Jake Pov
Pagkasabi ni Franz na hindi muna kami tutuloy sa condo ko ay nagtanong ako. Bakit dudes? sabi kasi ni Daz huwag muna tayong tutuloy kasi may nakasabay siyang limang lalaki na kapwa armado sa elevator at sakto din pupunta sa unit mo. Pagkatapus niyang sabihin yun tila nakaramdam ako ng takot para kay Zam. Dude okay lang ba siya doon, tanong ko ulit okay lang yun wag kang mag alala sabi niya. The heck wag daw mag alala ee babae yun paano nalang kung may masamang mangyari sa kanya s**t. Lalaki ako pero tila naduduwag ako samantalang si Zam hindi man lang natakot.
Maya maya nagring ang cellphone ni Franz nakikinig lang ako sa kanila. Pagkatapus ng tawag ay sinabi sakin na maghihintay lang daw kame dito sa park, papunta naman daw dito si Zam. Makalipas ang ilang minuto dumating agad si Zam tapus iba naman ang suot nito. Naguguluhan na talaga ako kay Zam kung anu siya, kanina pag alis namin sa Hospital naka all black Tapus ngayon naka short naman at naka jacket na may hood. Masyadong naeexpose ang mga legs niya aware ba ito sa sout niya?
Nang makalapit samin tinanong agad ako nito kung may iba pa ba akong Property na hindi alam ng tito ko. At sinabi ko sa kanya sa subdivison sa Pasay. Pagkatapus kung sabihin yun ay agad kaming umalis at pupunta doon. At nauna naman siyang muli, haisst imbes na ako ang mag poprotekta sa kanya ay tila ako pa ang prinoprotektahan niya.
Pagkadating namin sa subdivison ay agad kaming pinapasok ng security pagkakita sakin. At nang ipinark na ni Franz ang kotse agad kaming pumasok sa kabahayan at nakita si Zam sa sala. Pagkatapus nun ay nagpaalam siya na uuwi muna para kumuha ng damit at magpaalam. Na kung pwede naman niyang tawagan si mama niya at bumili ng damit niya. Maya maya ay pumasok naman siya sa kwarto tapus maglabas iba naman ang sout niya wtf.. Gaano ba kadami ang dalang damit nito na laging pumapalit nang damit. Nakasuot namn siya nang jogging pants tapus tshirt na white at nagpaalam na din siya.
Pagka alis ni Zam ay nagluto si Franz nang makakain namin at pagkatapus ay umakyat naku sa kwarto ko para matulog muna. Pagka gising ko ay alas siyete na nang gabi, andito na kaya si Zam? Kaya agad akong bumaba sa sala para icheck. Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Franz na nagluluto sa kusina nang makakain namin. Childhood bestfriend ko si Franz pareho kaming solong anak kaya parang magkapatid na din kami. Wala pa ba si Zam tanong ko sa kanya, maya maya darating na din yun. Hintayin nalang nating maluto ang kaldereta Pati si Daz paborito niya kasi ito.
Pagkatapus niyang banggitin si Zam ay nagtanong na ako. Dude Matagal na ba kayong magkakilala ni Zam?
Mahigit isang taon na kaming magkakilala ni Daz sa U.S kami nagkakilala at siya ang Doctor ko noon nung naaksidente ako pagkatapus noon naging magkaibigan na kami sabi niya. Maya maya may narinig kaming bagong dating kaya agad lumabas si Franz, si Daz na yan bago siya lumabas sabi ki Franz. Pagkapasok nila ay si Zam nga dala ni Franz ang backpack at ipinasok sa kwarto ni Zam. Nakasuot naman siya orange plain tshirt pants at rubber shoes, ang ganda niya parin kahit walang ayos. Pagkababa ni Franz ay nag aya agad na kakain na, magkatulong silang dalawa sa paghain ng kakainin namin. Dahil hindi pa nga ako makakilos ay ng mabuti ay sinubuan ulit ako ni Zam. Tapus si Franz kumain lang ng tahimik. Ako muna ang pinakain ni Zam, at nang matapus naku inaalalayan niya muna akong papasok sa kwarto ko at lumabas din para ipagpatuloy ang pagkain nito.
Kahit mahirap magbihis mag isa ay pinilit ko lang, pagkatapus nag tootbrush lang ako at nagpray muna bago matulog.