Naunang nakatulog si Ruth dahil na rin siguro ‘di ito sanay na kanilang ginawa. Napakahimbing ng tulog ni Ruth na napasubsob ang kan’yang mukha sa may dibdib ni Ray. Si Ray naman, dahan-dahang sinusuklay ang buhok ng dalaga gamit ang kan’yang mga daliri habang ang isa n’yang kamay ay nakapulupot sa katawan ng dalaga. 'Di n'ya matukoy ang sarili kung bakit n'ya ginagawa ito. Kahit na dapat alam n'yang hinayaan n'ya na lang sana si Ruth na umalis kanina, 'di n'ya maisip ang sagot kung bakit pinigilan n'ya ito. At talagang nagmakaawa pa siya. Bigla s'yang napangiti nang maalala ang naging reaksyon ni Ruth nang sagutin n'ya ang tanong nito tungkol sa dugo sa loob ng cond0m nung kinamay n'ya ang pagligpit sa mga basura sa tabi ng sidetable ni Ray. Nanlaki ang mga mata kanina ni Ruth nang

