Chapter 7

1536 Words
HAJIE: NANGINGITI akong pinagmamasdan itong nahihimbing hanggang sa magising na rin ito. Kumakalam na nga ang tyan ko at alasdose na pero ayoko namang bumangon at maunang kumain. Siya nga e, hindi na kumain kanina para makasabay ako. Kaya hindi na rin ako bumangon at nanatili na sa kama kahit panay na ang pagkalam ng tyan ko. "Hi," namamaos pa ang boses niya na binati ako. Matamis itong napangiti na hinaplos pa ako sa pisngi at nakaharap kaming dalawa sa isa't-isa. "Hi," tugon ko na ngumiti dito. "What time is it, love?" malambing tanong nito na marahang hinahaplos ang pisngi ko. "Uhm, alasdose na e." Sagot kong ikinakurap-kurap nito at natigilan. "Oh my God! You must be hungry now!" bulalas nito na napaupo sa kama. Ngumiti akong sinundan ito na napahawi sa sabog-sabog niyang buhok. Pero kahit sabog-sabog ang buhok niya, napakaganda pa rin niya. "Dapat ginising mo ako, o kumain ka na, love. Tanghali na pala. Hindi pa naman tayo nag-agahan kanina," aniya na bumaba sa kama at itinali ng messy bun ang mahaba niyang buhok. "Okay lang naman ako, love. Ikaw itong inaalala ko." Sagot ko na bumaba na rin ng kama at inayos muna ito. Napangiti naman ito na tinulungan pa akong ayusin namin ang magulong kama. Pagkatapos naming maayos ang kama, yumakap pa ito sa baywang ko at iginiya akong lumabas ng silid. Nahihiya man, napaakbay ako dito at lihim na napangiti na hindi siya umangal sa pag-akbay ko sa kanya. "Sana pala kumain na muna tayo kanina e. Nagutom ka tuloy. Anyway, may lakad ka ba today, love?" tanong nito habang pababa kami ng hagdanan. "Wala naman, love, pero-- may pasok ako mamayang gabi sa bar." Sagot ko. Huminto siya pagkababa namin ng hagdanan. Napanguso na napatingala sa akin. Ang cute niyang tignan na nakanguso habang nakatingala sa akin. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin pero kung titignan kaming dalawa, mas matured pa ang itsura ko kaysa sa kanya. Lalo na't hanggang dibdib ko lang siya. "You don't have to. Sinabi ko naman sa'yo, mag-quit ka na sa trabaho mo d'yan. That's why I hired you, remember?" aniya. Napatikhim ako na pilit ngumiti. "Uhm, sigurado ka ba doon, love? Ten million, napakalaking pera no'n. Alam mo sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakahawak maski one hundred thousand kaya. . . nalulula ako sa offer mo. Baka kasi mamaya ay iba ang isipin ng mga magulang mo, love. Magaan lang naman ang ipapagawa mo sa akin kaya sobra-sobra ang perang iniaalok mong bayad ko. Ayoko lang na masabihan akong. . . golddigger. Kahit nga minimum lang ang ibigay mong bayad ko, ay okay lang. Basta sasapat siya sa gastusin ko dito." Seryosong saad ko habang nakatitig kami sa isa't-isa. Napangiti naman ito. Kinuha ang kamay kong ikinalunok ko na biglang bumilis ang t***k ng puso kong hinawakan niya ang kamay ko. Nahihiya pa ako dahil magaspang ang kamay ko, kumpara sa kamay niyang parang bulak sa lambot. "Hajie, I was the one who offered you this. Hwag mong isipin iyon. Believe me or not? Hindi naman gano'n ang tingin ko sa'yo e. I'm willing to help you and your family if you want to. Wala kang magiging problema sa pamilya ko dahil ako naman itong kusang nagbibigay sa'yo." Saad nito na ngumiting napapisil pa sa kamay kong hawak niya. "Matagal-tagal din ang six months, love. Malay mo after six months, marami na ang nagbago sa atin, 'di ba?" dagdag pa nito. Napalunok ako na hindi nakasagot. Tama nga naman siya. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng anim na buwan naming pagpapanggap, at natatakot ako. Natatakot na baka mahulog ako sa kanya. . . bagay na hindi dapat. Dahil ang isang katulad niya ay hindi nababagay sa isang katulad ko. "Tara, kumain na muna tayo. Gutom na rin ako e." Aniya na hinila na ako sa kusina at hindi na binitawan pa ang kamay ko. MAGKATABI kaming kumain ni JM dito sa kusina. Habang kumakain, inaaral ko ang ugali niya. Masaya ako dahil napakagana niyang kumain at hindi maarte sa pagsubo. "Anyway, love, kasama mo ba sa apartment mo ang pamilya mo?" tanong nito habang kumakain kami. Umiling ako na nilunok na muna ang nasa bibig ko. Nakatitig naman ito sa akin habang ngumunguya. "Hindi, ako lang ang nandidito sa Manila, love. Ang pamilya ko, nasa probinsya namin sa La Union. Uhm, pinapaaral lang ako ng tito ko na nagtatrabaho sa Japan. Wala kasi siyang pamilya na susuportahan kaya ako ang pinaaral niya. Kaya nagpa-part-time job ako dito sa gabi kasi ayoko namang maski ibili ko ng makakain ko ay magmumula sa tito ko." Pagkukwento ko dito na tumango-tango. "How about your parents? Hindi ka ba nila napapadalhan? Mahirap pagsabayain ang pag-aaral at trabaho ha? Lalo na at gabi ang trabaho mo. Puyat ka palagi niya'n," wika niya na muling nagsubo. Napailing ako. "Mahirap ang buhay namin sa probinsya, love. Aaminin ko sa'yo, mangingisda ang tatay namin. Ang nanay namin, tindera sa palengke ng mga isda na nalalambat ni tatay sa laot. Ang bahay namin, maliit lang iyon. Walang semento ang sahig, hindi yero ang bubong at hindi kongkreto ang dingding namin kundi kahoy. Sampu kaming magkakapatid, ako ang panganay. Iyong nasa apat kong nakababatang kapatid na nakapagtapos na ng elementary? Hindi na sila nag-aaral. Tumutulong na sila sa mga magulang namin para maghanap-buhay. Kaya nagsusumikap akong makapagtapos ng pag-aaral ko at hindi ko iniaaasa ang ibang pangangailangan ko sa mga magulang namin dahil iyong kinikita nila. . . sapat lang sa kanila para makakain ng tatlong beses sa isang araw." Pagtatapat ko dito na natigilan at napalunok. Inaaral ko ang reaks'yon niya pero, sa nababasa ko, wala naman siyang pandidiri o pangungutya na malaman ang buhay ko at estado namin sa probinsya. Sa bandang iyon, parang may mainit na palad ang humaplos sa puso ko dahil. . . hindi matapobre ang babaeng kasama ko ngayon. "Now I understand," aniya na ngumiting nilagyan pa ako ng fried rice sa plato at sinenyasang kumain pa ako. "I can help your family--" "Hwag, please?" agap ko ditong nagtataka na napatitig sa akin. "Hindi ko sinabi ang hirap ng buhay namin doon sa probinsya, para tulungan mo ang pamilya kong makaahon sa hirap, love. Hwag, hindi ko sinasabing. . . tulungan mo ang pamilya ko. Gusto ko lang na mas makilala mo ako at may ideya ka kung sino ako, saan ako nagmula at ano ang buhay na meron ako." Wika ko pa. Napalunok siya na lumamlam ang mga mata. "But I want to help you and your family, love. Maliit na bagay lang naman sa akin iyong mag-abot ako ng tulong para maipagpatayo kayo ng bahay, makapagbukas ng something na pagkakakitaan ng parents mo at bigyan scholarship ang mga nakababata mong kapatid para makapag-aral silang lahat." Anitong ikinalaglag ng panga ko. Natawa ito na sinubuan pa ako sa pagkakanganga ko sa mga tinuran niya. "Ano ka ba? Hindi mo iyon kailangang gawin, love. Masaya ako na nakahanda kang tulungan ang pamilya ko pero. . . mahirap kasing tanggapin ang alok mo. Malaking pera ang ilalabas mo para d'yan kaya ayokong may masabi ang ibang tao lalo na ang pamilya mo," sagot ko dito na napanguso. "It's my own money, love. You have nothing to worry about that. Isa pa, hindi naman makikialam ang pamilya kung sakali man at malaman nilang tinulungan ko ang pamilya mo. Sabihin na nating hindi libre ang ibibigay kong pera para sa pamilya mo. Babawi ka na lang sa akin. You are my boyfriend, right? Then love me, protect me, and make me happy. Sapat na iyon, love. Bawing-bawi na ang ibibigay kong pera sa pamilya mo, kapalit ng pag-aalaga mo sa akin at pananatili sa tabi ko." Saad nitong ikinalunok ko at bakas ang kaseryosohan sa kanyang mga mata. "Uhm, sigurado ka ba d'yan, love? Alam mo, wala kaming lupain sa probinsya. Kaya wala kang makukuha sa akin kung material na bagay ang pag-uusapan. Mahirap lang kami, love. Ang tanging maisusukli lang namin sa'yo. . . ay pagmamahal at respeto. Wala kaming maiaalok sa'yo na pang-collateral sa itutulong mo sa amin." Paninigurong tanong ko dito na ngumiti. "Your love and attention is enough, Hajie. Just stay beside me. That's enough for me." Tugon nito na hinawakan pa ang kamay ko. Nahihirapan akong nilunok ang nasa bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan ngayon pa lang. Masaya ako na may taong nakahandang tulungan ako at pamilya ko na walang hinihinging kapalit pero. . . kinakabahan pa rin akong tanggapin ang alok niya. Lalo na't. . . nagmula siya sa mayamang pamilya. "Let's eat, love. Mamaya, samahan mo ako. May pupuntahan tayo," nakangiti niyang saad na nagpatuloy sa pagkain. Pilit akong ngumiti na nagpatuloy na rin sa pagkain. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung sino ba talaga siya? Gaano ba siya kayaman? Bakit parang barya lang sa kanya na mag-abot ng milyon sa ibang tao? Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya pero. . . alam ko rin naman na seryoso siya at hindi nagbibiro sa mga sinasabi. Bakas sa mga mata niya kung gaano siya ka-genuine na tao. "Jen Madrigal. . . sino ka ba talaga?" usal ko sa isipan na napapaisip sa kanyang katauhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD