#BTSEp9
"Let me in." Said by Liv. Still staring at me with a dry look.
I was on my quickest pace to give him space inside. Ewan ko ba, basta siya ang nag-salita, payag agad ako. Ang rupok talaga ni gaga.
Noong pumasok na siya ay napapangiwi akong isinara ang pinto. Then I followed him to my sofa where Ezra is situated right now.
The moment Ezra saw Liv, he gave me a knowing grin. "Wow, look who's here. It's your local baby boy heart throb, Liv!" He stood up. He is about to give Liv a fist bump when he was rudely ignored by him. Walang pakialam si Liv na umupo sa kabilang side ng sofa.
Napakamot na lang sa batok si Ezra. Then he mouthed me, "I will hit this guy."
I only gave him a glare.
Hindi ko talaga kinaya noong ang space na lang sa sofa ko ay iyong gitna. Umupo na ako. Tapos parang tanga, nag-imagine akong nasa korean drama tapos pinagaagawan ng dalawang leading man.
Ay jusko! Grace! Imagine pa, kaya quotang quota sa sakit lagi, teh?!
Patago akong napapabungisngis noong nagpatuloy na ako sa panonood ng The Lovely Bones. A moment came, dahil ako nga si Grace, hindi ko napigilan ang bibig ko.
I turn my face towards Liv's direction. "Naubos na kasi iyong pizza. Gusto mo, pagluto na lang kita ng instant ramen?" Wala sanang ma-issue. Concern lang ako. Iyon lang. Nakakapagod kaya ang mag-shoot.
Naka-kunot noo lang siyang umiling. Hindi man lang siya tumingin sa akin, punyemas!
I pursed my lips. Muli akong nanood. And for the whole watch, hindi ko namamalayang kinuwento ko na pala kay Liv ang mga mangyayari! Siya naman ay kunot-noo pa ring tumatango sa akin! Jusko, na-stroke ka ba teh? Hindi kayang lumingon sa 'kin?!
"Nandoon kasi talaga iyong bangkay ni Sussie sa parang bukid," pagpapatuloy ko.
But the annoying form of a person named Ezra cut me off, "Patayin na lang kaya natin iyong TV? Kwento mo na lang sa amin?"
Then Liv cut him off, "Let her do what she wants."
Napakurap ako nang ibaling niya ang tingin kay Ezra. Swear, natakot ako nang slight. Para ba namang manlalapa 'to anytime! Kung manlalapa lang naman siya, 'wag na si Ezra. Kawawa naman. Ako na lang! Ako na lang talaga. Magpapalapa ako sa kanya voluntarily! Char.
"Tss." Iritadong sambit ni Ezra sa kalagitnaan ng movie. Sa isip-isip ko, ang ganda ko talaga kapag sila nagsuntukan nang dahil sa akin.
Pinili ko na lang na manahimik habang nanonood. The last thing that I want to see is Liv strangulating Ezra for me. Baka dahil sa kilig ko, hayaan ko na lang talagang mamatay si Ezra. Char point two.
For the rest of the movie, Ezra is effin shouting. May mga suspense kasi na scenes. Kabaligtaran siya ni Liv na no reaction. At ako, parang hindi na talaga iyong movie ang pinapanood ko. Si Liv po talaga. Opo. Ang rupok ho, ano po?!
Naknampochi naman, Grace.
But it was the ending scene of the movie when I started to cry. I was sobbing like a child. Ilang beses ko nang napanood 'to pero bakit napapaiyak pa rin ako?!
Tapos para talaga akong baliw noong tinapunan ako ni Liv ng panyo sa hita ko. Nakangiti ako habang umiiyak. Iyak tawa ampochi! Parang hindi nasaktan kanina sa set?!
Si Ezra naman ay parang tanga habang inaasar ako. Ang yabang ko pa kasi kanina bago magsimula ang movie. Inaasar ko siya na baka umiyak siya sa ending. Nakipagpustahan pa talaga ako sa kanya.
Kaya ang ending? Eto. Talo.
Jusko, talo na naman ako? Talo na nga ako kay Liv, pati ba naman kay Ezra?! Char point three.
Nagkautang tuloy ako ng dare sa kanya! And knowing Ezra. Sobrang effort niyan sa pagiisip ng pangmalakasang dare. Hindi ko talaga sure kung kakayanin ko iyon ngayon. Pero sinabi niyang sa susunod na araw na lang daw niya gagamitin ang panalo niya. Which actually, frightened me the most kasi meaning, marami pa siyang time para makapag-isip ng brutal na dare!
Bahala na nga.
"Uwi na ako." Humikab si Ezra. "I gotta go sleep na. Peace out." Parang tanga, ginawang camera ang noo ko. Inahampas niya talaga ang palad niya doon. Nawala tuloy ang antok ko!
Iwas about to hit him when he suddenly run towards the door. Noong binato ko siya ng floppy slippers ko ay naisarado na niya iyong pintuan.
"Para talagang baliw ang lalaking 'yon." Naiiling kong sambit.
"Why are you letting other guy to just come inside your unit?" Said by Liv all of a sudden. His tone is still dry.
I was blinking when I turned my face at him. He only arched me an eyebrow when my gaze turned confusely.
"He is my bestfriend. You know it, right?"
He nodded. Then he turned his gaze away from me, "Well, I hate it now. Ayoko nang may ibang pumupuntang lalaki sa condo mo maliban sa 'kin."
Aba?! Jowa ka teh?! Pero . . . pwede naman?!
"Err?"
Then he only let out an exasperated sigh. Napailing na lang siya noong itinuro ang sofa ko. "I'll sleep here."
"Bakit?"
"Why? You want Ezra to sleep here instead?" Kumunot na naman ang noo niya. Nakakainis na ang gwapo niya talaga kahit nakabusangot!
"May sinabi ako? Apaka judgmentalist?! Nag-aral ng judgementalism?!"
"Tss." ang tanging nakuha ko sa kanya noong hinubad na niya ang . . . oh my god, Grace 'wag green minded! . . . sapatos niya.
"And I will drive for you later. I-hahatid kita sa school. Gisingin mo ako before mag-eight."
"Ay teka, bago na pala ang driver ko? Ikaw na pala? Hala, bakit mo pinalitan si Manong Boying?!" Pagbibiro ko.
"Bakit, si Ezra ang gusto mong maghatid sa 'yo sa school?"
Bakit ba laging sinisingit nito si Ezra?! May crush ba siya sa suraulong iyon?! Naknampochi naman!
"May sinabi ako?!"
Sinimangutan niya naman ako. "It's either you ride with me or you will commute."
What's with him?
What's with the sudden controlling demeanor?
Bakit napaka-possessive naman yata niya bigla?
PS Men ka ghorl?!
"Go to your room. Matutulog na ako." He only came. Still giving me a cold stare.
"Okay po, daddy. Good night po." Nag-pacute ako. At leche, feeling ko talaga ay sasapakin niya ako noong tinignan niya ako na para bang naki-cringe sa lumabas sa bibig ko!
Napatakbo tuloy ako sa pinto ng bedroom ko. Natatakot talaga akong baka sapakin niya nga ako! Then I was about to enter inside my bedroom when all of a sudden, I heard Liv.
"Sleepwell, baby." He said with a mocking tone.
Shutainamers! Halos manghina talaga ang tuhod ko noong isara ko na ang pinto! Gusto ko na lang talagang gumapang papunta sa kama ko! Paanong gapang?! Iyong katulad nung kay Sadako?!
Naknampochi ka, Liv! Balak mo ba akong papasukin sa school nang walang tulog?!