Chapter 2 (Part 2)

1042 Words
Hindi ako lumilingon ng marinig ko na nagbulungan ang mga tambay sa likod ko. Maya-maya pa ay nagsitahimik. Baka nagsiuwi na. Mabuti naman. Hindi nagtagal ay narinig ko ang paglakad sa likuran ko na tiyak may bibili rin. Hindi ko ito nilingon pero gumilid ako. "Ito na ganda oh. Heto na rin ang sukli." nakangiting inabot sa akin ang isang plastik na pinamili ko. "Thank you po." Pagkaabot ko sa binigay ni Aling Marites ay may naamoy akong mabango. Pabango iyon ng lalaki. "Oh ikaw pala 'yan, Pogi." kung tudo ngisi ngayon si Aling Marites na halos makita pati gilagid. Nakayuko ako habang binibilang ang sukli. Nasa kamay ko na ang binili ko ng marinig kong nagsalita ang lalaki. "Isang stick ng marlboro black." malaki at malalim ang boses ng lalaking iyon. May accent pa nung magsalita ito. Hindi ko na sana lilingunin ito ng masagi nito ang braso ko. "Sorry." Napatingala ako sa lalaki. Pero ganun na lang ang pagtalon ng puso ko ng magtama ang mata naming dalawa. Jusko Lord! Siya rin iyong lalaki sa tindahan nung nakaraan. Napakagwapo ng lalaking ito na nasa aking harapan ngayon, halos makalimutan ko ang pangalan ko dahil sa nakakaakit nitong mata. "Are you okay Miss?" Gusto kong mapanganga sa pagsalita nito ng english. Hindi ito tagadito, at mas lalong hindi ito nababagay sa lugar na ito. "H-ha? Ah, oo." agad akong napayuko dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa mata nitong nakakalusaw ng kalamnan. Nadaanan ng mata ko ang malaki nitong katawan at halos namumutok ang braso nito sa t-shirt nito. Ang braso nitong may tattoo... "Ito na Pogi oh." Narinig kong nagsalita ni Aling Marites. Nagmamadali ako sa paghakbang para hindi ko na sila marinig pa. Pagkatawid ko ay halos manginig ang katawan ko sa pagbukas ng gate ng hindi lumilingon sa kabilang tawid. Pagkasarado ko ng gate ay saka lang ako huminga ng malalim. Jusko... Sino ba 'yun? Diretso agad ako sa kusina, tinatawag ako ni Mickey pero hindi ko ito pinansin ng magsalita si Mama. "Anong nangyari sayo? Bakit namumula ang mukha mo at pinagpapawisan ka?" pagtataka ni Mama habang nilalabas sa plastik ang mantika. "H-ha? Ahh w-wala po." Hindi na nagkomento pa si Mama. Pinalabas na lang niya ako dahil siya na lang daw ang magluluto ng ulam namin. Tumabi na lang ako kay Papa at ngayon ay nasa kandungan ko na si Mickey. Pagkatapos na magluto ni Mama ay tinawag na kami para kami ay maghapunan na. Naging masaya ang aming hapunan dahil si Mickey na sinusubuan ni Mama ay walang katapusan kung magkwento sa kung anu-anong istorya. Ako na ang nagligpit ng aming kinain at ako na rin ang naghugas ng pinggan. Si Mama naman ay niliguan na ang kaniyang apo. Umakyat na ako sa kwarto at nakita ko si Mickey na hawak ang kaniyang tablet. Naka-pajama na ito habang nakahiga. "Bango na ng bibeh namin ahh." Inamoy-amoy ko ang makulit. Kinagat-kagat ko ang pisngi nitong matambok. "Tita...s-stop!" tawang-tawa at nakikiliti pa ito. Tumigil din ako dahil namumula na ang mukha ng bulilit. Humiga ako para tabihan ito. "Let's call your Mommy?" Lumiwanag ang mukha ng bata. "Yess!!" Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang messenger. Mabuti naman at online si Ate Cassey. Binitiwan ng bulilit ang tablet at kinuha agad ang cellphone ko. Excited talaga. Hindi nagtagal ay sinagot agad iyon ni Ate. "My Mommy!!" malakas na tili ng batang makulit. "Baby ko." Nakangiti lang ako sa magnanay. Araw-araw naman silang magkausap sa cellphone. Tawag man o videocall. Lalo na kapag rest day ng kapatid ko ay mas maraming oras silang magkausap. Inabot din ng isang oras video call. Kaya kinuha ko na ang cellphone dahil may pasok pa kinabukasan si Ate. "Kumusta na pag-aaral mo, bunso?" "Ayos lang naman Ate, ganun pa rin naman. " ngiti ko. Tumango-tango ito. "Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan kang bayarin. Wag kang mahiyang humingi sa akin.' Umiling ako. "Wala akong bayarin ngayon. Saka may allowance naman ako sa trabaho ko ngayon. Kaya hindi ako nanonoblema sa ngayon. Saka may kaunting ipon pa ako nung nag-resign ako." Tumango-tango ito. "Basta, kapag may kailangan ka sabihin mo agad sa akin. Salamat sayo bunso, ang laking tulong mo talaga sa akin. Sa pag-aalaga sa pamangkin mong makulit." Napangiti ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nagpasalamat si Ate sa akin. "Naku, 'kaw talaga Ate. Ayus lang iyon. Hindi mabigat ang pag-aalaga sa pamangkin kong ito. Love na love ko ito ehh." ngumuso ako sa pamangkin ko na ngayon ay dumedede. "Mommy" "Baby ko." Nagkulitan pa ang magnanay bago nagpaalam sa isat-isa. Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto. May kaunting liwanag naman sa labas ng bintana na jalousie. Kaya kahit paano ay nagbibigay liwanag sa kwarto. Hindi ko na tinanggal sa pagkakatali ang kurtina. Malakas naman ang hangin sa electric fan. Hindi uso sa amin ang aircon dahil hindi naman kami mayaman. Hindi nagtagal ay nakatulog na ang pamangkin ko. Nakanganga pa ito. Inayos ko na lang ang kumot na tiyak kinabukasan ay wala na sa katawan nito. Bumaba ako ng kama para magtungo sa banyo. Hindi nagtagal ay bumalik ako ng kwarto. Dumilim lalo at napatingin ako sa bintana. Mukhang napundi ang ilaw sa poste. Lumapit ako sa bintana at dahan-dahan kong binuksan na walang tunog ang jalousie. Mukhang napundi nga ang ilaw sa poste na malapit sa bintana ko. Sa kabilang tawid naman na may poste ay ayos naman. Ilang minuto akong nakatitig sa poste ng bumaba ang mata ko sa isang bulto ng katawan na nakaupo sa isang madilim na parte. Nagkasalubong ang kilay ko, hindi ko masiyado makita ang taong nakaupo pero makikita mong may umuusok pataas na tiyak naninigarilyo ang taong iyon. Napasinghap ako ng bigla itong tumayo. Ang lalaking iyon ay iyon din ang nakasabay ko sa tindahan. May hawak itong cellphone at tinapat sa kaniyang tenga. Nakatalikod ito kaya kitang-kita kung gaano kalaki at kalapad ang llikuran nito na mukhang batak na batak sa gym. Naglakad ito palayo sa dilim, at sinundan iyon ng mata ko. "Sino kaya 'yun? Ang gwapo niya... pero ang daming tattoo." Nawala na ito sa paningin ko ng kainin ito ng dilim. Mukhang umuwi na. Saan kaya ito nakatira? Kilala kaya ito nila Mama at Papa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD