pumasok sa kwarto ko. Ibinaba ko ang tote bag ko. Nakita ko ang kalat sa kama ko, napapailing na lang ako dahil pati ibang toys ni Mickey ay nagkalat. Nagligpit muna ako at itinapon ang ilang papel-papel na nagkalat sa basurahan. Ang ilang labahin ay nilagay ko sa laundry basket. Magkasama kasi kami sa kwarto ni Mickey. Matapos nun ay mabilisang naligo ako dahil sa maghapon ko sa trabaho at galing pa ako sa palengke. Naghalo na ang pawis at alikabok sa katawan ko. Feeling ko ay nanggitata na ako. Nagsuot lang ako ng maluwang na t-shirt at pajama. Sinuklay ko lang ang basa kong buhok bago ako bumaba ng kwarto. Bukas ko na lang ipapakita kay Mickey ang binili ko sa kaniyang coloring book. Dahil baka magpuyat lang ito sa kakakulay. "Tita Candy ko!" Kumaway-kaway pa ito at nakangisi habang kita ang cute nitong mga ngpin. Nakakandong ito sa kaniyang Lolo habang nanonood ng balita. Nagtungo ako sa kusina para tulungan sa pagluluto si Mama. "Sakto, narito ka 'nak. Bumili ka muna kay Marites ng isang litrong mantika." tumingin-tingin si Mama sa cabinet. "Pati ng suka at toyo. Nakalimutan kong ilista wala na pala tayo dito." "Sige po." Inabutan ako ng buong 200 pesos ni Mama. Hindi pa man ako nakakalabas ng pintuan ay sumigaw si Mickey. "Sama Titahhh!!" "No. Dito ka lang." lingon ko. "Dito ka lang apo at madilim na. Bawal ng lumabas." saway ni Papa. "But my Tita.." kandahaba na naman ang nguso nito. Makulit si Mickey pero kapag sa Lolo na niya ay takot ito. Hindi ko na ito pinansin at diretso na ako lumabas ng bahay. Madilim na rin pala pero bukas ang ilaw sa poste. Lumabas ako ng gate, diretso ang mata ko sa kabilang tawid. Maraming tao sa tindahan ni Aling Marites. Madalas mga nakatambay. Nakakabwisit pa naman ang mga nakatambay na puro lalaki. Pero no choice ako dahil sila lang ang may malapit na tindahan sa amin. Tumawid na ako at napansin kong nagsiayos ng upo ang mga tambay. Pagkalapit ko sa tindahan ay kaniya-kaniyang ubo ang mga kupal. "Aling Marites may bibili!" "May bibili!" "Bibili ang prinsesa ko. Tumabi kayo!" Poker face lang ako kahit na gusto kong tarayan isa-isa ang limang tambay na ito. "Hoy! Magsi-alis kayo diyan. " singhal ni Aling Marites. "Ikaw pala, Ganda. Anong bibillhin mo?" nakangiting bungad nito. "Isang litrong mantika po, toyo at suka na nakabote." sagot. Hindi ako lumilingon ng marinig ko na nagbulungan ang mga tambay sa likod ko. Maya-maya pa ay nagsitahimik. Baka nagsiuwi na. Mabuti naman. Hindi nagtagal ay narinig ko ang paglakad sa likuran ko na tiyak may bibili rin. Hindi ko ito nilingon pero gumilid ako. "Ito na ganda oh. Heto na rin ang sukli." nakangiting inabot sa akin ang isang plastik na pinamili ko. “Thank you po.” Pagkaabot ko sa binigay ni Aling Marites ay may naamoy akong mabango. Pabango iyon ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD