Zam
Bago ako umalis ng bahay papuntang Hospital nag review muna ako ng CCtv. Baka sa sobra kong pagkabusy sa iba hindi ko na ma protektahan sina mama. At nagdala din ako ng makakain ni Jake baka hindi pa nakapag almusal at tsaka prutas pagkatapus ay inilagay kuna sa backpack ko at lumabas ng bahay.
Sakay ng motor kung kawasaki tinahak kuna ang daan papuntang Hospital, para bisitahin ang niligtas kung si Jake.
Pagdating ko sa hospital agad kong pinarking ang motor ko sa pinakagilid. Nang nasa loob naku ng hospital pinuntahan ko muna si Dr. Angeles para kausapin sa status ni Jake. Pagkatapus ng aming pag uusap nagpaalam naku sa kaniya, para puntahan si Jake sa kanyang silid.
Nang nasa tapat naku ng ng silid ni Jake. Kumatok ako ng tatlong beses, at ng marinig ko ang boses niya pumasok na ako. Hi! Kamuzta kna? Nagdala ako ng makakain mo baka hindi kapa kumakain sabi ko habang inilalagay sa lamesa ang dala ko. Thank you very much for helping me miss... Zam nalang pagsingit ko sa kanya. Welcome, kahit siguro kung ako sa kalagayan mo hindi ka magdadalawang isip o matatakot matulungan lang ako. Ngumiti lang siya, iniangat ko muna ang kanyang higaan para makakain siya. Nang ibinigay kuna sa kanya ang plato na may kanin at ulam, nakatingin lang siya sakin tila doon ko lang napagtanto na hindi pala siya makakain mag isa dahil sa sugat niya sa braso. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang, hindi naman kasi niya ako Jowa tapus susubuan ko pa siya. Nang tumingin ako sa kanya Nakaramdam ako ng awa kaya ipinawalang bahala kuna lang ang awkwardness.
Huwag kanang tumingin sakin ng ganyan susubuan na kita sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya. Ngayon ko lang nakita siyang ngumiti, malamang unang pag uusap namin ang gwapo niya may dimple pala siya na lalong nagpagwapo sa kanya ang labi niyang maninipis na tila nang aakit na halikan. Ehemm busog kana ba? ako kasi gutom na sabi niya. Tila nahiya naman ulit ako, ngayon lang ako nawala sa sarili. Sorry sabi ko, na agad ko siyang sinubuan. Magana siyang kumain kaya dinagdagan ko pa ang kanin at ulam at agad din niya itong naubos. Habang nag aayos ng kinainan niya, maya maya may kumatok at pumasok si Dr. Angeles at ang nurse. At nagsalita ang Nurse ang swerte niyo naman sir kay Doc Zam alagang alaga talaga kayo, kahit hindi na po kami kelangan dito ni Doc Angeles eh hehe sabi ng Nurse. Namula ako sa sinabe niya at tumingin kay Jake na nakatingin din sa akin. Hehe nurse actually first meet namin to ee, nagmagandang loob lang akong tinulungan siya sabi ko. Maya maya sumingit si Dr. Angeles, ahmm Doc Zam kahit ako hindi kumbinsido na hindi kayo magkakilala ee kung makatitig ba naman sayo si Sir Jake tila ayaw ka nang Hiwalayan. Ganyang ganyan din ako tumitig sa asawa ko ngayon ee hehe sabi nito. Ngumiti lang ako at chineck na nila si Jake. Nagsalita ulit si Dr. Angeles, pwede nang idischarge mamaya si Jake. Pahinga nalang siya sa bahay then continue ang pag inum ng gamot. Pagkatapus nong sabihin ay agad din silang lumabas ng kwarto. Pagkalabas nila ay tinanong ko si Jake, ahmm Jake bakit walang bumibisita sayong pamilya dito, o kahit kamag anak o kaibigan. Bigla siyang napatingin sa bintana na tila naging malungkot siya pagkatapus kung banggitin ang pamilya niya. Wala na akong Pamilya, ang Parents ko at kapatid kong bunso namatay sila dahil sa aksidente. Papunta sila ng Baguio para magbakasyon that time i was graduating student actually kasama talaga ako doon. Kaso biglang nagkaproblema sa Thesis namin kelangang ipasa in the morning kaya hindi ako nakasama. Im was thankfull that time na hindi ako nakasama, pero masakit pa ding malaman na wala na ang mga magulang at kapatid ko dahil sa aksidente. Pagkatapus niyang sabihin yun, tila narealized ko na kahit wala akong ama pero may ina pa rin akong nagmamahal sakin. Hindi katulad ni Jake na kompletong Pamilya pero maaga ding nawala sa kanya.