Bluered Pov Nandito ako sa conference room dahil may meeting kami ng mga Architects at Engineers about sa Project namin this Month. Nasa kalagitnaan ako ng meeting ng biglang nagtunog ang alarm ng wristwatch ko. Kasabay ng pagtunog nito ay pagtambol din ng dibdib ko. Mabuti nalang may tubig sa harapan ko na agad ko itong ininom. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa pagtunog ng wristwatch ko. Unang pumasok sa isip ko si White na papuntang hawaii ngayong araw. Tiningnan ko ito kung sino ang nasa Emergency situation, nagulanta ako ng makita si White nga ang nasa Emergency nasa Canada ang location niya. Sir, are you okay namumutla po kayo tanong ng secretary ko sa akin. Uminom ako ulit ng tubig sinabihan ko ang secretary ko na ireschedule ang meeting sa sunod na araw Emergency lan

