HAJIE:
NAPABUGA ako ng hangin na kumuha ng pares ng pantulog dito sa closet sa silid. Napahaplos ako sa damit, ang lambot ng tela at halatang mamahalin. Nakakahiya tuloy isuot kahit pinayagan ako ni JM.
"Hihiramin ko lang naman. Wala naman akong sakit sa balat," usal ko na napahingang malalim at nagtungo na sa banyo.
Pagpasok ko sa banyo, napaawang ako ng labi na makita kung gaano ito kalaki at kagara. Mas malaki pa ang banyo na ito at mas maganda ng 'di hamak, kaysa sa silid ko sa apartment! Mapait akong napangiti na napatitig sa sarili ko sa salamin.
"Hindi ako nababagay dito," usal ko na mapait na napangiti.
Napababa ang tingin ko sa hawak kong pantulog. Kahit itong damit na ito, hindi nababagay sa akin. Napalunok ako na unti-unting namigat ang dibdib.
"Rented boyfriend." Usal ko na pilit ngumiti at pinapatatag ang sarili. "Sampung milyon, Hajie. Sampung milyon ang ibibigay ni JM sa'yo, kapalit ng pagpapanggap niyong dalawa sa loob ng anim na buwan. Malaking pera na iyon para makaahon sa hirap ang pamilya mo. Makabili ng bagong bahay at makapag-aral ang mga kapatid mo," pagkausap ko sa sarili.
Kung tutuusin, malaking pabor sa akin ang pagrenta ni JM sa akin. Hindi rin naman ako lugi dahil lalake ako at sa nakikita ko naman, mabuti din siyang tao kahit anak mayaman siya. Heto nga at nakahanda siyang magbigay ng sampung milyon sa akin para magpanggap na kasintahan niya e. Hindi ko na rin kailangan magtrabaho at magpuyat gabi-gabi para may maibayad ako sa ibang bayarin ko. Mas gagaan ang lahat sa akin kapag tinanggap ko ang alok ni JM sa akin.
"Bahala na. Hindi naman ito illegal e. Isa pa, siya ang nag-alok at hindi ko ipinilit ang sarili ko. Alam ko naman. . . kung hanggang saan lang ako sa kanya e. Gusto ko na ring mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Gusto kong magpahinga na sa kakatrabaho ang mga magulang namin at gusto kong. . . makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga nakababatang kapatid ko." Usal ko na ngumiti sa sarili.
Napahinga ako ng malalim. Isa-isang hinubad ang suot ko at pumasok na sa shower room nitong banyo. May bathtub pa ito pero sa shower room na ako tumuloy. Nakakataba lang ng puso na pinatuloy ako ni JM dito kahit kaming dalawa lamang. Ang sarap din pala sa pakiramdam na may taong kahit bagong magkakilala pa lang kayo. . . malaki na ang tiwala sa'yo.
Matapos kong mag-shower, nagpunas na kaagad ako ng katawan ng towel at nagbihis na dito sa loob ng banyo. Napanguso ako na napatingala sa hanging cabinet dito.
"Toothbrush lang naman e. Ipapaalam ko na lang kay JM bukas," usal ko na lakas loob binuksan ang hanging cabinet dito sa tapat ng lababo at napangiti na makitang narito ang hinahanap ko.
Kumuha ako ng isang toothbrush at muling isinarado ang cabinet. Nagsepilyo na muna ako bago lumabas ng banyo at tumuloy sa malaking kama sa gitna nitong silid.
"Gan'to pala ang pakiramdam na magpalipas ng gabi sa isang luxury hotel," usal ko na sumampa sa malambot na kama.
Napakalambot nito. Sa sobrang lambot nga niya ay lumundo kaagad ako. Napangiti ako na humiga at napaungol na ang sarap sa katawan ng malambot at mainit na kamang kinalulunduhan ng katawan ko.
"Tama ba ang ginawa ko?" usal ko na muling naisip ang kasunduan namin ni JM kanina.
Binalot ko ng kumot ang katawan at napapikit. Sobrang inaantok na rin ako at anong oras na rin. Ang daming nangyari ngayong gabi at hindi pa rin mag-sink-in sa isipan ko ang mga nangyari. Pakiramdam ko kasi, nasa isang magandang panaginip ako sa mga sandaling ito.
"May girlfriend na ako. Girlfriend," usal ko sa isipan na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi.
"Sana ay hindi ito isang panaginip lang. Sana. . . sana ay maiahon ko na sa kahirapan ang pamilya ko sa probinsya." Usal ko na tuluyang natangay sa matinding antok at pagod.
KINABUKASAN, nangunotnoo ako na may sumusundot-sundot sa ilong ko. Dinig ko pa ang paghagikhik ng isang boses babae.
"Gosh, he's so cute." Dinig kong irit ng boses babae.
Kahit inaantok pa ako, pinilit kong idilat ang mga mata ko. Sa naniningkit kong mga mata, unang bumungad ang pigura ng babaeng nakatunghay sa akin. Napaungol pa ako na napahawak dito at tuluyang nagising ang diwa ko na maramdaman itong totoo at-- nakadapa sa ibabaw ko!
"Oh, s**t!" namamaos kong ungol na napapisil sa baywang niya at damang-dama ko na nakalapat ang kaselanan niya sa sandata ko!
Kay tigas pa naman no'n ngayon at bagong gising pa ako! Napahagikhik ito na nagpangalumbaba pa sa dibdib ko. Tila walang pakialam na nakadapa siya sa ibabaw ko at nakalapat ang buhay kong sandata sa kanya!
"Good morning, love. I thought it was just a dream that I have a boyfriend last night. Pero-- hindi pala. Ang saya kong makita ko na totoo ka," napakalambing wika nito.
Nag-iinit ang mukha ko na sinalubong ang mga mata niya. Kung siya, sarap na sarap siyang nakadapa sa akin, kabaliktaran naman sa akin. Ako itong nahihirapan dahil kahit wala pa akong karanasan sa kama. . . lalake pa rin ako! Ang hirap kontrolin ng sarili ko lalo na't para siyang tukso na mahirap tanggihan!
"Uhm, magandang umaga din, l-love. Ano, uhm, kailangan kong gumamit ng banyo," nahihiyang wika ko at namamaos pa ang boses.
Napalapat ito ng labi na pinamulaan ng pisngi. "Sige. Balik ka rin kaagad, okay?" aniya na tinanguhan ko.
Napisil pa nito ang ilong ko bago bumaba sa ibabaw kong ikinahinga ko nang maluwag. Bumangon ako ng kama at nagtungo sa banyo. Ramdam kong nakasunod ito ng tingin sa akin pero hindi ko na nilingon pa at nagwawala na ang alaga kong gising na gising!
Napakamot ako sa sabog-sabog kong buhok. Pumasok ng banyo at tumuloy sa toilet room. Napaungol pa ako na sa wakas ay nakagamit din ng banyo. Naipikit ko ang mga mata na ninanamnam ang ginhawang hatid ng paglabas ko ng tubig sa katawan.
"Ohh, ang sarap," hindi ko mapigilang naiungol.
Matapos gumamit ng toilet, nag-flashed na ako at nagtungo sa lababo. Naghugas ng kamay, naghilamos at nagsepilyo. Nagpunas ako ng mukha bago lumabas ng banyo at lihim na napangiti na mabungaran si JM na nasa kama pa rin. Nakahiga at inaabangan akong lumabas.
Lumapit ako na pina-normal ang kilos. Naupo ako sa gilid ng kama pero sumenyas itong humiga ako sa tabi niya. Nahihiya man, sumunod ako dito na humiga muli sa kama katabi siya.
"Are you hungry? May pagkain naman sa labas. I already called a staff to bring us breakfast here." Anito na umunan sa dibdib ko.
Napalunok ako na hinayaan lang ito. Natutukso ang kamay ko na umangat at haplusin siya sa ulo pero mahigpit kong pinipigilan. Baka mamaya ay mailang siya bigla sa akin. Kaya nag-iingat ako sa kilos ko.
"H-hindi pa naman. Medyo inaantok pa nga e." Sagot ko.
"I'm sorry, naistorbo ko ang pagkakahimbing mo, love." Napakalambing wika niya na ikinangiti ko.
"Okay lang iyon, love. Pwede namang matulog ulit, 'di ba?" sagot ko.
"Yeah, kung gano'n, matulog na muna ulit tayo, love. Mamaya na rin ako kakain." Sagot nitong ikinangiti ko na naipikit ang mga mata at inaantok pa rin talaga ako.
Kusang gumalaw ang kamay ko na napayakap sa kanya nang mas nagsumiksik siya sa akin. Umayos rin siya ng higa patagilid na nakayakap sa akin habang nakaunan sa braso ko. Napangiti ako sa isipan na hinila ang kumot at ibinalot sa katawan namin. Hindi naman ito nagreklamo nang ikulong ko siya sa bisig ko na mas niyakap pa nga ako.
PASADO alasonse na nang magising ako at napangiti na makagisnan si JM na nahihimbing pa rin. . . at payapang nahihimbing na nakasiksik sa dibdib ko. Para siyang maamong anghel sa paningin ko habang natutulog ito.
"Napakaganda niya talaga," usal ko sa isipan.
Ngayong wala siyang make-up at maliwanag na, kitang-kita ko na kung gaano siya kaganda at kakinis. Hindi nga ako nagkamali kagabi. Napakaganda niya. Na para siyang buhay na manika sa liit at amo ng mukha niya.
Tila may sariling pag-iisip ang kamay ko na umangat at maingat na inayos ang ilang hibla ng buhok niyang nakatabing sa maamo niyang mukha. Napangiti ako na pinakatitigan ito. Ang sarap niyang pagmasdan na komportableng komportable sa bisig ko.
Kagabi ko lang siya nakilala. Wala pa akong masyadong alam sa kanya. Pero heto at ang gaan na kaagad ng loob ko sa kanya. Nakakatuwa nga dahil mailap ako sa mga babae. Kapag may lumalapit sa akin, sa university man o sa trabaho ay kusa akong umiiwas. Pero pagdating kay JM, wala akong pagtutol na nadarama. Parang kusa akong napapasunod sa mga gusto niya at kahit hindi ko aminin, alam ko sa sarili ko. . . masaya ako sa kanya.
"Pangako, pasasayahin at poprotektahan kita habang boyfriend mo ako, JM. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan na nagtiwala sa akin at ako ang piniling maging kasintahan mo kahit na. . . magpapanggap lang tayo," piping usal ko habang marahang hinahaplos siya sa ulo at magaan itong hinagkan sa noo!