Zam Pov
Pagka alis namin ng Hospital agad kung pinasakay si Jake sa passenger seat ni Franz, bago ko pinuntahan ang motor ko. Agad akong sumakay ng motor ko at mauuna ako sa condo ni Jake para kumabit ng mga hidden camera para safe. Kung sakaling malaman ng kalaban na buhay siya ay dadalhin ko muna siya sa Probinsya namin. Mabuti na yong may Plan B kung sakaling palpak ang Plan A.
At nang makita ko ang kotse ni Franz nag overtake agad ako para magawa ang gagawin ko sa condo ni Jake. Pagkadating ko sa baba ng building ni Jake ay agad kung ipinarking ang motor ko sa pinasulok ng building at nagpalit ako ng damit na nka short at tshirt. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay may kasunod sa likod ko na limang lalaki na tila may hinahanap. At nang tumunog ang elevator ay dali dali akong pumasok sa loob kasunod ng lima. At nang pinindot na ng lalaki ang floor kung saan sila lalabas ay doon dito sa floor ni Jake. At tumingin sakin ang isang lalaking ikaw miss ang floor ka? ganun din po kua salamat po at tumango lang ito. Nagdududa naku dahil may nakita akong baril na nakasipit sa bewang nang isang lalaki. Kaya agad kong itenext si Franz na huwag muna silang pupunta sa condo ni Jake dahil may limang mga lalaki na iba ang kinikilos pagkatapus kung isend agad kong tinago ang cellphone ko. Nang tumunog na ng elevator hudyat na nandito na kame sa floor ni Jake. Mula sa elevator ay pang tatlong silid ang condo ni Franz, bago ako lumabas umagwat muna ako ng limang dipa sa kanila. Hindi nga ako nagkamali si Jake ang kelangan nila, habang lumalakad ay hindi ko pinansin ang mga ito at tuloy tuloy akong lumakad at nilampasan sila. At nang alam kung malayo na siya sa mga limang lalaki, ay agad niyang tinawagan si Franz na kung saan man sila ay doon nalang muna sila. Pagkatapus nang tawag ko sa kanila lumabas din ako agad at nakita kong andun pa din yung mga limang lalaki sa labas ng condo ni Jake.
Franz Pov
Malapit na kame sa building ng condo ni Jake ng nakatanggap ako ng text mula kay Daz na huwag muna kaming tutuloy sa condo ni Jake dahil may limang lalaking nakasabay sa Elevator. Na kapwa armado, kaya agad ko itong sinabi kay Jake. At nag aalala ito para kay Daz baka mapano yun, ang hindi alam ni Jake ay kayang kaya nito ang kanyang sarili. Nakaparking lang kame dito sa gilid ng palaruan ng mga bata habang hinihintay ang tawag ni Daz.
Tumawag si Daz at sinabing confirm ang lima na matiyagang nag aabang sa labas ng pinto ni Jake. Pagkatapus nang tawag ni Daz ay sabi niya pupunta siya sa kinaroroonan namin ni Jake.
Alam kung hindi titigilan ni Uncle Carlos si Jake hanggat hindi nakukuha ang kanyang gusto. Malinaw na kayaman ang gustong makuha nito kay Jake, kaya ganun nalang ang pag hunting kay Jake ng tito niya. Marami ang nagagawa ng isang tao sa pagiging sakim sa kapangyarihan at pera nagagawang pumatay ng kadugo.