- Candy - “Wow! Muntik ka ng ma-late Ledesma ah!" Pangisi-ngisi pa si Bea habang lumalapit sa akin. Sumimangot lang ako at naglog-in lang sa record book. Merun din kaming time card sa office, na tanging kami lang na mga intern ang gumagamit dahil biometrics naman sa mga empleyado dito mismo ng kompanya. “Hindi obvious na puyat ahh? Sinong kapuyatan mo?" pang-aasar nito. Hindi ko ito inimikan dahil wala ako sa mood ngayong umaga. Inilagay ko na lang ang gamit ko sa locker. Isa lang naman kung bakit nasira ang mood ko sa araw na to. Si Leandro! Bwisit na yun. “Good morning po Sir!" sabay naming bati sa manager namin. "Goodmorning din." ngiting sagot nito at nilagpasan na kami ni Bea. "Si Kristel?" tanong ko. Nagkibit balikat si Bea. "Malay ko dun. Naiinis ako sa babaeng iyon. Ka

