Previous Life

666 Words
Someone Pov O anu na ang balita, napuntahan niyo naba ang condo niya. Oo boss pero hindi pa umuuwi doon, tinanong na din namin sa desk ng building pero wala pa daw. Siguraduhin niyong patay na yon, kasi hanggang ngayon wala pa ding tumawag na Funeral para iclaim ang bangkay niya. Alam kong buhay pa yon, matinik talaga ang batang iyon. Sige bumalik na kayo doon sa Condo niya ako ang bahala sa Opisina niya. Pag makita niyo barilin agad, sige magsilayas na kayo. Zam Pov Its almost 5 am palang pero bumangon na ko para i check ang buong kabahayan. Tulog pa din si Jake ang gwapo niya din pala bat ngayon ko lang napansin ang lantik ng pilik mata niya na bumagay sa makapal na kilay matangos na ilong at manipis na labi na may bigoti na ini-Zoom ko para makita ko sa malapitan. Pagkatapus pagsawaan ang mukha ni Jake kasunod kung tiningnan ang lahat nang area na kinabitan ko ng Hidden camera at dumiretsu muna ako sa banyo at maligo para makapaghanda nang almusal namin. Hindi pupunta dito si Franz kasi babalik siya nang U.S at mamaya ang flight niya. Bumaba na ako ng kwarto at diretsu sa kusina nagluto ako ng bacon,hotdog, at nagpritong itlog sinangag na kanin. Gumawa din ako ng sandwich at kape habang hinihintay ko siya ay kumain lang ako ng sandwich at kape. Naglinis muna ako ng bahay bago sa labas, ang ganda sa labas ang sarap magpa init sa umaga dahil may upuan din na harap sa araw na lalabas palang. Sana ganito palagi na walang gulo at payapa nalang lagi. Habang umuupo ako tinawagan ko muna si mama para ikamusta, ganitong oras alam kong gising na yon. Mahal na mahal ko si mama, bilib ako sa pagiging single parent niya na aalala ko pa noon ay mag aasawa pa siya dahil sa maraming nanligaw sa kanya pero tinanggihan niya ito para sakin lang ang buong oras at atensiyon niya. Kahit minsan naghahanap ako nang isang Ama, pero nang makita ko ang sakripisyo ni mama ay nakalimutan kuna yon. Hindi naman ako galit sa Ama ko, siguro may mga rason bakit kami iniwan at dahil doon naging matatag ako. Kahit noong niloko ako ng walanghiya kong Ex-boyfriend ko, sarili ko lang ang sandalan ko at kakampi. Ayaw ko kasing ipakita kay mama na mahina ako dahil umiiyak ako dahil sa isang lalaking walang kwenta. Kaya ang sakit lang sa pakiramdam na wala kang masabihan ng problema lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Kaya naisipan kung tanggapin ang alok ng Agila na magtraining ako bilang Agent sa Kompanya nila habang nagtatrabaho bilang isang Doctor. Sa una mahirap lalo ns malayo ka sa pamilya mo, pero idinaan ko nalang sa panalangin sa may kapal na siya ang bahala sa akin at sa pamilya ko. Hindi din magaan ang unang isang buwan sa U.S mabuti nalang anjan lagi si Agila. Gusto ko ding hanapin ang Tatay ko pero nahihiya ako kay mama magtanong tungkol sa kanya. Kahit sa kagustuhan ko mang hanapin binalewala ko nalang ito. Natapus din ang training ko, pero patuloy pa din ako sa pagiging Doctor na siyang Propesyon ko. Simula ng Maghiwalay kami ng Ex-boyfriend ko hindi na ako ngka boyfriend muli ay hindi ibig sabihin nun ay mahal ko pa din siya. Masyado pa akong bata kaya itinoun ko muna ang boung atensiyon ko sa pamilya. Sa pagpundar ng bahay at sasakyan, thankfull ako kahit mahirap kami napatapus ako ni mama at sa tulong na din ng Scholarship. Lalong na kay mama at sa tatay ko kung sino man siya, kung hindi sa kanya wala akong mararating lalo na kay God. Kahit minsan nakakapatay ako ng tao dahil sa pagiging Agent humihingi parin ako ng patawad at gabay lalo na sa kinakaharap kong suliranin. Matapus kung balikan ang nakaraan at narating ko ay tumutulo din pala ang mga luha ko. Maya maya ay may lumapit sakin at si Jake pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD