Jake Pov Nagising akong bumungad sa akin ang puting kisame, amoy ng gamot at dextrose na nakatusok sa akin. Naalala kong nakidnap pala kami ni Lenon at Nabaril ako. Inilibot ko pa ang paningin ko, nakita ko si Lenon na namamaluktot ang katawan sa couch habang natutulog. May naramdaman akong may nakahawak sa kamay ko at nakita ko si Zam na natutulog na nakayuko at hawak kamay kami. Naawa ako sa sitwasyon ni Zam, babangon na sana ako ng makaramdam ako ng sakit sa dibdib at tiyan. Napangiwi ako sa sakit, pero hindi ako nakagawa ng ingay kasi parehong tulog si Lenon at Zam. Maya maya nagising si Zam, napatayo ito at inalalayan akong mahiga ulit. Nauuhaw ako kaya sinabi ko kay Zam, inayos niya ang bed ko para makaupo ako at makakain at makainom ng tubig. Nagugutom na din kasi ako,

