Jake Pov Kakarating lang namin sa bahay galing Chapel, Company ko then sa Star City lastly sa Bahay nina Zam para mag empake ng mga gamit niyang dadalhin sa U.S. Kanina habang nag eempake siya parang gusto ko siyang pigilang huwag nang umalis kaso napag usapan na namin ito. Kung ako lang ang masusunod magpapakasal na kami kaso ayokong madaliin si Zam. Dati ang tingin ko sa kanya noong unang kita ko sa Empire Club, tila napaka simple lang niyang babae. Nang makita ko kanina ang daming baril patalim pati na din yung hidden camera at kung anu ano pang gamit sa operation nila. Pang action star ang dating ni Zam, malayong malayo sa personalidad niya kong hindi mo pa siya gaanong kilala. Masasabi mong walang alam sa self defense o sa pag gamit ng mga armas. Ito yung tinatawag na sa loob

