Chapter 10

1425 Words
HAJIE: LUMIPAS ang mga araw. Lumipat ako sa condo ni JM at tumupad ito sa kanyang mga sinabi. Nahihiya akong tanggapin ang pera niya pero. . . tinanggap ko at ibinigay sa pamilya ko sa probinsya. Nagulat pa sila tatay sa malaking perang ibinigay ko pero maayos kong ipinaliwanag sa kanila kung saan ko iyon nakuha. Bilang anak na may matayog na pangarap para sa pamilya niya, napakasaya ko dahil unti-unting gumaan at gumanda ang buhay ng pamilya ko sa probinsya. Hindi na nagtutungo sa laot si tatay at ilang kapatid ko para mangisda. Kahit si nanay ay hindi na nagtitinda maghapon sa palengke. Under construction na ang bahay na ipinatayo namin doon. Nakakatuwa nga dahil may kakilalang architect si JM na bayaw nito mismo at siya ang nagdisenyo sa bahay namin. Mabuti na lang at hindi nagpabayad ang bayaw ni JM. Maging ang mga gumagawa sa bahay namin, trabahador nila ang mga iyon kaya mabilis lang naitayo ang bahay. Mag-iisang linggo pa lang iyon pero nasa kalahati na ang nagagawa dahil mabilis ang mga trabahador at pulido din gumawa. "Love?" "Hmm?" Napalingon ako saglit kay JM na tawagin niya ako. Narito siya ngayon sa condo. May tinatapos akong nire-review dahil may exam kami ngayong linggo. "My friends want to meet you. Pwede ba tayong lumabas mamaya?" naglalambing tanong nito na nagtungo sa likuran ko at niyakap ako. Napangiti ako na napahawak sa braso niyang yumapos sa dibdib ko at nakaupo ako dito sa study table sa gawi ng sala. "Oo naman, love. Tapusin ko lang ito para madali ko siyang maalala, hmm?" sagot ko na tumingala ditong nag-smack kiss sa mga labi ko. Nag-init ang pisngi ko sa kanyang ginawa. Ilang beses na rin naman siyang nagi-smack kiss sa akin. Hindi lang talaga ako sanay. Kaya sa tuwing hinahagkan niya ako ay nag-iinit ang mukha ko. "A'right, maaga pa naman e. Mabilis lang tayo doon, promise, love. Oh, nakita mo na sila. 'Yong apat na kasama ko sa shower party." Wika nito na naupo na sa tabi ko. Naalala ko naman ang mga iyon pero hindi ko matandaan ang mga mukha nila. Bukod sa red light noon ang ilaw sa silid, hindi ko sila napagmasdang maigi. Kaya hindi ko pa natatandaan ang itsura nila. "Uhm, alam ba nilang ako 'yong isa sa macho dancer noong party, love?" tanong ko na bumaling muli sa nire-review ko. "Yeah, they know, love. Kaya nga kinukulit akong ipakilala kita sa kanila e." Sagot nitong ikinatango ko. "Sige, love. Alasnueve pa naman ang unang subject ko bukas." Tugon ko ditong napangiti na yumapos pa sa braso ko at sumandal sa balikat ko. "Thank you, love." Napangiti ako na hinayaan lang itong nakasandal sa akin. "Wala iyon. Ako nga ang malaki ang pagkakautang sa'yo e. Dito lang ako nakakabawi sa'yo, love." Sagot ko na hindi namalayang hinalikan siya sa ulo. Napairit pa ito na nakurot ang braso ko. PASADO alasotso na nang lumabas kami ng condo ni JM. Tumuloy kami sa bar kung saan naroon ang mga kaibigan niya. Unti-unti na rin akong nasasanay na imaneho ang Bugatti Chiron nito at ang sarap lang sa pakiramdam na makapagmaneho ako ng gan'to kagarang sasakyan! "Love, siya nga pala. Kasama natin doon 'yong boyfriend ng mga kaibigan ko ha?" ani nito habang nasa daan kami. "Ha?" tanong ko na nilingon ito saglit. "Naroon 'yong boys. Uhm, barkada sila ni Arman kaya tiyak na makakarating kay Arman ang pagsama ko sa'yo sa bar ngayon." Saad nitong ikinalunok ko. "Ahem!" napatikhim ako na napahawi sa buhok. "Yong ex mo, love, naroon din ba? Pupunta ba siya?" tanong ko. Umiling naman ito. "Nope, love, ang alam ko, naroon siya ngayon sa town ng bago niya. They are planning to get married as soon as possible kaya nandoon siya sa town ng girlfriend niya." Nakangusong sagot nito. Napasulyap ako dito na nakamata sa harapan. May lungkot sa mga mata at alam ko naman kung bakit at para saan. "Okay ka lang?" tanong ko na ikinatango at ngiti nito. "Yeah, I am, love. I have you kaya." Sagot nito na ikinangiti ko. Pagdating namin sa bar, nauna akong bumaba at pinagbuksan ito ng pintuan. Inalalayan ko siyang bumaba na nakangiting yumapos sa braso ko. "You're okay?" tanong niya na ikinatango ko. "Okay lang, love. Kaya ko ito." Tugon ko na ngumiti dito. Napabuga ako ng hangin at humakbang na papasok ng bar, kasama si JM. Dito pa lang sa entrance, mahigpit na ang management. Pagpasok namin, bumungad ang nakakahilong disco lights dito sa loob. Marami-rami na ring costumer na halos mapuno na ang mga mesa. "Let's ho upstairs, nasa taas sila." Wika nito na ikinatango ko. Habang paakyat sa hagdanan, hindi ko mapigilang kabahan at mangatog ang mga tuhod. Ito kasi ang unang beses na ipapakilala ako ni JM sa mga kaibigan niya. Idagdag pang barkada ng mga lalake sa taas ang dating kasintahan nito. Tiyak na mag-uusisa ang mga iyon sa akin at ikumpara ako sa kanilang kaibigan. Pagdating namin sa second floor, tumuloy kami sa VIP room na narito. Hindi naman bumibitaw si JM sa akin. Na pinaparamdam nitong wala akong dapat ipag-alala. Kumatok na muna ito sa nakasaradong sliding glass door dito sa VIP room bago iyon binuksan. Napalunok ako na dahan-dahang nag-angat ng mukha at bumungad sa akin ang silid na puro salamin at malinaw na natatanaw ang mga tao sa baba naming nagkakatuwaan sa dance floor. Maging ang stage kung saan naroon ang live band na tumutugtog. "JM!" Irit ng mga babae na patakbong sinalubong kami. Napangiti si JM na hinila ako papasok. "Hi, girls." Tugon niya na nakipagbeso sa mga ito na hindi binibitawan ang kamay ko, bagay na lihim kong ikinangiti. "Gosh, siya nga," irit pa ng mga kaibigan nito na mapasulyap sa akin at tinutukso si JM. "Iba ka mag-alaga ha?" tukso pa nila kay JM na natatawa lang. "Ahem!" napatikhim ito na bumaling sa akin. "Love, meet my friends, Bea, Zoe, Kate and Alex." Pagpapakilala nito sa mga kaibigan sa akin. Napapairit pa ang mga ito kaya pinandidilatan niya ng mga mata na tila nagbabanta. "Hi, handsome, I'm Bea." Nakangiti at pabebeng pagpapakilala ng isa na nakatikim ng batok mula kay JM. Nagtawanan pa ang mga ito. "Ano ba?" natatawang reklamo nito kay JM. "You're getting married na oh? Magpapa-cute ka pa talaga sa boyfriend ko e, hmm?" natatawang ingos ni JM ditong napahagikhik na bumeso at yumakap pa rin sa akin. Hanggang sa sumunod na ang tatlo at napapahagikhik pa sila dahil walang magawa si JM na nakahalik at yakap sila sa akin kahit hawak ni JM ang kamay ko. "H-hello, ako po si Hajie." Pagpapakilala ko sa sarili na ikinairit ng mga ito. "Umayos nga kayo. Mga taken na rin naman kayo a," ingos ni JM sa mga itong nagtawanan. Napatikhim ako na lumapit na ang apat na lalake dito sa gawi namin. Nakatitig sa akin at aminado ako na mga gwapo at matangkad din sila. Maganda rin ang pangangatawan at. . . mga mayaman. Ako lang ang naiiba sa aming lahat na naririto ngayon sa silid, kaya hindi ko maiwasang kabahan at manliit sa sarili. "So, he's your new, JM?" tanong ng isang lalake na ikinangisi ni JM at napataas pa ng kilay. "Yeah, boys, meet my boyfriend-- Hajie. He's from La Union and graduating student," saad ni JM na buong-buo at bakas sa boses niya ang pagmamalaki sa akin. Tumango-tango naman ang mga kaharap namin. Naglahad pa sila ng kamay sa akin. Napasulyap ako kay JM na nagtatanong ang mga mata ko. Tumango naman ito kaya nakipagkilala ako sa mga lalake. Sa titig pa lang nila at mga ngisian, damang-dama ko na minamaliit na nila ako. Hindi ko naman sila masisisi dahil wala nga naman akong maipagmamalaki at wala ako sa kalingkingan ng kaibigan nilang dating kasintahan ni JM. "Welcome to the club, Hajie. We hope we can be friends too, dude?" wika nila na ikinatango ko at pilit ngumiti sa kanila. "Salamat." Tanging tugon ko at pilit na ngumiti kahit ramdam kong nakikipag plastikan lang sila sa akin. Umakto akong normal. Ayoko namang mapahiya si JM nang dahil sa akin. Gusto ko ring makilala ang mga kaibigan nito. Kung mapagkakatiwalaan nga ba sila. . . o sila pa ang magpapahamak kay JM. Alam ko namang mga anak mayaman din sila katulad ni JM. Ako nga lang ang naiiba dito e. Nakakailang pero. . . dahil nandidito si JM, makikisabay ako sa abot ng makakaya ko. Ayoko namang iwanan si JM at umuwi na lang dahil lang hindi ako komportable sa mga kasama namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD