Chapter 21

1606 Words

HAJIE: PARA akong tuod na sumunod kay JM nang akayin niya ako papasok ng garden. Napalingon sa amin ang mga nandidito na lalong ikinalakas ng kabog ng dibdib ko! Lahat sila ay nakasunod ng tingin sa amin ni JM na naglakad sa gitna at nagtungo sa harapan. Maging ang magkapares na nasa harapan ay nakamata din sa amin. Ang iba ay nagbubulungan na. “Relax, love. Hindi ka naman nila kakainin dito,” bulong nito na dama niyang kabado ako. “Kung may kakain man sa'yo dito– ako ‘yon, hmm?” dagdag niya. “Ano ka ba? Kabado na nga ako e,” pabulong sagot ko habang naglalakad kami. Napahagikhik naman ito. Napabuga ako ng hangin na pilit umaktong normal. Hanggang sa makarating kami sa stage dito sa harapan. Bumitaw si JM sa pagkakayapos sa braso ko at pinagsalinop ang palad namin. Dinig ko pang napa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD