Episode 11

1880 Words
#BTSEp11 The moment I enter the SHS Building, mamatay-matay talaga ako sa kilig. Amporkchap! Muntik na talaga akong gumulong papunta sa room namin! Hindi ko na talaga kinakaya! "Can you sleep on my unit tonight?" I am blinking. "What-- why?" "I will take that as a yes." A small smile was formed on Liv's perfect lips. s**t na malagkit. He is freaking smiling for me! "Pero paano si Aless, baka--" He cut me off. "See you later," I saw how his Adam's apple to bob up and down, "baby." Then when he tore his eyes away from, his smile grew wider. And I saw how his milky looking cheeks turned red! How the pakening shiyet?! I was still blinking when he grab ahold of the door. Ngingiti-ngiti pa rin siya noong isara na niya iyong pinto. He left me there, dumbfounded as he maneuver his car away from my fast beating heart. I ball my fist. Noong nasa hagdan na ako ay gusto ko na lang talagang magtitili! Lord, ito na ba 'to?! Nagbubunga na ba ang ipinagdadasal ko tuwing gabi?! Lord, bakit ka ganiyan?! Favorite mo na rin ako?! Hindi na naalis sa mukha ko iyong ngiti ko nang makapasok na ako sa classroom. Sakto namang wala pala kaming klase kaya si Ysabelle na lang ang naabutan ko doon sa loob. She is as usual, retouching her make up. Umupo ako sa tabi niya. "Hay buhay, parang kalamay!" I said while smiling widely. Ysabelle is still busy on her make up when she turned a glance on me, "bakit parang kalamay?" Bakit nga ba?! "Wala lang, gusto ko lang mag-sound poetic." Nakangiti pa rin ako nang malapad. Iyon siguro ang naging dahilan kung bakit naging mapanlait ang tingin sa akin ni Ysabelle. "Ito talaga maliit na bagay, pinapalaki." Pabebe ko siyang hinampas. "Anong meron, beh?" "Wala! Ito talaga!" Hahampasin ko sana siya uli nang pabebe nang hinawakan niya ang kamay ko. "Isa pang hampas mo, gaganti na talaga ako." Binawi ko tuloy agad pabalik iyong kamay ko. Masakit manghampas ang lokang 'to! "So, bakit nga?" Nakakunot noo siya sa akin noong muling ibinalik ang sarili sa pag-me-make up. She is glancing at me on her every brush. "Wala nga!" Ngayon, feel kong napapairap ako nang pabebe. Then bigla-bigla niyang ibinaba iyong make-up niya sa desk. Tapos ay nakakaloka iyong ngiti niya sa akin! Parang may meaning na kakaiba! "Beh, nadiligan ka na for the first time 'no?" "Ano?!" Halos maisungalngal ko talaga sa kanya iyong brush niya! Kaloka 'to! "Hindi, gaga ka!" "Beh, 'wag ako. Ganiyan ang ngiti ko kapag nadidiligan ako." Muli niyang ibinalik ang sarili sa pag-me-make up. "Siraulo ka! Hindi nga--" "Malaki, beh? Kinaya mo?" Namula talaga iyong pisngi ko dahil sa halimaw na 'to! Bakit siya ganiyan?! Bakit kada-good mood ko, sa dilig-dilig na iyan talaga pumupunta ang utak niya?! "Anyway, I gotta go now." I stare at her confusely. "Saan ka na naman pupunta?" Tumayo siya at tumingin muli sa mukha niya for the last time. Matapos ay pinasok niya ang maliit na salamin sa kanyang LV shoulder bag. "Walwal uli." She winked at me, "Ikaw na muna uli ang bahala sa akin, ha?" Gagang 'to?! Hindi na niya talaga ako pinasagot noong lumakad na siya papalabas ng class room namin. Walang hiya siya! Malunod sana siya sa alak! Feel ko, pumapasok na lang talaga ang babaeng 'yon para mag-walwal. Shuta siya. Dahil wala kaming klase, nagpasya na lang akong pumunta sa library. Ala-una pa kasi iyong next subject namin kaya mag-aaral na lang ako. It was probably eleven o'clock in the morning when I started to feel my tummy. Sa sobrang subsob ko sa pag-aaral ay hindi ko na naramdamang tanghalian na pala! Feel ko talagang ang talino ko kahit ang ginawa ko lang naman talaga ay basahin iyong mga nakasulat! Wala nga akong maalala maski isa, eh! Ngiii. I was alone when I entered the cafeteria. Wala kasi si Hendrix, may shoot siya today. Kaya heto, all by myself ang drama ko today which is what I am used to. "Asia, naku! Wala nang lumpia. Akala ko kasi ay may shoot ka ngayong araw." Aling Pening gave me a pout. "Ay, okay lang po." Napakamot ako sa noo ko. Dapat pala, inagahan ko! "Ito na lang pong Adobong tagalog saka po itong one piece of fried chicken." Noong makapagbayad na ako sa cashier ay agad na akong pumunta doon sa table kung saan kami laging umuupo nina Ysabelle. The students kind of kept this vacant for us. And I don't understand where their respect is coming. Pare-pareho lang naman kasi talaga kaming estudyante dito whethere I am an actress or not. Inilapag ko na ang plato sa mesa. Then I shoved my phone off my pocket. I took a picture of myself while pouting. Matapos ay ipinost ko iyon sa IG stories. I attached word "Alone" on it before I hit the post button. That was the time when I started to eat. Paminsan-minsan akong tinitignan ng mga tao. And the rest are treating me as if I am a nobody which is what I really love. Pero nagulat na lang talaga ako noong may naglapag ng tray ng pagkain sa harap ko. I am blinking. Deja vu?! Liv?! Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Napabusangot na lang talaga ako noong hindi si Liv ang bumungad sa akin kung hindi ang ngising-ngisi na si Ezra. "Surprise!" He is smiling from ear to ear and I want to smack his face! "Bakit ka nandito?" Siraulong 'to! Hindi naman 'to dito nag-aaral, eh! Taga-Dela Salle ang hinayupak na 'to! "Bawal ba ko dito dahil rival tayo sa UAAP?" "Baka ma-issue tayo. Hinayupak ka." Madiin kong sambit. Nakangiti ako nang sarkastiko sa kanya. Ramdam ko tuloy na may mga camera nang kumukuha sa amin! "Edi i-issue nila." Ezra shrug when he finally sat infront of me. "Paano mo naman nalaman na nandito ako?" He continued eating when he grabbed ahold of his phone. For a second ay may kinlick siya doon. Then he showed me my IG story. I only gave him a poker face. "What? Ayaw mo nang pagkain mo?" He is about to grab my food when I smack his hand. Inangto! Mangaagaw lagi ng pagkain! Kumain na lang ako. Bahala nang ma-issue. 'Wag lang maagawan ng pagkain, ganiyan. When I turn my gaze on him again, my eyes focused to the silver earing on his right ear. I wince. "Hindi ka ba sinisita sa La Salle dahil diyan sa hikaw mo?" Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Punong-puno ang bibig niya noong magsalita siya. "Malakas ako, eh." "Malakas? Kaya pala marupok ka pagdating kay Ysabelle?" Ang gagong ito kasi, basta si Ysabelle ang pinaguusapan, tiklop. Fall na fall! Kaso iyong best friend ko naman, walang planong mag-seryoso. Puro diligan ang nasa utak! Kaya heto naman si gago, ginaya. Gusto niya daw gumanti kahit ang totoo, wala namang pakialam sa kanya si Ysabelle. "Parang ikaw kay Liv?" He smirked as he munch another spoonful of food. I rolled my eyes. "Atleast ako, pinapansin ni Liv. Ikaw? Para kang hangin kay Ysabelle." "Alam mo? Bakit ka ganiyan?" Sinimingutan niya ako na parang bata. Tumawa lang ako nang malala. "Hey, ngayon na pala kita sisingilin sa dare ko sa 'yo." He mumbled noong matapos na kami sa pagkain. Ngayon ay ibinabalik na namin sa counter iyong pinagkainan namin. Swear, mabilis talaga akong napalingon sa kanya. Bakit naman ngayong araw?! Jusko, naka-sched akong makipag-landian kay Liv mamaya, eh! "Bakit? May balak kang takbuhan ang utang mo?" "Wala! Ano kasi . . . may lakad ako ngayon." I can never tell him na matutulog ako sa unit ni Liv! Kilala ko ang lalaking 'to! Katulad ni Ysabelle, sa jugjugan agad ang punta ng utak niyan! But I was really surprised when he held my wrist. Matapos ay hinila niya ako palabas ng cafeteria! "Hoy, ano 'to?! Sapilitan na?!" Pagpupumiglas ko sa kanya. Alam kong huli na ang lahat noong nasa tapat na kami ng kotse niya. "Sandali lang naman tayo." Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Ayoko nga!" I am now glaring at him. "Libre kitang pizza pagkatapos." "Okay!" I was really the quickest to efiin sit on the passenger's seat basta pagkain na ang pinag-uusapan! *** "Naknampochi ka naman, Ezra! Hindi na talaga ako makakapasok nito!" Naiirita kong sambit. Dahil nga marupok ako sa pagkain, hindi ko na talaga naisip na may pasok pa talaga ako! Well, kasalanan naman ni Ezra kasi malay ko ba namang sa MOA niya pala ako dadalhin?! It was a freaking two-hour drive dahil sa traffic! Pasado ala una na talaga noong makarating na kami sa MOA! He only rewarded me a shrug. "Okay lang 'yan. Pasok-pasok ka pa, mayaman ka na naman." "Gaya mo pa ako sa 'yo na pumapasok lang para umuwi!" I rolled my eyes at him. Matapos ay natatawa siyang sinuutan ako noong University Cap niya. Sobrang contradicting ng suot ko ngayon, La Salle cap tapos Ateneo na uniform. Ang tanga lang. "Let's go?" He told me noong isinuot na niya ang usual cap niya. Iyong kulay itim na korean cap. Dahil tuloy doon ay nawala iyong kulot niyang buhok. "Ano pa nga ba?" I rolled my eyes when we started to go outside. Noong naglakad na kami sa loob ay wala ni isang nakakilala sa amin. May ilan lang na napapatingin pero hindi na lang din kami pinansin. Naisip siguro nilang baka ibang tao kami. "Sino ba kasi itong babaeng pagbibigyan mo ng regalo?" Kaya niya kasi ako niyakag dito ay para tulungan siyang bumili ng regalo para sa babaeng nagugustuhan niya. Well, that was a first. Magpapa-fiesta na ba ako dahil nagseseryoso na ang kumag na 'to?! "Basta." He looked away. Seems really shy. Aba! Nagmamatured na siya?! Marunong nang mahiya?! Noong nagsimula na kaming bumili, he told me that the girl he's talking about is fond of something simple. Base sa kanya, the girl doesn't want to overdo things. She is that someone that's so simple yet speaks grandeur to the context of elegance. Kaya right away, I told him to buy her a watch. A watch is something that is valuable to a person with a simple and grounded life. Kasi, watch lang naman yata iyong acessories na valuable talaga sa mga tao. Iyong may dulot talaga keysa sa mga earings, necklace or bracelet. Ang loko naman, madaling naniwala sa akin kahit na hindi naman ako sigurado doon. Kaya ayon, ngayon ay binibili na niya iyong watch na silver at leather iyong belt. Hindi ko na tinanong pa kay Ezra kung magkaano iyong watch dahil alam ko namang hindi biro ang halaga noon. Pero ewan ko ba sa lalaking 'to? Kung manahalin at branded lang naman ang gusto niya, dapat ay doon na lang sana kami sa Makati pumunta! Baka nagtitipid? Noong naglalakad na kami papunta sa parking lot ay biglang nag-vibrate ang cell phone ko. Agad ko iyong tinignan at nagulantang na lang talaga ako noong makita ang pangalan ni Liv! He DMed me on my IG! LIVdmoment where are you? Napakamot ako at saka tumingin sa oras. Napangiwi na lang talaga ako noong makitang alas-kwatro na pala! Jusko, patay! AsyaGrasya at MOA hehe sinamahan ko si Ezra na bumili ng gift hehe Seen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD