HAJIE: PILIT akong ngumiti sa mga tito ni JM nang nasa harapan na kami ng mga ito. Nasa tabi naman nila ang kani-kanilang mga asawa. Mabuti pa ang mga asawa nila, nakangiti sa amin ni JM, ‘di katulad ng mga tito nito na seryoso at matiim na nakatitig sa akin. “Uhm, love, sila ang mga tito ko, kapatid ng daddy.” Wika ni JM na marahang pinisil ang palad ko. “Si Tito Delta, ang panganay sa kanilang mga lalake. Ang asawa niya, si Tita Yumi. Sunod si Tito Drake, at ang asawa niya, si Tita Mia. Si Tito Haden, at ang asawa niya, si Tita Sofi. Si Tito Leon, at ang asawa niya, si Tita Chel at si Tito Darren, ang asawa niya, si Tita Airen.” Sunod-sunod na pagpapakilala ni JM sa mga tito nito at mga asawa nila. Kabado man ako, nakipagkamayan ako sa mga tito nito. Bumeso naman ako sa kanyang mga

