Indisguise

1163 Words
Zam Pov Alam kong hindi titigil ang tito ni Jake hanggat hindi siya at ako mapapatay. Kaya kailangan niyang magsanay sa pag gamit ng baril at self defence lamang. Lumabas ako ng kwarto para kausapin si Jake, nadatnan ko siyang naghuhugas ng mga plato. Ang gwapo niya tapus marunong pa sa gawaing bahay. Pwede na kaming mag asawa hehe, pero not now. Tumikhim ako na ikinalingon niya, ahmm Jake bilisan muna jan at may pupuntahan tayo. Tumango lang siya at ako nagbihis at naghanda na rin. Dala ko pa din ang sling bag ko na may baril. Matatapus nang magbihis si Jake sa kwarto ng kumatok ako. Naka tatlong katok ako bago binuksan niya, pagbukas niya agad akong pumasok at dumiretsu sa library para kumuha ng mga baril. Tuturuan ko siya sa pag gamit ng baril at simpleng self defence. Mabuti na yong may alam siya kahit papaano. Nakasunod lang siya sa akin, kumuha ako ng dalawang baril at apat na magazin. Inilagay ko ito sa backpack ko, marunong kabang magmotor tanong ko sa kanya. Tumango lang ito, lumabas na kami ng kabahayan at pumunta sa garahe. Sa kanya ang Kawasaki sakin ang Ducati. Naka all black ako at siya naka orange tshirt at pants then rubber shoes. Naka shades siya pareho kaming naka black cap. Pagkatapus sumakay na kami sa kanya kanyang motor nauna akong lumabas. Naka sunod lang siya sa akin, malapit lang naman dito ang firing station at tuturuan ko siya ng self defence. Makalipas ang limang minuto, nakarating na din kame. Ipinark namin sa gilid ang motor, agad kong nakita si Clark ang may ari ng firing station na ito. Agad kaming isinalang, ako ang unang bumaril pagtapus siya naman ang tinuruan ko. Madali lang naman siyang matuto, hindi kami nagtagal masyado dahil kailangan ng time management pupunta ako mamayang gabi sa burol. Nagpa alam na ako kay Clark sunod naming pinuntahan ang Gym na nagtuturo ng self defence. Naka upo lang ako sa gilid habang tinitingnan si Jake. Alam kong pagod na ito pero para naman yan sa kanyang sarili. 10 minutes break lang, agad akong lumapit sa kanya at pinunasan ang kanyang pawis. Binigyan ko din siya ng pagkain at tubig. Matapus ang kanyang pag ensayo at marunong na din siya, nag aya na akong umuwi. Kailangan ko pang paghandaan para mamayang gabi. Bukas na kasi ang libing nina Mama at Jane. Habang tinatahak ang kahabaan ng highway nakarating din kami sa bahay. Tanghali palang kaya pagdating namin, kumain na kami dahil nakahanda na ito. Pagkatapus naming mananghalian pinatulog ko muna si Jake para mamayang Gabi. Tinawagan ko muna si Fire, hindi pa din niya alam ang nangyari sa Pamilya ko. Nakailang tawag ako bago niya sinagot, Hello Fire Kamuzta na Daz Pinatay nila si Mama at si Jane. Kailangan ko ng mga baril, maniningil lang ako. Pumayag naman si Fire at nakikiramay din sa pagkawala nina Mama. Maraming salamat Fire, sige na bye mag ingat ka jan, sige take care also kayo ni Jake sabi nito. Agad kong binaba ang cellphone ko at si Agila naman ang tinawagan ko. Hello Agila Hello Zam Pinatay nila sina Mama at Jane Napakahayop nila Matapus kong ipaalam sa kanya at nakiramay agad kong pinatay ang cellphone ko. Pumasok ako ng kwarto para ihanda ang mga kagamitan. Kailangan ko ng locator chip para madetect ko silang lahat. Naalala kong meron ako sa bahay. Hindi naku nagbihis pa at sumakay ng Kawasaki, dala ang sling bag ko. Nagmaneho ako papuntang bahay para kunin ang mga patalim at kagamitan ko. Makalipas ang ilang minuto nakarating din ako sa bahay, tulad ng dati malayo sa bahay ko ipinark ang motor ko. Habang nag manman may napansin akong itim na kotse malapit sa bahay. Pero malayo sa dadaanan ko at hindi mapapansin na papasok ako sa secret gate ng bahay. Matalib kasi ito na pinasadya ko at ang gate may mga damu na kung titingnan hindi makikilalang gate iyon. Pumasok na ako sa bahay na maliksi at mapino ang ikinikilos ko. Agad akong nakapasok sa kwarto ko, binuksan ko ang isang secret door na tanging ako lang at ang gumawa nito ang may alam. Kung saan nakalagay ang mga baril at mga gamit bilang agent. Agad akong kumuha ng mga gamit, at isinilid sa backpack. Pagkatapus mabilis akong lumabas ng bahay. Kung kanina anjan pa din ang kotseng itim hanggang ngayon nandito pa din. Nandito na ako sa Motor ko, itinago ko muna ang backpack ko kumuha lang ako ng Locator chip na ilalagay sa kotse para malaman kong saan ang hideout nila. Naka abang lang ako sa medyo kalayuan nang bumukas ang pinto at nagsilabasan ang mga may sakay dito. Ito ang limang lalaking walang awang pumatay sa pamilya ko. Kakain siguro ito may karinderya kasi sa malapit sa amin. Pagka alis nila pasimple akong lumapit at idinikit ang locator chip sa bandang baba ng kotse na hindi mapapansin sa sobrang liit nito. Agad ko itong ini on at i connect sa Cellphone ko. Pagkatapus kung magawa iyon agad akong sumakay ng motor at umalis na sa lugar na yon. Narating kuna din ang bahay ni Fire, pagpasok ko sa Bahay hindi ko nakita si Fire siguro nasa kwarto niya. Pag akyat ko sa hagdan kinatok ko muna ang kwarto ni Jake pero walang sumasagot. Binuksan kuna ito, pagkapasok ko tumambad sakin si Jake na nakadapa at mahimbing na natutulog na walang damit tanging boxer lang. Lumabas na ako ng kanyang kwarto. Pumasok na ako ng kwarto para matulog muna ng ilang oras. Para merong akong lakas mamaya. Someone Pov Ano nakita niyo na ba sa burol ang Doktora? Wala pa akong nakitang dumating boss. Mamaya ang huling lamay bukas ililibing na ito. Alam kong dadating yon, may karelibo naman ako sa pagmamatyag. Okay sige basta ang bilin ko pag nakita patayin niyo agad. Sinasabon na ako sa kompanya dito kung nasaan na ang Pamangkin ko. Ang hirap magdrama dito. O sige na may family dinner kami ngayon. Zam Pov Nagising ako ng Alas siyete ng Gabi, bumangon na ako at bumaba ng kusina para kumain. Kinatok ko ulit ang kwarto ni Jake para sabay kami ng dinner. Kumatok ako ng tatlong beses at tinawag na kakain na kami. Sumagot naman siya sa loob, nauna na akong bumaba. Nakahain na ng pagkain sa mesa ng bumaba siya. Habang kumakain sinabi ko sa kanyang pupunta kami ng chapel mamaya para sa huling lamay dahil bukas ililibing na ito pero kailangan naming mag indisguise. Tumango lang ito at pagkatapus naming kumain sabay kaming umakyat ng kwarto para mag ayos. Makalipas ang ilang oras naming pag aayos naglabas na kami sa kwarto dala ko pa rin ang sling bag ko at dinagdag ang mga locator chip. Si Jake naman isinukbit ang baril sa likod ng bewang niya. Nerd at badoy ang ayos ko samantalang si Jake Mataba na pangit. Nakasakay sa kotse si Jake ako naka motor siyempre. At lumabas na kami ng gate papuntang chapel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD