The Doctor's Agent
Zamai Pov
3rd Anniversary namin ng Boyfriend ko na si Tristan kaya sosurprisahin ko sya sa condo nya.Tatlong taon na kame kaya ibibigay kuna sa kanya ang Virginity ko.
Habang nag aantay ng taxi tinawagan ko yung mama ko na hindi muna ako uuwi mamayang gabi at matutulog nalang ako sa Bestfriend ko napa ka conservative pa naman yun kase single mother lang din siya. Atleast wala man akong nakikilalang ama hindi na din ako naghanap pa kay mama kase hindi biro ang pinagdaanan namin.
Nakasakay na din ako ngtaxi at pupunta naku ng condo ng boyfriend ko. Swerte ko sa boyfriend ko kase ang tindi niyang magpigil at respeto na din sakin at hindi din siya naghahanap ng iba dahil sa pagkukulang ko. Maya maya nakarating na din ako sa condo nya may access din ako na makapasok dahil may susi din ako pero di niya alam na pupunta ako sa condo niya. Nasanay kase sya na pag pupunta ako sa condo magtitext muna ako.
Kinakaban ako habang dahan dahan kong pinipihit ang pinto. Sa sala palang parang iba na ang pakiramdam ko dahil may nakita akong mga damit nya at nang babae. Pinagpawisan naku at sobrang kaba habang dahan dahang lumalakad ako sa kwarto na naka awang. Dinig na dinig yung boses nang babae habang binubuksan ko yung pinto ng kwarto tumambad sakin ang di ko inaasahan ang eksinang ni minsan hindi sumagi sa isip ko magagawa sakin ng pinakamamahal kong boyfriend na naka higa sa kama habang yung babae nasa taas nya na halos tirik na tirik ang mata. Ang sakit sakit halos namanhid ang bou kong katawan sa nasaksihan ko.
Maya maya nakita ako ng boyfriend ko na nakatayo sa pinto. Ni hindi man lang siya kumibo bagkus parang iniinsulto pa nya ko.
Ohh Zam surprise kung pinagbigyan mo lang ako e di sana hindi ako maghahanap pa ng iba.Tila dun lang ako natauhan pagkatapus niyang sabihin yun, para akong sinaksak ng libo libong kutsilyo sa sobrang sakit.
Hayop ka Tristan! Putang Inamo ka! Happy 3rd Anniversary ha! Alam mo balak ko sanang ibigay yung Virginity ko sayo kaso mabuti nalang kase di mo deserve yun putang inamo ka. Hayoppppp ka!!!! Nakakadiri kang hayoppp ka!!!!
Pagkatapus kung sabihin yun dali dali akong lumabas ng condo nya. Lulan ng elevator umiyak ako ng umiyak sa sobrang sakit putang ina nya. Akala ko kuntento siya sakin matagal na pala niya kong niloloko, Kaya pala sabe nya pag pupunta daw ako ng condo niya magtitext muna ako baka wala daw siya. Ni hindi sumagi sa isip ko magagawa nya sakin yun, okay naman kame ni hindi ko nga naramdaman na meron pala siyang iba. Ang tanga ko naman dahil naniwala ako sa salita niya.
Habang palabas ako ng elevator umiyak parin ako wala na kong pakialam kung maging pangit man ako sa paningin nila. Nang bigla akong nauntog sa matigas na pader. Lalo akong umiyak lalo sobrang malas kung naman ngayong araw, kulang pa ba yung sakit na yun.
Hindi naman ako mahilig mag club kaya sa hotel nalang ako tutuloy at dun uminom pansamantala. Hindi ko pa kayang humarap kay mama na ganito ang hitsura ko. Pagpasok ko palang ng kwarto ng hotel doon ko binuhos ang lahat ng sakit ng puso ko. Tama nya yung kanta na "ANG SAKIT SAKIT PALA KAPAG NALOKO KA"? Bakit may naloloko ba na masarap.
Iinum nalang ako baka mapawi ang sakit. Habang umiinom hindi ko mapigilan ang umiyak hindi na ata siguro ito mauubos parang dam. Minahal ko naman siya hik bakit niloko pa niya ko hik hahaha tanga ko malamang may pagkukulang ako putang inamo nya. Bakit s*x ba ang pundasyon sa pagmamahalan kung di mo ibibigay iiwanan ka hik. Mabuti nalang hindi ko naibigay sa kanya. Hanggang sa nakatulugan kuna ang pag iiyak, tama nga pagkatapus mong umiyak makakatulog ka dahil yun ang paraan para makapag pahinga sa sobrang sakit.
Kinabukasan, Another day, another trial to come! Thanks God.
Arghhh!! Sakit ng ulo ko pati puso huhu. Hangover s**t pati ang puso hangover din kelangan kong ng malamig na Lugar at tubig.
Nag check out naku ng hotel inayos kuna din yong sarili ko baka makita ko ex ko baka sabihin niya na di ko kayang mag move on sa kanya. Tang ina akala mo ka gwapuhan para magbabae, akala nya siguro nakakagwapo ang pagiging babaero.
Habang pauwi nagpaplano na kung gawin ang napaka exciting na gawain ko. Magpapaalam muna ako kay mama na pupunta ako ng ibang bansa, parang makapagtrabaho bilang Doctor total registered naman ako kaya dun nalang ako magtatrabaho. Pero hindi ko sasabihin na mag tatraining ako bilang agent.