Episode 14

1581 Words
#BTSEp14 When I woke up, I was welcomed by the plain white walls. Sobrang aliwalas ng kwartong ito. Heaven. Ngiting-ngiti ako noong niyakap ko na ang unan ni Liv. Matapos ay inamoy-amoy ko ito. s**t talaga. Bakit ganito?! Bakit pati amoy niya, ang gwapo?! It was so minty and manly at the same damn time. Heaven. Ngiting-ngiti pa rin talaga ako noong dumapa ako sa kama. I am now facing the bed. Hindi na talaga nawala ang ngiti sa labi ko noong bahagya kong nilalamukos ang bed sheet ni Liv. Heaven. Bakit kasi hindi pa siya natulog sa tabi ko?! Puro pagbabanta?! Hindi naman ako papalag?! Char. Bumingisngis ako nang parang baliw noong niyakap kong muli ang unan ni Liv. Imagine, dito natutulog si Liv. Tapos soon, magkatabi na kami dito--ack! Kumalma ka, Grace! Kaya ka talaga nasasaktan! Punyemas ka! Tumayo na lang ako at nag-inat. Baka kasi kung saan pa pumunta ang madumi kong utak. When I went put of the room, I was welcomed by the smell of pancakes. Ang sarap ng amoy pero mas masarap iyong nagluluto-- ano ba?! Right now, Liv is busy with the pancakes. He is wearing a gray jogger pants but he is not wearing a shirt. Tanging manipis lang na puting apron ang nakatakip sa itaas na bahagi ng katawan niya! His broad chest is evidently flashing on my eyes. Natatanaw ko rin ang abs niya mula sa apron. Kitang-kita ko rin ang maskulado niyang biceps. It was proudly flexing as he put the chocolate syrup on the top of the pancakes. And my core started to feel the heat when my eyes landed on the veins on his arms! Heaven. Hindi talaga ako magsasawang ngumiti kung ganito kagandang view ang bubungad sa akin lagi! Lord, bigay mo 'to sa akin. Please. Papakabait na po ako. Hindi ko na po babatukan si Ezra lagi. Magiging mabait na po talaga ako. Lord, baka naman po?! "Good morning," Liv said when his gaze darted to my face. Then I saw how he smiled for like feels like a second. I was smiling the sweetest smile of my life when I started walking towards him. Umupo ako sa matangkad na upuan sa tabi ng kitchen island. Sakto namang para bang matatapos na siya sa ginagawa niya. Ngayon ay nag-i-scoop na siya ng ice cream. "Para sa akin 'yan?" I am twinkling my eyes as I watch him put the circled ice cream on top of the pancake. "Uh . . ." Para bang nahihiya pa siya noong tumango siya. He looked away when my twinkling eyes met him. Parang shira! "Tinry ko lang. Sayang kasi iyong pancake powder sa cabinet. Baka ma-expire nang hindi ko kinakain." He is still looking away. "Good thing, there's Youtube. I made something edible for the first time." "First time mo talagang mag-luto ng ganito?" Nagniningning pa rin ang mga mata ko. Mahihiya talaga ang mga stars! He coughed artificially then continued putting scooped ice cream on top of the other pancake. "Yeah." He is trying to sound boring but he is obviously failing. "At para sa akin lang talaga?" Kaunti na lang talaga, mapupunit na ang labi ko sa sobrang ngiti ko! He didn't answer me. He only slid the plate infront of me. "Ang ingay mo. Just eat." Then I heard him produce, "Tss" before he gave me a small smile! Mabilis ding naglaho iyon dahil ewan ko ba dito, ayaw pang aminin na happy pill na niya ako! Parang bata, I started to dig in the food. I am really excited noong isinubo ko na ang pancake na may chocolate syrup at vanilla ice cream. And pakening shiyet . . . Kung gaano kasarap iyong nagluto, ganoon din iyong niluto?! Halos panghinaan talaga ako sa lasa. Eng sherep. Okay na okay lang talaga sa akin na maging happy pill niya ako, basta siya ang magiging happy meal ko! Charot! "How was it?" He asked me. For a moment, his eyes looked worried. But his face was so quick to brighten up when I told him, "It tastes like heaven." Ngiting-ngiti ako habang patuloy sa pag-subo. I saw him secretly heave a relieve sigh. Matapos ay nakangiti na rin siya noong magsimulang kumain. Ako naman, enjoy na enjoy dito sa pagkain habang tinitignang ngumiti ang kakainin ko mamaya-- hoy ano ba?! "You are smiling again." He finally said after a moment of silence. Hindi na talaga kasi ako makapagsalita dahil sa saya. Liv preparing something for me is a scene that will never cross my mind. Para bang nasa cloud nine pa rin ako ngayon, eh. "Masama ba?" I playfully rolled my eyes as I eat the last bit of my pancake. "Nope," his face went back to his usual arrogant self, "pwera na lang kung hindi ako ang dahilan." Prung tenge! "Ewan ko sa 'yo." Pagpipigil ko ng kilig noong uminom na ako ng orange juice. I heard him chuckle. Matapos ay kinuha na niya iyong plato ko. Ipinatong niya iyon sa kanyang plato. Then he stood up. He directed his way towards the sink. Kaya heto ako si gaga, kilig na kilig habang tinitignan kung papaanong mag-flex ang mucles niya sa likod! Nagpasya na lang akong sundan siya bago pa ako magkasala sa mga iniisip ko. I stood on his side, siya naman ay inilalagay ang sandok at pan sa tabi ng lababo. "Buti ka pa, ang independent mo na." I started a conversation. He only glance at me. "Bakit? Ikaw rin naman, ah. Mag-isa ka lang sa condo unit mo." I scrunched my nose. "Pero si Czearine pa rin ang nag-aasikaso sa lahat. I really don't know how to move independently. Feeling ko, magkakamali ako sa lahat ng ginagawa ko." I pout. "Katulad na lang niyan," I pointed my lips on what he is doing, "Madali akong ma-stress kapag sobrang dami ng huhugasan na pinggan. Hindi ko talaga kinakaya kapag ayaw maalis noong amoy diyan." He faced me, "You don't know how to properly wash the dishes?" I nod and wince. "Sort of." Then he flashed me a boyish smile, a rare scene from his face. "I'll teach you how." Tatanggi na sana ako nang bigla niya akong hinila sa harap sink. At napakurap na lang talaga ako noong pumwesto siya sa likuran ko. Right now, I can clearly feel his hot breath on my neck when he said, "Madali lang 'yan." I gulped so hard. Shit. Nanghihina ako! Then I felt his hands running from my arms up until he met my closed to trembling hands. Nakabukas iyong gripo noong dinala ni Liv ang kamay namin doon. I felt the cold water as it fought with the heat I am feeling on my system. Matapos ay kinuha ni Liv iyong sponge. He made me hold it. Then kinuha niya iyong diswashing liquid. Ibinuhos niya iyon sa sponge. Iyon ang dahilan kung bakit biglang dumulas ang kamay ko. Napapakagat na lang talaga ako sa ibabang labi ko noong hinawakan niyang muli ang dalawang kamay ko. At hindi ko na talaga kinakaya ang mga pangyayari noong maramdaman ko na ang dibdib ni Liv. Dumikit na iyon sa likod ko. "Here, kailangan mo lang diininan iyong pag-dikit ng sponge sa gitna ng pan." Halos malagutan talaga ako ng hininga nang maramdamang kong humihigpit iyong paghawak ni Liv sa kamay ko. It was a gentle rough. I effin loving it . . . "That way, mabilis na mawawala iyong amoy." Hindi na talaga ako nakikinig sa kanya. All I can hear right now is the loud beat that my heart is producing. Nagwawala ito sa sobrang kilig. At iyong sayang idinudulot nito? Nakakapanghina talaga. "Okay na?" He asked me when he let go of my hand. Pero hindi pa rin siya umalis sa likod ko. He only put his hands on both of my sides. Right now, he is gently leaning against my body. I just nod at him. Hindi na talaga ako makapagsalita! "Good." I heard him chuckle. "Now, do it with yourself. I want to see you do that." I did what I'm told. Ginawa ko iyong ginawa niya kanina. Pero nanghihina talaga ako at wala sa tamang huwisyo. Sa halip na diinan ko ang pag-dikit ng sponge sa pan, pinaikot-ikot ko lang talaga iyon! "Hindi ganiyan." I heard him tsked. Hinawakan na naman niya ang mga kamay ko. It sends an inevitable jolt of electricity within my system! Humigpit na naman ang hawak niya sa mga kamay ko. Dinidininan na niyang muli ang pagdikit ng sponge sa pan gamit ang kamay ko. When he let go of my hand again, he told me, "Ikaw nga. Let me see." Pa-sikreto akong huminga nang malalim dahil 'day, hindi ko na talaga kaya! I tried my best to immitate what he just done earlier. I really wish na tumama na ako kasi ayoko namang magmukhang tanga! "Ganito ba?" I faced him. Then shocked was evident on my eyes when I realized that our face are dangerously close with each other. I was breatheless when our eyes began to connect as if it's a fate. We are practically just staring at each other's eyes when he started moving his face closer to mine. On that specific moment, my lips is doing a welcome party just for him. That specific moment, I knew I was ready for my first kiss. Pero nabagsak ko na lang talaga sa metal na lababo iyong pan noong marinig kong biglang bumukas ang main door! Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD