Chapter 1: Punishment
"Aray!" Sabay hawak sa ulo ko.
Pagdilat na pagdilat ko una kong nakita ang pink na ceiling. Teka, hindi naman pink ang ceiling sa condo ko ah. Pagtingin ko sa wall may mga pictures na nakadikit. Pinasadahan ko ng tingin ang buong room. Pink lahat.
Teka, pink? Oh my golly!!
Napabalikwas ako ng magsink in sa utak ko na wala ako sa condo. Bakit ako nandito sa kwarto ko sa mansion? Paano nangyari 'to? Paano ako nakapunta dito?Anong ginagawa ko dito sa mansion ni Mommy 'La? Sinong nagdala sakin dito?
Aray ang sakit ng ulo ko. Hangover na naman! Bumangon ako at binuksan yung glass window. Mataas na ang sikat ng araw. Anong oras na kaya?
Ano nga bang nangyari kagabi?
Dumating kami ni Cath sa isang disco bar. Tapos di ko na maalala kung paano ako napunta dito? Ghad! Patay ako nito kay Mommy 'La.
Hala anong nangyari kagabi! Grounded na naman ata ako nito!
"I need to tell you something." Bakit parang bigla akong kinabahan? Sa tono ng boses ni Mommy ay para bang mabigat ang salitang lalabas sa bibig niya.
"Vieve, your Dad wants you to go to El Nido." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy. Ayaw tanggapin ng isipan ko ang mga iyon.
Sabi ko na nga ba at mabigat ang sa sabihin niya pero hindi ko ineexpect na ganoon kabigat iyon. Mali lang ako ng narinig. Mali di ba? Mali.
"That was the funniest joke that I have ever heard, Mommy?"
Tumigil ako sa pagtawa at unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko ng tuluyang mag sync-in sa utak ko ang mga sinabi ni Mommy.
Napahawak ako sa dibdib ko at agad akong napaiyak. El Nido? Papupuntahin nila ako sa El Nido? It's a hundred miles away from here.
"Why do I have to be there? Bakit kailangan ko pang pumunta ng El Nido? Why?"
Ayokong umalis. Ayokong tumira sa El Nido mag-isa.
"I-grounded mo na lang ulit ako,My!" Sabi kong nangingiyak na.
"Mommy , this is too much. Don't do this to me. Mom, I'm begging you. Please tell Dad and Mommy 'La that I don't wanna go there, please."
"She have too. That's your Dad and Mommy 'La's order." Matigas na tugon ni Mommy kay Kuya. Hindi nga siya makatingin ng diretso sa amin.
"Hindi ako aalis. Hindi."
"Mom, she can't be in El Nido." Pagtutol ni Kuya."Bakit kailangan ninyo pang ipadala siya sa El Nido?"
Sumalubong ang kilay ni Mommy at diretsong tumingin at saka niya dinuro si Kuya.
"Alam mo ikaw, Kenjie. Akala mo hindi ko nahahalata na kinukunsinte mo yang kapatid mo sa mga kalokohan niya."
Naitutop ni Kuya ang palad niya sa kayang noo."Oo, aaminin ko. Hinahayaan ko siya. Kinukunsite ko. But Mom, hindi ako tumututol sa gusto niya. Doon sya masaya."
"Whether you like it or not, pupunta ka doon. One year lang naman yun, Darling."
Sabi nya saka tumayo na at umalis.
"Kung hindi ka sana nag-eskandalo sa bar, wala sanang ganito. Good luck, princess!" Aniya. At kinuha ang cp sa couch at bumalik na sa room nya.
Paano na 'to? Kaya ko ito. 1 year lang naman. Go, Vieve. Go, Vieve. Fight. Fight.
OMG! My City Life!!
I need to prepare na. Bukas na agad ang flight ko, di din halata na gusto na nila akong palayasin 'no. Good luck to me!!
I dial Cath number. After few rings, finally sinagot nya din.
"Cath?" I started.
"Hello, Vieve. Finally, tumawag ka din. Ilan araw ko ng hinihintay call mo. Napagalitan ka ba? Anong sabi nila? Okay ka lang?" Dirediretsong sabi nya.
"Okay lang ako, Cath. Nga pala.. bukas luluwas ako ng Manila. Doon na daw ako mag-aaral this year. So, see you next year." Paalam ko sa bestfriend ko.
Then I ended the call. At pinunasan ang luha ko. At dumiretso na ako sa kwarto ko para mag-impake ng mga damit ko.