#BTSEp8
Pinilit kong ngumiti noong magbaling ng tingin sa akin si Aless. I tried to be cheerful. I tried pulling out the yellow in me kahit na ang totoo, durog ako deep inside. And I succeeded. Artista nga ako. Magaling akong umarte.
"How are you, Asia?" She mumbled as she pulled me for a hug. Napaiwas ng tingin si Liv nang magtama ang mga mata namin.
Patago akong nag-buntong hininga. "I am fine. How about you?" Ang peke peke na ng ngiti ko. Nakakainis.
Bumitaw na si Aless sa pagyayakapan namin. "Glad you're fine. You have to be in good mood. Balita ko kasi, masakit ang next scenes niyo, eh."
Right. Kaya last night, I was instructed by Direk Samsy to watch sad movies. Dapat daw ay malungkot ako ngayong araw. Pero dahil ako si tanga, kilig na kilig dito kay Liv, hindi ko nagawa.
But should I be thankful na nandito si Aless? Kasi kung wala siya, baka hindi ako malungkot ngayon? Baka kilig na kilig pa rin ako kay Liv kahit alam ko namang hanggang doon lang ako? Hanggang kilig?
"Punta na muna ako sa tent ko, ah? Kakain muna ako." I excused myself kahit na wala naman talaga akong ganang kumain.
When Aless nod her head, that was the cue for me to exit the picture. Wala pa ring imik si Liv noong nilagpasan ko siya.
Sa labas ng tent ay peke ang ngiti ko sa mga staff na nadaraanan ko hanggang sa makarating na ako sa tent ko. And there, I saw Czearine. Sleeping silently on my foldable bed. It's already nine in the evening. Napagod siguro 'to sa school. Hindi ko na lang siya ginising.
Naupo na lang ako doon sa harap ng make-up mirror ko. Then I grab my script from the drawer. I was really not on the mood to memorize my script. I usually don't go on set nang hindi kabisado ang mga linya ko. Pero dahil nga ako si tanga point two, nakalimutan ko 'to kasi nga, busy akong kiligin kay Liv.
Ang tanga-tanga.
Nagsimula na akong basahin ang script. And the moment I saw my lines, napakurap na lang ako.
Shit ka talaga, Liv.
Shit.
Isa kang malaking shiyet.
***
I was wearing a school uniform. Navy blue na palda at puting blouse. Ang usual na uniform sa shoot. Ngayon ay nakatayo ako dito sa gitna ng kalsada. Madilim ang set. Tanging dim lights lang ang makikita.
Katatapos lang kaming i-brief ni Direk Samsy about sa eksena. Pumasok muna si Liv doon sa tent niya para uminom ng tubig.
Busy si Czearine sa pag-re-retouch ng foundation ko nang lumabas na uli si Liv mula sa tent niya. Katulad ko ay naka-school uniform na rin siya. White polo at itim na trousers. Nakakainis na ang gwapo niya pa ring tignan kahit nakagan'on lang siya . . .
"Okay, quiet on the set! We will start the shoot now!" Sambit ni Direk Samsy mula sa megaphone niya. Doon ay agad na lumayo sa akin si Czearine. Kasabay iyon ng pagtahimik ng set.
Now, I am standing alone with Liv. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makatingin ng ayos sa akin.
Ano bang problema nito?
As if naman may kasalanan siya sa akin? As if naman kasalanan niyang na-fall ako sa kanya kahit hindi naman dapat.
Ang tanga lang ng sitwasyon.
Katulad ko. Sobrang tanga.
"Ready na ba kayo, Liv and Grace?" Tanong sa amin ni Direk Samsy. Tumango lang ako sa direksyon kung saan ko siya naririnig. Hindi ko naman kasi siya maaninag dahil sa ilaw na nakaharap sa amin ni Liv.
"Okay," pagpapatuloy niya. Na sinabayan ko naman ng paglunok ng laway. Kinakalma ang sarili. Hinahandang ibigay ang tamang emosyon para sa eksena.
"Lights, camera . . ."
For the last time, I took a deep breath.
"Action!"
"Cygny, mag-usap naman tayo. Please . . ." I turn my back on Liv. Matapos ay hinigit niya ako sa braso kaya marahas akong napaharap sa kanya.
"Ano ba, Hue?!" Pinilit kong makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak pero sobra ang kapit niya. Hindi ko kayang palagan. "Ano pa bang pag-uusapan natin?"
I glare at him with my bead of tears. "Ano?!"
"We need to talk about us--"
I cut him off. "There was never an us!"
Sa sinabi ko ay biglang lumuwag ang pagkakakapit niya sa akin. "There was never an us, Hue! Alam mo 'yan, alam kong alam mo 'yan!"
He is staring at me with his eyes mirroring the pain on his heart. Hanggang sa napa-buntong hininga na lang siya.
"Akala mo ba, madali lang sa akin 'to?!" I threw my hand between us. "No! It will never be easy for me to love someone who has uncertain love for me!"
"Mahal kita, Cygny." His voice is low and timid. Conviction is never evident on it. "Mahal na mahal . . ."
Hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko. Unti-unting nabasag ang boses ko. "Anong sabi mo? Mahal mo ako? Mahal na mahal?" Ngumiti ako sa kanya. Pero lungkot lang ang makikita sa mga mata ko.
"Mahal mo ako pero bakit mo ako ginaganito? Mahal mo ako pero bakit gan'on? Bakit parang pinapaasa mo lang ako sa wala? Bakit parang bored ka lang kaya heto, ako iyong ginugulo mo."
Muntik na akong mag-panic. Hindi talaga kasi iyon ang nasa script. But because I was already trained for this shocking situation, nagawa kong mag-segue para mabalik ang sarili sa tamang linya.
"Bakit parang . . . para na akong tanga dito. Umaasa sa wala." Isang beses akong humakbang papalayo sa kanya. "Umaasa kahit wala namang dapat asahan . . . kasi bakit? Kasi hindi mo naman talaga ako mahal. Mahal mo lang ako kasi wala kang choice."
Ngayon, kitang-kita ko kung papaanong mag-unahan iyong mga luha ni Liv pababa sa kanyang pisngi. He is watching me as if begging for my second chance.
Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng mga palad ko. "Mahal mo lang ako kasi . . ." I hold my lower lips. I am avoiding myself to sob more, "kasi ako iyong nandito. Ako iyong handang magpakatanga sa 'yo . . ."
Patuloy na nanahimik si Liv. Hanggang sa hindi na niya ako pinigilan noong mabagal akong lumakad papalayo sa kanya. Patuloy ang luha ko sa pagbuhos nang nagsimula na akong talikuran siya. Matapos ay ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi mapatingin sa camera na mismong nasa harap ko.
"And . . . cut!" Halos mag-fangirl na sambit ni Direk Samsy.
Nagsimulang magliwanag nang muli ang set. Pinapalakpakan kami ng mga staff noong tuluyan nang lumiwanag ang buong paligid.
Ako naman ay nahihiyang nakangiti sa kanila habang pinpunasan ang mga luha ko. Nakakainis! Masiyado yata akong nadala sa eksena? Relate na relate ka, teh?!
"Mag-ready ka na ng speech for your fifth best actress award, Grace. Diyos ko kang bata ka, nangigigil ako sa 'yo!" Pagbibiro naman ni Direk Samsy habang lumalapit sa akin. Nagsasalita pa rin siya gamit iyong mga megaphone.
I only smiled politely at her. Nahihiya talaga ako kapag pinupuri nila ako nang ganito! Ayoko na!
"Oh, siya. Pwede ka nang umuwi. Wala ka nang scene for tonight. Maiiwan dito si Liv for his scenes."
"Okay po, Direk. Ingat po kayo sa pag-uwi, ah?" I am still politely smiling at her.
"You never changed, ikaw talagang bata ka." She pulled me for a hug which rewarded her a tight one from me.
It was few moments noong magpaalam na ako sa kanila. Hindi na ako nakapag-paalam kay Liv dahil nagsu-shoot pa siya. Sinabi ko na lang kay Aless na sabihin kay Liv na umalis na ako. Sa isip-isip ko, as if namang hahanapin ako ng lalaking 'yon?!
Noong nasa biyahe na kami, sinabihan ko si Czearine na umuwi na lang sa bahay namin sa Las Piñas. Sinabi kong 'wag na siyang sumama sa sa shoot namin bukas dahil mukhang gagabihin na naman kami. Ayoko kasi talaga ng napupuyat siya dahil sa akin. Kung pwede nga lang, 'wag na siyang mag-trabaho for me, eh. Masiyado lang kasi siyang bata para magtrabaho.
Ang loka, ayaw pang pumayag noong una. Mabuti na lang talaga at nag-galit-galitan ako!
Ilang oras ang nakalipas ay nagpababa na ako doon sa driver ko sa tapat ng building ng condo unit ko. Hindi ko na ginising si Czearine dahil himbing na himbing ang loka. Sarap na sarap, teh? Sana all?!
I bid my endless good byes and genuine take care to Manong Boying when I finally went inside of the building. Noong makarating ako sa lobby ay si Ezra agad ang bumungad sa akin. Wearing a jersey shirt and a gray jogger pants. Kulot na kulot ang buhok ng loko.
"Ano ba 'yan. Pagod na pagod na ako tapos mukha pang bakulaw ang bubungad sa akin dito?!" Pabiro ko siyang sinimangutan.
He gave me a playful poker face. "Pasalamat ka, maganda ka."
I laugh. "I know." Then I jokingly rolled my eyes.
"Kagagaling mo lang sa shoot?"
I nod my head at him. "Yep. Ikaw? Himala yatang wala ka sa club ngayon?"
Palibhasa kasi, hindi sila mag-jowa ni Ysabelle in real life kaya heto siya malayang-malayang gawin ang lahat. Laman lagi ng clubs iyang lalaking 'yan, eh! Tapos hindi rin dumadaan ang gabi na wala siyang inuuwing babae sa condo unit niya. Fuckboy! Kaya I never dare myself to enter his unit. The last thing that I want to see is his used condom!
"Hindi ka rin pala artista. Judge ka rin pala."
"Whatever." Inirapan ko na naman siya nang pabiro. Lumakad na ako papuntang elevator. Nilagpasan ko siya. Pero nagulantang na lang talaga ako noong makitang sinundan niya pala ako sa loob ng elevator!
Nakasimangot ako sa kanya.
He turned his attractive round eyes on me. "Bakit?"
"Anong binabalak mo?"
"Bakit ba ang sama-sama ng tingin mo sa akin lagi?" He chuckled. "Mukha ba akong kriminal? Mukha ba akong adik sa kanto?"
"Oo."
Sinimangutan niya rin ako. "Rude."
Sakto namang bumukas iyong elevator. Nagmadali na akong naglakad papunta sa unit ko. Si Ezra naman ay parang bata akong hinahabol.
"Hey, I am bored! Let me hang out with you!"
I faced him. "Doon ka sa club! Hinayupak kayong mga lalaki! Ako talaga ang puntahan kapag bored? Ano ako? Amusement park?! Roller coaster?! Ferris wheel?! Merry go round ka, teh?!"
He is now staring at me with a disgusting look. "Hey, I am not Liv. Stop throwing me the tantrums."
"Heh!"
"Let me hang out with you for now. Please. I am bored as hell."
"Ayoko nga!" Inabot ko iyong card ko at sinwipe iyon sa pintuan.
"Libre kita ng pizza."
Natigilan ako saka naka-poker face na tumingin sa kanya. "Shawarma flavor?"
"Uh-uh." He is nodding while smiling boyishly.
I rolled my eyes. Obviously giving up. "Okay."
***
When the pizza already arrived. The first thing that I did was to take a picture of it. Pero dahil sa epal si Ezra, nag-pumilit siyang isama siya sa picture. Kaya wala talaga akong nagawa noong agawin niya sa akin ang cell phone ko. Napilitan na lang akong ngumiti habang hawak-hawak iyong isang piraso ng pizza noong hinarap niya sa amin ang front camera.
That picture was the one I posted on my IG stories. Which was probably my first time with Ezra. Wala talaga akong sinasamang ibang lalaki maliban kay Liv sa IG stories ko para iwas issue. Pero wala naman sigurong masama. Alam naman ng public kung gaano ka-strong kuno ang relasyon namin ni Liv.
It was already three in the morning when we started the second movie on Netflix. The Lovely Bones. Naubos na namin lahat ng pizza. Nakasalansan ang mga box sa sahig samantalang si Ezra ay tahimik na nanonood sa tabi ko. Pupusta talaga akong iiyak 'to sa ending ng movie na 'to.
Nagpatuloy ako sa panonood ng biglang may mag-door bell mula sa pintuan ko.
I nudge Ezra's shoulders.
"Ano?" He told me, a bit annoyed. Attitude?!
"May tao sa labas."
"Anong gagawin ko? Unit ko ba 'to?"
Sinimangutan ko lang siya. Hindi talaga 'to gentleman!
Padabog na lang akong nagtungo sa pintuan. Katulad nang nakagawian ay sumilip muna ako sa peephole. At nagulat talaga ako nang malala noong makita kung sino ang nasa labas!
Paanong gulat? Iyong nabuksan ko agad iyong pinto?!
"Liv?"
He is now staring at me with his cold eyes. Nakasuot siya ngayon ng sandong puti. Suot niya pa rin iyong itim na pantalon mula sa shoot namin.