Jake Pov
Napabilib ako kay Zam dahil nagpaanak siya at kambal pa. Nakaka aliw tingnan ang mga babies, parang ang sarap magkaroon ng anak. Nasa 34 na ako kailangan kuna mag asawa kung papayag si Zam.
Naaliw ako sa kakatingin sa mga babies ng mag aya ng umuwi si Zam. Habang nasa daan pauwi sa bahay nina lola biglang tumunog ang cellphone nito tot tot tot tot nagtatakang napatingin ako kay Zam. Patakbong pumunta sa bandang kalsada si Zam tila naghahanap ng signal. Sumunod din ako sa kanya na nagtataka bakit kaya tanong ko sa isip ko. Nag dial siya pero out of coverage area sabi ng operator, naka ilang dial ulit siya pero wala pa din hindi ko padin siya tinatanong kung bakit. Tumakbo ulit siya pauwi sa bahay nina Lola nakasunod lang ako sa kanya. Nang nakarating na kami kahit hapong hapo ay nagsalita parin siya na aalis na kami doon ko lang nalaman na ang tumunog pala kanina ay locator ng Mama niya pag nasa panganib. Agad din kaming umalis sa bahay ni Lola matapos makapag paalam. Nandito kami sa lugar malapit sa may helipad helicopter ang sasakyan namin pauwi ng Manila. Makalipas ang ilang minuto andito na ang helicopter, doon ko lang napansin na pagmamay ari pala ito ni Franz. Nang maka landing na pinahupa muna namin ang alikabok bago pumasok sa helicopter.
Unang umakyat si Zam at inalalayan ko pa bago ako. Ikinabit agad ni Zam ang seatbelt at headphone na may microphone at ikinabit kuna din ang akin.
Nag go signal na ang Piloto na ready for take off. Balisa si Zam sa boung biyahe at hindi mapakali. Makalipas ang thirty minutes natanaw na namin ang rooftop ng bahay ni Franz. Nang makababa na kami bumaba agad si Zam, alam kong nagmamadali siya. Pababa na din ako sa Rooftop gamit ang elevator para mabilis papuntang baba. Nakasalubong ko ang mga kasambahay nina Franz, kilala na nila ko simula pa ng bata pa kami ni Franz. Nakakamis din pala ang bahay na ito, kung saan kami naglalaro dati.
Nakasalubong ko si Zam na naka all black lahat pati cap at jacket na may hood damit ni Franz. Kahit oversized sa kanya bagay parin at lalong gumanda pa. Nagsalita ito na aalis siya at uuwi sa kanilang bahay, sinabi pa niya na kung may darating na kalaban itinuro niya ang secret door ni Franz kung saan andon ang mga baril at patalim. Pagkatapus niyang sabihin yun agad itong umalis sinundan ko siya hanggang sa pinto, at nakita ko siya nakamotor gamit ang Ducati ni Franz.
Pagka alis ni Zam, dahil sa pagod at gutom pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Meron namang luto at agad akong kumain pagkatapus hinugasan ko din ang kinainan ko. Bago pumunta sa guest room pumasok muna ako sa kwarto ni Franz, wala paring pinag iba. Ganun pa din ang kulay ng kwarto at library nito. Nakita ko ang side table niya na may nakapatong na mga picture. Family picture nila, picture namin ng bata pa kami at isang malaking picture frame na may kasamang babae. Si Zam at Franz ito maikli palang ang buhok ni Zam dati naka akbay sa kanya si Fire at parehong nakangiti. Kung titingnan parang mag siyota sila, tiningnan ko ang likod ng Frame may maliit na nakasulat nang "DURING TRAINING AT U.S WITH THIS Beautiful girl".
Doon ko lang napagtanto na pareho palang agent si Franz at Zam ang tawagan palang Fire At Daz ay codename nila. Pero bakit Daz si Zam, napaisip ako kaya pala DAZ dahil Doctor's Agent Zam. Ang galing nila, kaya ganun nalang ang pag aalala ni Fire kay Zam dahil may pinagsamahan sila.
Pagkatapus kung tingnan ang mga Picture Frame, tinungo kuna man ang Library ni Franz. Pagkabukas ko agad tumambad sakin ang ibat ibang uri ng baril, granada, katana at mga patalim. Isang agent nga si Franz, base sa dami ng kanyang baril at iba't ibang klase ng patalim.
Gusto ko sanang matuto ng paghawak ng baril at self defense. Pagkatapus kung tingnan ito lumabas agad ako ng kwarto ni Franz papuntang Guest room para matulog sana. Paglabas ko pahakbang na sana ako patungo sa guest room ng mapatingin ako sa may pinto ng bahay at nakita ko si Zam na patakbong papunta sakin.
Nang makalapit sakin walang sabing niyakap ako hindi ako nakakilos agad naramdaman ko nalang na basa na ang damit ko umiiyak na nagsasalita si Zam. Niyakap ko din siya, para iparamdam na nandito lang ako para sa kanya. Pinatay nila ang Pamilya ko kasabay ng paghagulhol nito.
Naramdaman kong kumalas ng yakap si Zam iyon pala ay nahimatay ito. Nataranta ako kaya binuhat ko si Zam papuntang Guest room tinawag ko si Yaya Lina ang katulong ni Franz at taga pag alaga dati. Nang mailapag ko si Zam sa higaan, tinanggal ko agad ang sapatos niya. Pati ang sling bag na medyo kabigatan tiningnan ko ito kung bakit mabigat. May baril pala ito na may silencer at 2 extrang magazin.
Hinubad ko muna ang Jacket niya naka Tshirt pa pala ito. Maya maya pumasok na si Yaya Lina, pinabihisan ko muna sa kanya si Zam. Bumaba muna ako at sa kusina nagluto ako ng may sabaw sakto may manok. Alam kong over fatigue na si Zam at gutom na din kaya hinimatay. Para pag gising niya mamahigop siya ng sabaw na mainit. Matapus makapagluto umakyat muna ako sa kwarto ni Franz para makapagpaligo at palit na din ng damit. Naawa ako kay Zam dahil sa pagligtas niya sakin nadamay ang Pamilya niya.
Pagkatapus kung maligo naghiram muna ako ng damit kay Franz pagkatapus tinungo ang guest room. Pagpasok ko mahimbing na natutulog si Zam, napaka amo ng mukha niya. Ngayon ako babawi sa pag aalaga niya sakin ng nasa Hospital ako muna ang magsisilbing Doctor mo ngayon.Tinitigan ko muna siya, ang labi niyang maninipis kahit walang lipstick ang pupula nakaka akit halikan. Kaya idinampi ko sa labi niya ang labi ko, sobrang lambot. Alam kung mapapatay ako ni Zam pag malaman niya iyon. Dahil sa pagod na din at antok humiga ako sa tabi ni Zam, kinumotan ko muna siya at hinalikan sa noo sabay sabing I Love You Zam and Good night at nakatulog na din ako.