Chapter 20

1702 Words
HAJIE: DUMATING ang weekend kung kailan dadalaw ako sa mansion nila Jen sa Madrigal's compound. Kabado ako kahit kasama ko ito. Ayon sa kanya, hindi niya pa nadadala si Arman sa kanilang compound dahil ayaw ng pamilya niya sa dating nobyo niya. Kung si Arman nga na nagmula sa mayamang pamilya ay hindi maibigan ng pamilya nito-- paano na lang ako na nagmula sa mahirap? Kahit sinasabi ni JM na hindi niya ako pababayaan doon, at inaasahan ng pamilya niya ang pagdating ko, kinakabahan pa rin ako. Iisipin ko pa lang ang mga itatanong nila sa akin doon, parang namimilipit na ang dila ko at hindi makapagsalita nang maayos. Kahit tinatatagan ko ang loob ko, hindi ko pa rin mapigilang kabahan. "Relax, love. You look tense. Hindi naman tayo susugod sa kweba ng mga tigre," natatawang wika nito na hinagkan ang palad ko. Pilit akong ngumiti na sumulyap dito. Ako kasi ang nagmamaneho ng Porsche nito. Patungo na kami sa Madrigal's compound at magsisimula na mamaya ang party doon para sa anniversary ng mga magulang ni JM. Kahit sinabi nitong inaasahan na ng pamilya ko ang pagdating namin, kabado pa rin ako. Hindi ko pa rin makontrol ang sarili ko. "Masisisi mo ba ako, love? Hindi lang ang pamilya mo ang makakaharap ko doon e. Kundi buong angkan mo." Sagot ko na napisil ang palad nitong hawak-hawak ko. Natawa naman ito na sumandal sa balikat ko. Napahalik ako sa ulo niya bago muling bumaling sa harapan. Mabuti na lang, hindi maulan ngayon at hindi traffic. "Sigurado din naman akong magugustuhan ka nila para sa akin, love. Dahil kung ayaw nila sa'yo? E hindi papayag ang mga iyon na dalhin kita doon lalo na't family occasion ang party ngayon. Kaya nga hindi ko nadadala si Arman sa mansion e. Dahil una pa lang, sinabihan na ako nila daddy at tito na ayaw nila kay Arman. Sa tuwing sinasabi kong ipapakilala ko si Arman sa kanila, tumatanggi kaagad sila." Sagot nito. Napanguso ako. "Bakit ayaw nila kay Arman, love? Mayaman naman siya a." Tanong ko. "Dahil ba mayaman siya, automatic na kaagad na magugustuhan siya ng pamilya ko?" balik tanong naman nito. Umayos siya sa pagkakaupo na hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Sanay naman na ako na isang kamay lang ang usually ginagamit kapag nagmamaneho. "E. . . gwapo din naman siya a." Nakangiwi kong saad. Natawa naman ito sabay iling. "They don't like him because they know who he is. Alam mo, love. Kahit hindi ko pa inihaharap si Arman sa kanila, tiyak na pinaimbestigahan na nila ito sa mga private investigator na kakilala ng pamilya namin. Kaya ayaw nila dito kasi alam nila. . . ang totoong ugali nito. It doesn't matter to my family kahit anak pa ito ng pinakamayamang tao sa mundo. Hindi naman kasi bumabase ang pamilya ko sa material na bagay para magustuhan ka nila. Kaya you have nothing to worry about. Kahit hindi mo na ipakilala ang sarili mo sa kanila mamaya. . . alam na alam na nila ang lahat ng tungkol sa'yo at sa pamilya mo." Saad nitong ikinalunok ko na lalong kinabahan! "Ibig sabihin. . . pinaimbestigahan na nila ako, love?" nauutal kong tanong dito na tumango-tango. "That's for sure, love." "E. . . lalo palang nakakahiya. Tiyak na alam na din nila ang tungkol sa mga ibinigay mo sa akin at sa pamilya ko. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin, love? Baka iniisip na nila na oportunista ako at kung ano-ano na ang naiisip nila sa akin." Wika kong ikinalamlam ng mga mata nitong nilingon ako. "Hiningan mo ba ako?" tanong niya. Napalunok ako na marahang umiling. Ngumiti naman ito na napapisil sa palad ko. "Exactly, love. Hindi ka humingi sa akin. Wala kang hinihingi sa akin kasi kusa kong ibinibigay ang mga regalo ko sa'yo. What's wrong with that? Ano'ng inaalala mo doon? Hindi ka naman humihingi sa akin at palagi mo nga akong tinatanggihan e." Wika pa nito. Pilit akong ngumiti. Tama naman ito. Naiilang nga akong tumanggap sa kanya ng mga regalo nito, lalo na't hindi biro ang halaga ng mga ibinibigay niya. Pero kahit wala akong hinihingi sa kanya, iba pa rin ang iniisip ng ibang tao. Hindi mo pa rin maiaalis sa mga tao na isiping mahal ko si JM dahil mayaman ito. Dahil nagagatasan ko siya. Dahil nakikinabang ako sa pera niya at maging ang pamilya ko. Kahit na. . . wala naman akong pakialam sa kayamanan niya. Kahit nga hindi siya pamanahan ng pamilya niya, pipiliin at mamahalin ko pa rin siya nang paulit-ulit. Dahil siya ang mahal ko-- hindi ang pera nito. "Nandoon na tayo, love. Pero hindi mo naman masisisi ang mga tao na gano'n ang isipin nila sa akin." Sagot ko dito. "We already talked about this, right? Hwag mo nang alalahanin ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga-- tayo. Only the two of us. Kasi tayo naman ang magsasama, hindi ba? Tayo ang magmamahalan, tayo ang magpapakasal sa isa't-isa. They can say what they want to say. Bark as much as they want. Let them. Makakarma din sila sa mga ginagawa nila. Kaya hayaan mo na lang sila. That's their opinion, and their opinion is not important to us. Sino ba sila, 'di ba?" wika nito na nakamata sa akin at bakas ang kaseryosohan. Tumango ako na pilit ngumiti sa kanya. Tama naman siya. Kahit sinasanay ko ang sarili ko na hwag pansinin ang sinasabi ng iba, syempre dumarating pa rin ako sa punto na nasasaktan ako sa panghuhusga ng ibang tao sa akin. Mabuti sana kung ako lang ang pinupuntirya nila pero. . . damay maging ang pamilya ko. Kung sarili ko lang naman, kaya kong magtiis. Pero ibang usapan na kasi kapag pati pamilya ko ay nadadamay na pinagsasalitaan nila ng mga masasakit. Mabait ang pamilya ko, lalo na ang mga magulang ko. Kaya ayokong nasasaktan sila. Hangga't maaari, ayokong may aapi sa kanila at pagsasalitaan sila ng hindi maganda. Kaya kong magtimpi kung ako lang. Pero iba kapag pati ang pamilya ko, lalo na ang mga magulang ko ay babatuhin nila ng masasakit na salita na hindi makatarungan. PAGDATING namin sa Madrigal's compound, muling nabuhay ang kaba ko. Habang palapit kami nang palapit, palakas naman nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Malawak ang compound. Pero walang ibang tao dito kundi ang buong angkan lang nila. Pribado ang compound at nagkalat din ang mga bodyguard nila na sini-secure ang buong compound. Napabuga ako ng hangin na makarating kami sa magkakatabing mansion. Lahat magagara at malalaki. Pero pinakamalaki ang nasa sentro kung saan ang old mansion nila. "We're here. Relax, love. I'm with you, hmm?" anito na ikinatango ko. Huminga akong malalim na kinalma na muna ang sarili bago kinalas ang seatbelt ko. Nauna akong bumaba ng kotse at umikot sa harapan para mapagbuksan ko ito. Nakangiti naman itong tinanggap ang kamay ko na bumaba ng kotse niya. Naigala ko ang paningin. Mas marami kasi dito ang mga nakabantay na bodyguard at pawang may mga baril pa sila. Sinisiguro talaga nilang walang ibang taong makakapasok sa compound para masaktan o makapag-spy sa pamilya Madrigal. "Nasaan ang tahanan niyo dito, love?" pabulong tanong ko na yumapos siya sa braso ko. Itinuro naman niya ang isang mansion na nasa unahan. Magkakaharap kasi ang nasa siyam na mansion at pangsampu ang kanilang old mansion na nandidito sa sentro. "Base kasi ito sa kanilang magkakapatid, love. Itong katabi ng old mansion, ang mansion nila Tito Delta, siya kasi ang panganay. Ang daddy ko, siya ang bunso kaya naroon siya sa unahan. Iyong mga nadaanan natin kanina d'yan sa unahan, sa mga kapatid ko ang iba doon at sa mga pinsan kong may mga pamilya na rin. Well, lahat naman kami ay may nakatayo na ditong sarili naming tahanan. Kahit ako, meron na din. Pero hindi pa bukas kasi. . . hindi pa naman tayo kasal e." Pagbibigay alam nito na ikinatango-tango ko. Muli kong naigala ang paningin. Nakita ko na ito sa social media. Pero ibang-iba ngayong nandidito na talaga ako. Kahit pakiramdam ko, hindi ako nababagay dito, masaya ako dahil kabaliktaran naman ang ipinaparamdam ni JM sa akin. Na kabilang na ako sa pamilya nila. "Let's go, love. Mukhang magsisimula na ang party," wika nito na tinanguhan ko. Para akong tuod na nakasunod ditong inakay na ako patungo sa old mansion nila. Kahit kinakalma ko ang sarili ko, palakas pa rin nang palakas ang kabog ng dibdib ko! Para na nga akong hindi makahinga sa lakas ng t***k ng puso ko! Pumasok kami ng mansion. Kahit gusto kong igala ang paningin at mamangha kung gaano kaganda at kagara ito, hindi ko magawa sa sobrang kaba ko. Diretso lang ang tingin at lakad ko habang nakayapos sa braso ko si JM at nagpapatianod ako sa kanya. Sinalubong pa kami ng mga katulong nila na pawang iisa ang suot na uniform. Yumuko sila na bumati sa aming tinanguhan at nginitian ni JM, bagay na lihim kong ikinangiti sa isipan. Kahit kasi medyo maarte minsan si JM at napapalibutan ng mga social na kaibigan, hindi ito masungit sa kanilang mga katulong. "See, muntik na tayong ma-late, love." Bulong nito pagkalabas namin ng backdoor at tumuloy kami sa garden dito sa likod ng mansion. Napaawang ako ng labi na nakamata sa venue. Naroon na ang karamihan. Pawang mga nakasuot ng formal. Ang gugwapo at ang gaganda ng mga ito. Kahit ang mga batang naglalaro at habulan sa garden, kay gaganda at gwapo din nila. May mga waiter na din ang nandidito. Nagsi-serve sila sa bawat mesa. Sa harapan, may mini stage doon at may nakapwesto doong dalawang pares. Napalunok ako na mahinulaan kung sino sila. Ang mga magulang ni JM! Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan at hindi makahakbang habang napapagala ng paningin. Masaya ang lahat na nagkukwentuhan, kulitan at ang iba ay nag-aasaran pa. Malaki silang pamilya at makikita mo talaga kung gaano sila nagmamahalan. Walang naa-out-of-place dahil pamilya ang tingin ng lahat sa isa't-isa. "Come, love. I'll introduce you to my family. Anyway, welcome to family Madrigal. Nilegal na kita sa kanila kaya. . . wala ka ng kawala sa akin." Kindat nito na hinila na ako papasok ng venue!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD