Chapter 3 (Part 1)

1869 Words
- Candy - Maaga kaming nagising ngayong araw dahil sabado, araw ng paglalaba dito sa likod ng aming bahay. Dalawa kami ni Mama, si Papa naman ay nasa bukid na. Pagkatanghali naman ay susunod na doon si Mama para samahan si Papa. Hiwalay ang washing machine sa dryer. Ako na ang nagkusot sa mga binabad na hindi pwede ipaikot para hindi magkahimulhol, habang si Mama naman ang nagbabanlaw, kaya mabilis kaming natapos ni Mama. Dahil mataas na rin ang araw, ang mabibigat na towel at kumot ay diretso sampay ko na. Maski ang ilang teddy bears ni Mickey ay nilabhan na dahil marumi na ang iba. Ako na ang nagtapos dahil magluluto na ng pananghalian si Mama. “Pumasok ka sa loob, beh." inaayos ko ang kumot sa hanger. Basang-basa na rin ang kalahati ng katawan ko. Nakaupo si Mickey habang nakaharap sa palanggana. “Im playing bubbles." hinawak-hawakan nito ang maruming bula na pinagbabaran ko ng mga basahan. “Ay anak ng tipaklong! That's dirty, Mickey!" Paglapit ko ay agad ko itong nilayo sa planggana. Hinugasan ko na rin ang kamay nito na may bula. “But I want to play those bubbles, Tita Candy. " katwiran pa nito na tinuturo pa ang maruming bula. “Hindi nga pwede, marumi iyon." Nagpapadiyak ang makulit. “But I want to play bubbles!" “Mickey!" nagtitigan pa kaming dalawa. Aba't palaban itong makulit na ito. “Maligo ka na lang." mahinahon kong salita. “Yeheey! I want to swim here. " sabay turo sa palanggana. Napailing na lang ako sa kakulitan nito. Mabuti na lang at mahal ko ito. Kung hindi ay pinagkukurot ko na ito sa pisngi. Hinayaan ko muna ito saglit na maglaro dahil kailangan ko pang magwalis ng mga dahon na naglaglagan pagkatapos ko labhan ang maraming basahan. Matapos nun ay binalikan ko ang bata na ngayon ay nag-dive na mag-isa sa planggana. Pambihira talaga. Ayaw ko na lang magalit dahil wala naman akong magagawa. Tuwang-tuwa ang bubwit ng palitan ko na ng malinis na tubig ang planggana. Naka-panty na lang ito ng magbabad. “Tita, can you get my quack-quack?" Abah at nang-uutos pa. “Hay naku, basta diyan ka lang ah. Bawal ka umalis diyan, kundi kukunin ka ng mumo." Umiling ito. “No po. I'll play water ohh." pinaghahampas nito ang tubig. Magaan na kinurot ko ito sa pisngi dahil sa kakulitan. Kampante naman ako dahil hindi ito mapapahamak dahil wala namang delikado sa likod bahay namin bukod sa dalawang puno lang at bakod na ang kasunod. Nagmamadali akong kumuha ng towel at laruan nitong bibe. “Naligo na si Mickey?" tanong ni Mama habang nagluluto. “Nakababad pa po sa palanggana. Nainitan ata." Hindi ko na narinig na nagsalita si Mama. Lumabas na ako at dito lang din dumaan sa may kusina dahil likod bahay na iyon. Paglabas ko ay naglalaro pa rin ang bata. Tuwang-tuwa ng makita ang bibe niya. Kaya niliguan ko na ito. Maraming nagsasabi na parang anak ko na si Mickey. Natatawa na lang ako dahil kung pwede lang ay maging anak ko na lang ito. Pero sa kapatid ko ito. Pwede ka ng mag-asawa Candy! Marunong ka ng mag-alaga ng bata! Andito lang ako kapag ready na ang Candy ko! Marami akong naririnig at kahit sa online at nababasa ko ang mga iyon. Hindi ko na lang pinapansin ang iba, pero kung below the belt na at kabastusan na para sa akin ay auto-block agad sakin. Hinayupak ba sila. Minsan nga napapaisip ako, paano kung hindi nagbuntis si Ate Cassey ko? Wala sana kaming baby ngayon na sobrang maganda, sobrang matalino at sobrang makulit. Simula kasi ng manganak si Ate ay hindi na nagbanggit ng kahit ano ang pamilya ko tungkol sa totoong Tatay ni Mickey. Wala rin akong idea nun. Ayoko man isipin pero baka namolestiya si Ate ng kung sino, dahil wala itong naging boyfriend. Dahil sa nangyari sa kapatid ko, labis na naapektuhan ang pamilya ko. Hindi man sila nagsasalita pero ramdam ko ang pagkadismaya at lungkot. Habang lumalaki ang pamangkin ko, nakikita ko sa mukha nito na parang may lahi ito. Ibang-iba ang kutis ng balat nito, maputi kaming magkapatid at namana namin iyon sa Papa namin, pero iba ang ang balat ni Mickey. Ganun na rin ang kulay ng buhok nito at mas lalo na ang mata nito na tulad sa napanood ko sa movie. Nung baby pa ito ay kulay asul hanggang sa nagbago at ngayon ay abo na. Hindi kaya foreigner ang tatay ni Mickey? Ang sabi sa akin ni Ate Cassey ay hindi niya kilala ang lalaki, pero natandaan niya ang mukha nito. Hindi na rin kasi ako nangungulit na magtanong kahit na gustong-gusto ko tanungin ang kapatid ko, masiyado na itong stressed at intindihin sa buhay. Hirap na hirap din ito ng iwan ang kaniyang anak para magtrabaho sa maynila. “Tapos na maligo ang bibehh namin!" Humagikgik lang ang makulit. Pinunasan ko ito at binalot sa kaniyang towel. Tinapon ko ang pinagliguan nito bago kami pumasok sa loob ng bahay. “Oh sakto, kumain na kayong dalawa pagkatapos mo mabihisan ang apo ko. Ako naman ay pupunta na nang bukid." “Can I go to Lolo?" Sabay kami ni Mama na napatingin sa bata. “No!" “Bawal, apo." Lumukot ang mukha ng bata at ngumuso. “But I want to go farm. I miss my Lolo." “Ay bihisan mo na nga ang makulit na yan at baka lumala pa ang sipon." hindi pinansin ni Mama ang kakulitan ng maliit. Binuhat ko si Mickey at sa kwarto ay binihisan ko na. Napatingin ako sa itsura ko na basang-basa rin pala ang suot. “Dito ka muna bibehh. Maligo lang si Tita , okay?" “Okay, Tita Candy!" Pinahawak ko sa kaniya ang cellphone ko. Kaya pumasok na ako sa banyo para maligo. Dahil mainit ang panahon ay kulang na lang ay magbabad ako sa tubig pero hindi pwede dahil may alaga akong makulit. Nagsuot lang ako ng sando at short para presko sa katawan. Naglagay lang ako ng lotion at cream para sa mukha. Pagbaba namin ay wala si Mama sa sala at kusina. Hindi pa naman ito nakakaalis ng bahay dahil naiwan pa ang eco bag na pagkain nila Papa. Pinaupo ko si Mickey at naglagay na ng aming pinggan na dalawa. Mainit pa ang kanin, at ganun na rin ang ulam na ginisang chopsuey na hinaluan ng Karne ng baboy at nilagang pugo. Kaming matatanda lang ang kumakain ng gulay, dahil si Mickey ay maselan kapag gulay na. Sitaw at kalabasa lang ang gusto nito, the rest ay pasuka-suka na kahit hindi naman nakakasuka. Kaya nagluto na lang ng pritong itlog si Mama para sa bata. Puro prito lang din ang gusto nito, kahit anong pakain ay nag-iinarte. Kaya hindi pwedeng wala itong gatas at doon ito malakas dumede. “Wow, my favourite! Egg!" pumalakpak pa ito. ”Pray before eat." “Okay!" pumikit agad ito ng mata dahil siya ang pinagpi-pray ko. “Lord, thank you po sa food. Amen!" “Amen!" gusto kong matawa dahil sa bilis ng pag-pray nito. Inuna ko muna itong pinakain para maubos nito lahat dahil hindi pa ito masiyado marunong ng kaniya lang. Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon. Si Mama. “Lola ko!" sigaw ni Mickey kahit may laman ang bibig. “Saan ka po galing ‘ma?" Naglakad ito sa kusina at naghugas ng kamay sa gripo. “Sa kapitbahay. Binigyan ko ng ulam." Tumaas ang isang kilay ko. “Sinong kapitbahay ‘ma?" pagtataka ko. Wala na kasi ang ibang close friends ni Mama dito sa lugar namin dahil lumipat na ng bahay. Ang iba naman ay nasa kabilang street pa. Dito sa amin ay wala na bukod kay Aling Marites na may malaking tindahan. Hindi naman niya ito pwedeng bigyan ng ulam dahil may kariderya din ito. Ang iba naming kapitbahay ay hindi na kinakausap ni Mama dahil sa mga chismosa. “Yung bagong ‘tira sa likod ng paupahan nila Marites." Kumunot ang noo ko habang sinusubuan si Mickey. “Tinulungan niya ang Papa mo na ayusin ang ilaw diyan sa may kanto kaninang umaga. Sakto pa naman na malapit sa kwarto mo iyon. Mabuti na lang at marunong ang binatang iyon kahit wala sa itsura. Pinalitan lang ng bagong bumbilya at sumindi na." Ngayon ko lang din naalala na nawalan nga ng ilaw malapit sa bintana kagabi. Nakita pala iyon ni Papa. Mabuti naman at naayos na. “Ibabalik na lang daw ang mangkok mamaya. Kunin mo na lang anak at ako ay aalis na. Gutom na ang Papa mo dun." Lumapit si Mama sa kaniyang apo at pinugpog ng halik ang bata. Ako naman ay humalik sa pisngi ni Mama. “Ingat po ‘ma." “Bye bye, Lola!" Nang umalis si Mama ay saka ko inintindi si Mickey. Panay ang daldal nito na binobola ko rin para mas lalong ganahan kumain. Nilagyan ko ng kaunting sabaw ng ulam ang kanin nito para kahit paano ay may lasa. "Goodjob!" nag-thumbs up ako sa batang makulit ng maubos niya ang kaniyang pagkain. "Yeheey!" palakpak din ng bulinggit. Dinala ko ito sa sala para manood ng cartoons, at ako naman ay kakain na ng pananghalian. Kahit kumakain ako ay nakikita ko naman ito kaya alam kong hindi na naman ito lalabas. Mahirap ng malingat ako at baka nasa labas na naman. Mayayari pa ako kapag ito ay napahamak. "Wag ka magkukulit, Mickey ah? Just stay there." "Opo, Tita Candy!" Napailing na lang ako sa sagot nitong pagkalakas na parang estudyante kung makasagot sa teacher. Naghugas lang ako ng pinggan at ng matapos ay hinarap ko na ang batang makulit. "Micah Casz?!" Nawiwindang kong sigaw. "Jusko naman!" Nawala na naman ang batang iyon. Naghugas lang ako ng pinagkainan at heto, naglaho na naman. Mapapalo ko na talaga sa puwet ang batang iyon. Bukas ang tv dahil nanonood lang naman ang bata pero wala ito, mabilis na dumapo ang mata ko sa pintuan na ngayon ay nakabukas. Kulang na lang ay lumipad ako palabas ng pintuan. "Mickey!!!" Nakita ko lang naman ang bata na ngayon ay nakaharap sa aming kinakalawang na gate. Humarap ito at itinuro ang gate. "Tita, someone is calling.. there ohh." Nagmamadali akong lumapit dito. Mabilis ko itong kinarga kahit nakakabali na ng braso ang kabigatan nito. "At sino naman?" "Open the gate, Tita Candy." Nagsalubong ang kilay ko sa pamangkin ko. "Please?" Sabay kaming dalawa na napatingin sa gate ng muli ay may pumukpok na mukhang nangangatok. "Sino 'yan?" matapang kong tanong. Wala akong pakialam kung tunog ma-attittude. "Open the gate, Tita. I knew him." "Him?!" pinanlakihan ko ito ng mata. Tumango ito. Ilang segundo ko pang tinitigan si Mickey bago nag-pasiyang pagbuksan ang kung sinong nilalang na ito. Wala akong close na tagarito, at mas lalo na kung lalaki pa. Sa tagal ko ng paninirahan sa lugar na ito ay wala akong kakilala na kaedaran ko, kilala Ko lang sa mukha. Kahit nga kaibigan ay wala ako, kaya nasasabihan kaming masusungit. Wala naman akong pakialam sa kanila. Padabog kong binuksan ang gate. At halos tumalon ang puso ko ng makita ko sa harapan ay isang makisig at gwapong lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD