HAJIE:
LIHIM akong napapangiti habang naglalakad kami ni JM dito sa mall. Kahit kasi pinagtitinginan kami ng mga tao ay hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko.
"Teka-- wala sa usapan 'to, love. Hayan ka na naman," pabulong angal ko na mabasang sa men's section kami papasok at nahihimigan ko na ang plano niya!
Napatingala naman ito sa akin na napakurap-kurap. "Hayaan mo na ako, hmm? This is for us din naman. Gusto mo bang iyan palagi ang isuot mo when we go out? Alalahanin mong six months din tayong mag-on," pabulong wika nito.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Napasulyap sa mga damit sa loob ng men's section at salamin naman ang dingding. Sa kilalang brand pa naman kami papasok kaya tiyak na mamahalin ang mga damit dito.
"Isipin mo na lang, love. Gusto mo bang kutyain tayo ng mga tao kapag makita nilang alam mo na," aniya na nagpapaliwanag. "Gusto mo bang pagtawanan nila ako?" dagdag nito.
Napabuga ako ng hangin. Tama nga naman siya. Malaking kahihiyan din sa kanya na mapansin ng mga tao ang suot ng kasa-kasama niya. Napatitig ako dito na matamis na ngumiti at nangungusap ang mga matang nakatingala sa akin.
"Sige na, love, hmm?" pag-aaya pa nito na parang batang nagpapa-cute.
Napailing ako na inakbayan ito. "Sige na nga. Tama ka rin naman e. Ayokong mapahiya ka," sumusukong pagsang-ayon ko dito na napairit na yumakap sa baywang ko.
Naiilang ako na sinalubong kami ng manager at personal na ini-assist. Si JM naman ang namili ng mga damit para sa akin na hinayaan ko na. Anim na buwan din kaming magpapanggap na magkarelasyon. Kaya kailangan ko nga ng maayos-ayos na maisusuot sa tuwing lalabas kaming dalawa.
"Love, come here," pagtawag nito sa akin.
Napakamot ako sa batok na lumapit dito. Nag-iinit ang mukha ko at nasa underwear section kami at may pilyang ngiting naglalaro.
"Uhm, what's your banana size, love?" pabulong tanong nito na nangingiti.
Pinaningkitan ko itong napahagikhik na namumula ang pisngi. "Ako na ang bahala d'yan, love, ikaw talaga. Pilya ka rin e," ingos ko na kumuha ng underwear ko.
Natawa naman ito at napasinghap sa inabot ko.
"Oh, I'm dead, XXL."
Nilingon ko ito na napahagikhik at pinaningkitan ko. Kahit may pagkapilya siya, kita ring nahihiya siyang makipag-dirty jokes sa akin.
"You're dead talaga kapag hindi ka tumigil," natatawang pamamatol ko ditong napairit na kinurot ako sa braso.
Natatawa akong inakbayan ito at tinulungan pa akong kumuha ng ilang underwear ko.
MATAPOS naming makabili ng mga damit ko, may tinawagan ito at ilang minuto lang, may limang lalakeng naka-formal suit ng all black tuxedo na lumapit sa amin. Naka-shades pa ang mga ito, may suot na earpiece at pawang matatangkad na magaganda ang built ng katawan.
"Bring it to the car, kuya." Wika nito sa mga bagong dating.
"Sino sila?" pabulong tanong ko at tinawag niyang kuya ang mga ito.
Yumuko pa sa amin ang mga lalake bago kinuha ang mga shopping bags at magalang na nagpaalam.
"My personal bodyguards, love. Nasa paligid lang naman silang nagmamatyag sa akin. Alam nilang ayokong nakadikit sila sa akin kaya hindi sila lumalapit kung hindi naman kailangan," sagot nito na ikinatango-tango ko.
Napababa ako ng tingin sa kamay namin nang hawakan niya ako sa kamay at pinag-intertwined ang palad namin. Napalunok ako na damang-dama ang kakaibang boltahe ng kuryente na dumadaloy sa ugat ko na nagmumula sa kanyang palad.
"Let's go, love." Aniya na hinila na ako palabas.
Naipilig ko ang ulo. Hindi ko kasi napansin na nagbayad ito sa mga kinuha namin. Ang dami pa naman ng mga iyon. Hindi naman kami hinarang ng mga staff dito sa loob, bagkus nakangiti silang yumuko at magalang na nagpaalam sa amin. Ngumiti at tumango naman si JM sa kanila bago kami tuluyang lumabas ng men's section.
"Love, nagbayad ka ba?" hindi ko napigilang itanong.
Napahagikhik naman ito. "I did, love. Hindi mo lang napansin," aniya.
"Sigurado ka?"
Natawa ito na nakurot ako sa tagiliran. "Oo naman. Saka, I own this mall kaya you have nothing to worry about. I'm not a shoplifter ha?" natatawang sagot nitong ikinaawang ng labi ko at nagulat sa nalaman!
"Sa'yo ang mall na 'to?" pabulong bulalas ko na namimilog ang mga mata.
Natawa naman ito sa reaks'yon ko. "Yeah, Madrigal's mall, love. Kay daddy talaga ito, ibinigay niya lang sa akin," sagot nito na kitang seryoso.
Napalunok ako na hindi nakaimik sa kanyang tinuran. Naigala ang paningin dito sa mall.
"Ibinigay lang ng ama niya sa kanya ang mall na 'to? Gaano ba sila kayaman?" usal ko sa isipan na napapaisip.
"Are you hungry? Kumain na muna tayo, love?" alok nito habang naglalakad kami na magkahawak kamay.
"Uhm, kape na lang kaya, love? Busog pa ako e. Pero kung nagugutom ka na, sige," sagot ko dito na umiling.
"Nope, hindi pa naman, love. Sige, let's have coffee na lang." Tugon nito na napatingala sa akin at matamis na ngumiti.
MAGKAHARAP kaming nagkakape dito sa sky garden nitong mall. Marami-rami ang tao dito pero nandito kami sa sulok kung saan walang masyadong tao. Habang nagkakape, hindi ko maiwasang pagmasdan si JM. Napakaganda niya naman kasi talaga. Agaw attention nga siya dito kahit nasa sulok kami e. Naka-shades pa naman ito at nakalugay ang mahabang blondeng buhok na bumagay sa kanya.
"Love, give me your hand," anito na inilahad ang kamay.
Naguguluhan man, inabot ko ang kamay nito. Pinagsalinop niya pa ang kamay naming nasa ibabaw ng mesa at saka kinunan iyon ng kanyang cellphone. Hinayaan ko lang naman ito.
"Thank you." Aniya na may satisfied na ngiti sa mga labing binitawan din ang kamay ko at natuon saglit ang atens'yon sa cellphone nito.
"Anyway, love, where's your university?" tanong nito na ibinaba na ang cellphone at bumaling sa akin.
"PCU, love. Bakit?" sagot ko dito na napanguso.
"Iniisip ko lang kung baka gusto mong lumipat sa condo ko? You're free to use it kasi bakante rin naman iyon. Para na rin madali lang kitang mapuntahan. What do you think?" anito na ikinatigil ko sa pagsimsim ng kape ko.
"Condo?" pangungumpirmang tanong ko ditong tumango-tango na ngumiti.
"Yeah, medyo mapapalayo ka sa university mo pero I can buy you a bigbike para may magamit ka at hindi ma-late sa school mo, love." Sagot nito.
Napapikit ako. Napapaisip. Pabor nga iyon sa akin na sa condo ako titira at walang babayaran. Pero hindi ba't ang opurtunista ko naman no'n? Magbibigay na nga siya ng malaking pera sa pamilya ko, sinagot na rin niya ang mga damit ko at ngayon. . . heto at titira ako sa condo niya at ibibili pa ako ng bigbike para may service ako?
"Uhm, hwag na lang, love." Tanggi ko.
"Why? Car kaya?"
"Ano ka ba, hindi iyon. Ayoko nga na bumili ka ng motor ko e, kotse pa kaya?" sagot ko dito na napanguso.
"But I insist, love. Sige na, pumayag ka na. Isipin mo na lang, para sa akin iyon. Kasi kung doon ka pa rin sa apartment mo titira habang tayo pa? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao, 'di ba? Saka gusto kong pagselosin at magsisi si Arman sa pag-iwan niya sa akin. Kaya tulungan mo ako, hmm? Hayaan mo akong baguhin ang paligid mo." Wika nito na bakas ang kaseryosohan.
"JM, ikinahihiya mo ba ako?" tanong ko ditong namilog ang mga mata at namutla!
"Of course not, love, ano ba namang klaseng tanong 'yan?" agarang sagot nito na inabot ang kamay ko.
"Binabago mo kasi ako." Sagot ko ditong napalunok na lumamlam ang mga matang nakatitig sa akin. "Alam ko naman na hindi ako nababagay sa'yo, love. Pero-- kailangan mo bang baguhin ang lahat sa akin para bumagay ako sa'yo? Para hindi ka pagtawanan ng mga tao na ako ang nobyo mo? E 'di para mo na rin akong ikinakahiya no'n, 'di ba?" maalumanay kong saad ditong napalunok.
"It's not like that, love. Hindi naman kita ikinahihiya e. Sumusobra na ba ako?" aniya na kita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata.
Tumango-tango ako na pilit ngumiti sa kanya. "Sige, pwede akong lumipat sa condo mo, total may punto ka doon. . . pero hindi ko tatanggapin 'yong bigbike ha?" pagsang-ayon ko ditong nabuhayan muli na napangiti.
"Sige na nga. But if you change your mind, magsabi ka lang, hmm?" aniya na ikinatango ko na lamang.
Lumipat siya sa tabi ko ng pwesto at hinalikan pa ako sa pisngi. Napalunok ako na bumilis ang t***k ng puso sa kanyang ginawa. Nangingiti naman itong nag-iwas ng tingin at umayos ng upo na sumandal sa balikat ko.
Hindi ko namalayan na napangiti ako na napahaplos sa pisngi kong hinalikan niya. Mabilis at magaan lang ang paghalik niyang iyon pero-- parang nakalapat pa rin ang malambot niyang labi sa balat ko.
Akala ko dati ay panggulo lang ang mga babae sa buhay ko kaya wala akong pinapansin sa mga nagpaparamdam sa akin. Dahil nakatatak sa isipan ko na wala sa bokabularyo ko na makipagrelasyon. Pero sa mga nangyayari sa amin ni JM ngayon, ang dami kong nare-realized.
Masarap din palang. . . may nagpapakilig sa'yo. Pakiramdam ko, may bago akong inspirasyon sa buhay para mas pagbutihin pa ang pag-aaral ko.