#BTSEp10
At ayon na nga. Nagdilang anghel na nga ako kahit may sa-demonyo ako minsan. Leche! Hindi na talaga ako nakatulog hanggang sa mag-alas sais na ng umaga!
Nakakainis na nakakakilig.
Nakakakilig na nakakainis.
Ano daw?!
Basta, nalilito na ako. Alam kong mali itong nararamdaman ko. Alam kong mali itong kilig ko. Kasi kahit ano namang mangyari, I still can't erase the fact na may jowa si Liv. Mali ito. Maling mali ang kiligin ako sa kanya lalo na't close kami ni Aless. I somehow felt like that I am a Regina George in sheeps clothing for her.
Para ko siyang tinatraydor kahit wala naman talagang nangyayari.
Para ko siyang sinasaksak nang patalikod kahit na alam ko namang mahal na mahal siya ni Liv. I know Liv loves her that he won't ever choose to cheat on her.
Pero . . .
Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao?
Iyong kahit alam mong mali, gusto mo pa rin? Iyong kahit na tanggap mo namang hindi dapat, gustong-gusto mo pa rin? Iyong gets mo naman na isang kasalanan iyon pero hindi mo kayang pigilan kasi tao ka lang, kasi nagmamahal ka lang.
Call me a bad b***h pero swear, halos mag-nobena talaga ako mapa-sa 'kin lang si Liv. I want him and I never felt this to some other guys before. Right now, he is my one and only potential ending. I don't see myself growing old without him.
Ganito ba talaga kapag mahal na mahal mo iyong tao? 'Yung halos ipagdasal mo na lang talaga sa Diyos na maghiwalay na lang sila ng jowa niya para may space na siya para sa 'yo? Para ikaw naman iyong magmahal sa kanya?
Alam ko naman talagang mali.
Kaso tanga ako, eh. Tanggap ko naman 'yon. Hindi ko lang talaga kayang mapigilan.
I was only on my pajamas when I went out of my room. Unang bumungad sa akin si Liv. He is sleeping peacefully with the back of his palm resting on his forehead. Sa tangkad niya ay hindi siya nagkasya doon sa sofa ko.
That was the moment when he hits my heart so hard again. Ngumiti ako nang malala habang pinapanood siyang matulog mula sa malayo.
Kung ganito talaga ang view na bubungad sa 'yo tuwing umaga, parang gusto mo na lang talagang maging wild buong magdamag. Paanong wild?! Rawr, rawr, rawr. Ganiyan.
Bago pa ako mahuli ni Liv, I forced myself to drag my way towards my kitchen. I opened my fridge. Ano kayang masarap lutuin?
Adobo na lang kaya? Nasa mood kasi ako. O sinigang? Favorite kasi iyon ni Liv. O kaya naman menudo na lang para mahirap? Para makita ni Liv na ma-effort ako as a girlfriend? Para maisip niyang ay etong si Grace, ang ideal niyang maging wife. Jowain ko nga 'to?!
Tama, menudo na lang!
Pero sana talaga, marunong muna akong mag-luto?!
Napangiti ako nang malala noong kinuha ko na ang dalawang itlog sa ref. Hindi pa rin talaga maalis sa labi ko iyong nakakasuya kong ngiti noong magsimula na akong magluto ng specialty kong pritong itlog. Pero halos matumba talaga ako sa sahig noong magbaling ako ng tingin sa harap ko!
"Is it your hobby to smile for no reason? What are you? A pscho?" Liv is staring at me with a wince on his face. Gulo-gulo pa rin ang buhok niya. At iyong boses niya? Shomai na prinito ng sunog! Sobrang husky! Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti pa lalo!
"Your smile is starting to go wider and to be brutally honest, it is starting to freak me out." Kumunot ang noo niya.
"H'wag ka ngang magulo!" I rolled my eyes. Pilit kong tinatago ang ngiti ko pero veh, hindi ko na kaya! "Nag-co-concentrate ako dito sa breakfast mo!" Tinuro ko iyong itlog gamit ang sandok.
Ibinaling niya ang tingin sa itlog. Hindi talaga ako handa noong nawala ang pagkunot niya ng noo. Sumilay ang ngiti niya sa labi nang ilang segundo. Sa kilig ko, muntik ko na talagang maihampas sa kanya iyong sandok!
"Is that really for me?" He coughed. Halatang sapilitan niyang pinipigil ang ngiti niya.
"Hindi, para kay Ezra talaga 'to." Ulit-ulit tayo?!
That was the moment when his face automatically formed the most dull poker face that I've ever seen. "Tss." He told me when he turned his back at me. Para siyang batang nagtatampo noong bumalik doon sa sofa ko!
Hala siya?!
Ang gullible naman ng lalaking 'to?!
Paano pa kaya kapag umamin na ako sa kanya?! Char point . . . pang-ilang point na nga ba 'to?!
Hindi ko na lang siya pinansin. Ngiting-ngiti pa rin talaga ako hanggang sa maluto ko na iyong limang sunny side up. Inilapag ko na iyon sa mesa kasama ng kanin bago ako lumapit kay Liv. Ngayon, busy siya sa pag-se-cell phone. Kaya manhid 'tong lalaking 'to eh, cell phone nang cell phone.
"Uy," I poked him on his shoulders, sa likod niya ako nakatayo. Para akong hangin sa kanya. Hindi niya ako pinansin kaya muli ko siyang kinulbit.
"Ayokong kumain." His voice is dry. "Si Ezra na lang ang yayain mo."
I pout. Suplado!
"Sige," dahil hobby ko ang sundin siya, pumunta talaga ako doon sa gilid ng sofa! Tatawagin ko talaga si Ezra!
But I was shocked when Liv stopped my hand the moment I am about to dial Ezra's number. I stared at him with confusion in my eyes when he said, "Subukan mo lang."
Ang gulo mo, teh?!
Ano ba talaga?!
Bugtong pala iyong lumalabas sa bibig mo?! Logic pala?! Kailangan ko pang i-decipher bago ko gawin?! Ano 'to?! Project Loki pala ito? May code code?!
Matapos ay hinila niya ako papunta sa kusina. His hand is gently gripping my wrist when he let go of it noong nasa harap na kami ng mesa. He is still on his knitted brows when he sat.
"Alam mo, pabebe ka." I mumbled when I sat on the chair infront of him.
When his glare landed on my eyes, napakamot talaga ako sa noo ko. "Ehe. Joke lang, 'to naman!" I lift the plate and place two sunny side up on his plate. "Kumain ka na nga lang!"
Nakabusangot pa rin talaga siya na parang bata noong magsimula na siyang kumain. Ako naman, parang tanga. Gwapong-gwapo pa rin sa kanya!
"How was it?" I asked him. Kumakain na rin ako.
"It would be nice if hindi ito para kay Ezra." He shortly replied.
"Bakit ba ang init init ng dugo mo d'on?" I asked. Hindi lang naman kasi talaga kagabi ang incident na uminit ang dugo ni Liv kay Ezra. Simula talaga noong maging magka-loveteam kami, para talaga siyang menopausal lady kapag dumidikit sa akin si Ezra!
"Because he is a fuckboy."
"Oh, ano naman kung fuckboy?" I nonchalantly said while munching my food.
He turned his eyes on mine. Our eyes are connecting when he said, "I am just protecting what's mine."
Ano daw?!
Bugtong na naman ba ito?!
"Nagseselos ka ba?" I am staring at him as if he is a deadly riddle.
He tore his eyes away, tapos ay kitang-kita ko kung papaanong umalon ang Adam's apple niya. "Kapal."
Muntik ko na talaga siyang masapak!
Masamang magtanong?!
Siraulo talaga 'to!
"You know what? Kumain ka na lang. Sarap ng food, 'no?!" I am smiling sarcastically at him.
To my surprise, he nod his head! "Pwede na." Ano na Liv?! Pwede na ba?! Pwede na ba kitang asawahin?! Charot!
"Pwede nang ano?" Sabihin mo asawahin, bilis! Lalapain talaga kita dito sa mismong mesa!
"Pwede ka nang maging taga-dagat. Bakit ang alat nito?"
My jaw hits the floor. Bakit ganito siya?! The last time na kumain naman siya dito, wala siyang reklamo sa niluto ko?! Aminado akong maalat nga 'to, pero bakit naman kailangan pang sabihin?!
I am glaring at him as he continue to eat. Ungrateful!
***
Noong matapos na kaming kumain ay nagmadali na akong maligo. It was probably the fastest school preparation that I ever did on my entire life. Ewan ko ba, bigla akong na-pressure dahil hinihintay ako ni Liv.
It was seven thirthy o'clock when I went out of my room. I am already wearing uniform. My subtle make up was nicely done. Hindi ako nag-abalang magkulot uli dahil alam ko namang i-bi-big deal na naman 'to nina Hendrix at Ysabelle!
"Late ka na." Ang bungad sa akin ni Liv. Naknampochi.
"Alam ko." I pout.
"Let's go." He mumbled as he direct his way towards the door.
Katulad ng nakagawian, wala siyang imik hanggang sa makapasok na kami sa elavator. Wala pa rin talaga siyang imik noong makarating na kami sa parking lot.
When we are already inside the car, kinausap ko na siya. For the whole drive, punyemas, puro tango lang at one wordang sagot niya sa akin! Mabuti na lang talaga at mahaba ang pasensya ko pagdating sa crush ko!
"So, anong favorite mong element sa Periodic Table?" I continued asking him. I chose that topic para kunwari, matalino talaga ako.
"Hydrogen."
"Hydrogen? Bakit iyon?"
He gave me an irritated glance. "Trip ko lang."
"Gusto mo kasi trip mo lang?"
He nodded his head.
Ganoon pala iyon? Hala, Liv?! I-trip mo ako, please! I-trip mo ako! Pag-trip-an mo na ako! Punyemas na 'yan?!
Para akong tangang nakangiti noong huminto na ang kotse niya sa tapat ng SHS Building. "We're here."
"Right." I nod, still smiling wide.
"Beep me up kapag uwian niyo na."
I was the quickest to turn my face on him. "And why?" As far as I know kasi, iniwan ko dito iyong kotse ko so wala nang rason para ihatid niya pa ako pabalik sa condo unit ko.
"Wala ang kotse mo dito. I told Manong Boying to get it for you."
Ano?!
"How did you get his number?"
"Mother Lizly." He is still staring right into my eyes. "Concern lang ako. Baka kasi maulit na naman iyong nangyari dati. Knowing your paparazzi, they are really crazy for you."
"Alright." I wince. Yeah, may point siya. Last month kasi, may nagkabit talaga ng hidden camera dito sa loob ng kotse ko!
"Thanks." I gave him a genuine smile. Knowing that he care for me is a lot for me to breathe. "Pasok na ako, ah? See you later--"
He cut me off, "Can you sleep on my unit tonight?"