bc

Gentle Pain

book_age18+
12.7K
FOLLOW
113.8K
READ
sex
maid
drama
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
virgin
actor
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

VERY DETAILED s*x SCENES

R-18

Natanggal sa trabaho si Ruth Labella dahil napag-initan ang pamilya niya ng isang impluwensiyal na tao sa kanilang lugar. Dream job sana ni Ruth ang makapagtrabaho roon pero dahil ayaw n’ya na ng gulo ay naghanap na lang s’ya ng ibang trabahong mapapasukan. Nawala rin kasi ang maliit na negosyo ng pamilya nila dahil nahagip ng road widening ang harapan ng kanilang bahay na pinaglagyan ng kanilang carenderia. Ang papa n’ya naman ay natanggal sa trabaho bunsod din ng impluwensiyal na taong gusto silang maghirap.

Habang naghahanap pa ng trabaho si Ruth ay nangangalakal naman ang kan’yang ama para lang magkaroon ng kaunting kita. Bukod sa kakailanganin kasi ng pamasahe ni Ruth para sa paghahanap ng trabaho, nakaratay rin ang mama ni Ruth dahil nagkasakit ito bunsod nang matanggal ang kan’yang maliit na carenderia. Passion kasi ng mama ni Ruth ang pagluluto at nang nawala ang kanilang carenderia ay parang ibon na nawalan ng pakpak ang ina ng dalaga.

Dahil sa sitwasyon nila ay mas lalong pinagbutihan ni Ruth na makahanap ng trabaho pero dahil walang malalaking kompanya na tumatanggap sa kan’ya pati na rin mga maliliit na kompanya ay nahihirapan si Ruth sa paghahanap.

Isang araw, may nangyaring isang insidente na nagdudulot kay Ruth na mabigyan ng trabaho. Medyo mahirap ang trabahong in-offer sa kan’ya pero dahil desperado na s’ya ay agad n’yang tinanggap ang trabaho. Buong akala n’ya ay ang trabaho lang ang mahirap, lingid sa kan’yang kaalaman na mahirap ring pakisamahan ang magiging amo n’ya.

Agad na napagtanto ni Ruth na magiging mahirap ang buhay n’ya sa bagong trabaho.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
            Minsan kailangan mo ring maging handa sa ano mang mangyayari sa buhay mo. Kasi hindi mo alam na bigla nalang mawawala ang mga nakagisnan mo at ang lahat ng bagay na pinaghirapan ng mga magulang mo. Totoo nga ang sinabi nila, you can’t control the wheel of fate. One’s destiny can either go North or go South.                 Medyo malabo ang mga alaalang bumabalik kay Ruth. Muli n’yang binalikan ang mga kahapong nangyari na sa buhay n’ya. Naaalala n’ya na nung nasa highschool pa s’ya ay halos kada linggo silang nilalabas kasama ang kan’yang kapatid ng kanilang mga magulang. Dinadala sila ng mga ito sa paboritong tambayan ng mga pamilya pagkatapos magsimba, sa Jollibee. Napakasaya nila habang kumakain dahil mahilig magbiro ang papa n’ya. Napangiti si Ruth nang maalalang sila lang ang tanging pamilya na maingay sa loob ng establishment.                 Nung panahon kasing ‘yun, bago lang na na-promote bilang Head-of-Office ang papa n’ya after ten years in service. Iyong mama n’ya naman ay napakaswerte sa negosyo.               Magaling magluto ang mama ni Ruth kaya naman ay dinarayo ang maliit nilang carinderia ng mga tao mula pa sa ibang lugar.                 Those were the days na gustong balikan ni Ruth. They were financially capable then. Wala silang problema regarding sa finances nila.                         “Ate!” May biglang sumisigaw sa hindi kalayuan. Hindi narinig ni Ruth ang naging pagtawag sa kan’ya ni Ren dahil sa naka-full intensity ang electric fan sa tapat n’ya.             Maya-maya ay may biglang humatak sa kumot na nakasuklob sa katawan n’ya. Dahil doon ay bigla s’yang nagising. Naaninag n’ya ang mukha ng kan’yang kapatid na may halong pag-aalala.             “Ate, 6 o’clock na. Hindi ba aalis ka ngayon?” Tanong ng kapatid n’ya nang maalala nito ang sinabi ng kan’yang ate Nung lumipas na gabi.             Biglang nanlaki ang mata ni Ruth at agad s’yang bumangon.            “Ren, si Mama nakakain na ba?” Tanong n’ya sa kapatid habang  nililigpit ang pinaghigaan n’ya.             “Pinakain na namin ni papa si mama bago s’ya umalis.” Sagot ni Ren na para bang ayaw na n’yang pag-usapan pa kung ano ang kasunod noon.               Masakit para sa kanilang magkapatid ang kinahinatnan ng papa nila.               There used to be a time na sa ganitong oras ng umaga ay tapos ng maghanda ang papa nila para sa trabaho. Plantsado ang polo shirt nito pati na rin ang maong na pantalon kasi alagang-alaga ng mama nila ang mga gamit ng papa nila para walang masabi ang mga katrabaho nito. Sa ganitong oras din ay nakaandar na ang kotseng ginagamit ng papa nila sa trabaho.              Pero ngayon, dahil lang sa conflicting political inclination ng kanilang papa ay sinibak ito sa trabaho. Normally, hindi naman talaga madaling mangyari ‘yun kasi Head-of-Office ang papa nila at regular government employee na rin. Pero dahil sa malakas ang kapit ng local executive nila sa taas ay mabilis nitong nasibak sa pwesto ang papa nila Ruth.               May isang incident kasi na ayaw pumerma ng papa ni Ruth sa isang transaction dahil alam nito na magiging administratively and criminally liable sila. Lahat ng mga kaalyado ng politician na ‘yun ay hindi nagdalawang-isip na pumerma at tanging ang papa lang nila Ruth ang naging tapat sa tungkulin n’ya.               Dahil sa ginawang ‘yun ng papa nila Ruth ay naging dahilan ito para hamakin sila ng politician na ‘yun. Sinubukan ng papa ni Ruth na humanap ng ibang trabahong mapapasukan pero hinaharangan ito ng polotiko. Desidido itong pahirapan ang pamilya nila Ruth dahil sa hindi pagperma ng kan’yang papa ay hindi ito nakapagnakaw mula sa kaban ng kanilang lungsod.               Ngayon ang tanging pinagkukunan lang nila ng pangkonsumo araw araw ay ang baryang nakukuha ng kanilang papa mula sa pangangalakal.               Ang mga dating kasamahan sa trabaho ng papa nila ay mas piniling magpakabulag sa korapsyon na nangyayari sa kanilang lungsod dahil ayaw ng mga itong matulad sa sitwasyon ng pamilya ni Ruth.               “Ren,” mayuming pagbigkas ni Ruth. Biglang napalingon si Ren kay Ruth. “Hayaan mo, hahanap ako ng trabaho. I want you to graduate as a civil engineering student, take a board and pass it with flying colors.” Hinahaplos haplos ni Ruth ang tuktok ni Ren.               Ngumiti muna s’ya bago s’ya nagpatuloy, “I know that you are more capable than me. Sa iyo nga ako humihingi ng tulong sa mga Math subjects ko.”               Parang may bukol na bumabara sa lalamunan ni Ruth. Ramdam n’yang mapapaluha s’ya pero pinigilan n’ya lang ang sarili n’ya kasi ayaw n’yang makita ng kapatid n’ya na umiiyak s’ya. Kailangan n’yang magpakatatag para sa pangarap ng kapatid n’ya at para sa kaginhawaan ng pamilya nila.               “Salamat ate.” Mahinang sagot ni Ren na may mga namumuo na ring luha sa sulok ng mga mata nito. Ngumiti lang si Ruth at sumenyas s’yang bumaba na si Ren dahil sa maghahanda na s’ya.                 Natapos si Ruth maghanda mga bandang 6:15 na. Ang schedule ng stop ng bus sa area nila ay 6:30. Sakto lang ang perang mayroon si Ruth. Pambayad lang ng bus paunta sa destinasyon n’ya at pabalik sa kanila ang abot ng pera n’ya. Kaya tinakbo ni Ruth ang halos kalahating kilometrong layo mula sa bahay nila hanggang sa bus stop.               Pawisan na si Ruth nang marating n’ya ang Bus Stop. May ten minutes pa sana bago dumating ang bus pero maaga ito ngayon.               Lumapit sa Ruth sa bus para sumakay pero naabutan na s’ya ng pagsira ng pinto nito. Sumigaw s’ya ng malakas para marinig ng driver at ng mga pasahero na mayroon pang isang pasahero ang hindi nakasakay pero air-conditioned ang bus at nasa may pwetan s’ya kaya walang nakakita sa kan’ya. Habang dahan-dahan na lumalayo ang bus ay hinahabol ito ni Ruth. Pero dahil sa pagod s’ya mula sa pagtakbo n’ya para lang maabutan ang bus ay hindi na kinaya ng mga binti n’ya.                 Napaupo bigla si Ruth dahil sa frustration n’ya sa sarili. Sinisi n’ya ang sarili n’ya dahil hindi s’ya nagising ng maaga. Sinisi n’ya rin ang bus driver dahil maaga ito. Sinisi n’ya ang pagsuot n’ya ng palda. Sinisi n’ya lahat sa mundo.               Ruth feels like she’s being betrayed by fate. Gusto n’yang magbulalas ng mga hindi magagandang salita pero alam n’yang pagsisisihan n’ya pagkatapos kapag nangyari ‘yun. Kaya napahagulgol nalang s’ya sa may bus stop.                Pinagtitinginan na s’ya ng mga taong dumadaan malapit sa kanya pero masyado s’yang frustrated sa buhay n’ya para isipin pa ang hiya n’ya. Ang dami n’yang iniisip at ang dami n’ya ring gustong gawin. Pero hindi n’ya magagawa ang lahat ng ‘yun kung hindi s’ya makakapaghanap ng trabaho.                Kaya nung natauhan na s’ya ay tumigil na s’ya sa pag-iyak. Dinampot n’ya ang nahulog n’yang binder na naglalaman ng mga documents n’ya para sa pag-aapply ng trabaho, pinunasan n’ya rin ang luha sa mga mata n’ya at naglakad nalang s’ya papunta sa destinasyon n’ya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.5K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook