Episode 15

1715 Words
#BTSEp15 When the pan crashed to the metal sink, it produced a loud bang all over the unit. I saw how Liv irritatedly closed his eyes before he turned his face towards our behind. "It's getting hot in here." I heard a familiar deep voice. Carlise?! I also turned my face at him. The hell?! Si Carlise nga?! Bestfriend ni Liv. Vocalist siya ng bandang Metamorphosis. Siya iyong pinakaiinisan ko talaga sa lahat ng mga kaibigan ni Liv! Wala kasing ginawa ang hampaslupang iyan kung hindi ang asarin ako. Lagi niya akong sinasabihan na asadong asado ako kay Liv! Alam ko naman na totoong ako lang iyong umaasa sa aming dalawa pero bakit ang sakit naman yata ng jokes niya?! "How did you even get in here?" I was puzzled as I tried to disregard the blush on my face. Grace, kalma! Tapos na! Bitin ka na naman-- char! Carlise showed me the duplicate card. "Ikaw, bakit ka nandito? Hindi ka naman girlfriend ni Liv." He gave me a knowing and teasing grin. "Uhm," I tried to think of a convincing reason to escapade myself from my not-so-good situation, "naki-kain lang ako. Ano ba! Alam mo namang hobby kong maki-kain." Hinampas ko ang hangin. "Wala 'to, Mars. 'To naman, ang daming iniisip sa buhay." "Dito siya natulog." Liv said as he threw me a cold look. Para siyang batang nagtatampo dahil idineny ko siya! Ano ba, Liv?! Bakit ka ganiyan?! "Ooh," Carlise finally sat his guitar on the table. Matapos ay nakangiti siyang tinataas-baba ang kilay sa akin noong umupo siya. Ngayon, para niya kaming ini-interrogate sa pamamagitan lang ng pagtingin nang may nakakalokong ngisi. "Hoy! Disclaimer, walang nangyari sa amin!" Kung malapit lang talaga ako diyan kay Carlise, kanina pa siya na-comatose! I was really suprised when Liv rewarded me an amusing smile. Aba, enjoy na enjoy yata 'to sa pulang-pula kong mukha?! "The fact that Liv is finally smiling after god knows weeks just means something." Carlise acted as if may hawak siyang pandilig. Obnoxiously, he raised his one hand. He acted as if tumayo iyong index finger niya dahil sa imaginary pandilig niya! "Abnormal ka talaga!" Lumapit ako sa kanya at pinaghahampas siya. Siya naman ay para bang nakikiliti sa bawat paghampas ko. Naknampochi! "Hey, stop it. Hindi ko naman ipagsasabi sa iba. Ako lang ang makakaalam nito-- aray!" He continued to laugh. Nasaan ang baril?! Oras na para maging kriminal?! "Wala nga kasing nangyari--" Liv cut me off. "Meron sana kung hindi mo kami inistorbo, 'tol." Nanlaki talaga ang mga mata ko kay Liv. Paanong laki? Halos lumuwa talaga ang eyeballs ko, veh! Lalong lumakas ang tawa ni Carlise. Ako naman ay tinitignan si Liv as if saying, lalo akong aasarin nito, nyeta ka! He only gave me a shrug when he turned his back at me. Then he continued washing the dishes. Nakakainis! Pero nakakakilig! "Kumalma ka." Hinila ako ni Carlise paupo sa tabi niya. "Wala talaga akong pagsasabihan about this. Alam mo namang," he gestured his fingers as if quoting, "Team LivAce Forever ako, 'di ba?" "Malay ko sa 'yo!" I rolled my eyes at him. Hindi ko alam kung ba't ako naiirita sa kanya. Dahil ba inaasar niya ako o dahil siya ang dahilan kung bakit ako nabitin?! He chuckled. "By the way, nasaan na ang PA mo? Hindi mo kasama?" I poker face at him. "At bakit mo naman hinahanap?" Dinuro ko siya. "Hoy, Carlise. Sinasabi ko sa 'yo. Junior High School pa lang iyon, College ka na. Sasapakin talaga kita." He smirked at me. "Sa nagmamahalan, walang edad-edad. Kapag mahal mo, mahal mo talaga." "I will hit you!" Sa sinabi niya, baka i-kulong ko na lang talaga si Czearine sa kwarto niya!?! Ipag-home study ko na lang kaya siya?! Siya naman ay nagpatuloy lang sa pagtawa hanggang sa umupo na rin sa tapat namin si Liv. Nakakainis na magmula nang lumakad siya at makaupo ay hindi niya talaga inaalis ang mga mata sa akin. Liv, bigla ba akong mawawala dito?! "Have some plans for today?" He asked. Still giving me a stare that could melt me alive. I tried to not mind the butterflies on my stomach. But I really can't. I am looking away from moment to moment when I responded, "Uh . . . yes. Ngayon kasi ang uwi nina Mom and Dad. Alam mo na? My debut is approaching, my Mom wants all the best for me kaya she really want to see my plan personally. Gusto niya ring makausap nang personal ang mga event coordinators na hi-nire ko." Liv only nod slowly. "Oops, here we go to the poor and rich love story . . . again." I heard Carlise and that earned him a glare from me. Truth was, my Mom never wanted Liv for me. He only see him as an instrument for my fame. Galing kasi sa hirap si Liv. Hindi talaga mayaman ang pamilya niya. And my Mom hates it. She wants me to marry a heir or something. That is why she really hated the idea of our on-screen relationship. Naalala ko nga noon, Mother Lizly has to visit her sa US para lang pakiusapan na pumayag. Hindi ko alam kung papaano niya napapayag si Mom. "Hatid na kita pauwi sa inyo." Liv finally said after a long moment of silence. I nod at him. "Okay." Came by my small voice. Ewan ko ba, kapag parents ko na ang pinag-uusapan. Parang ang ilag sa akin ni Liv. That moment, I started to direct my way towards his room. Nagulat naman ako noong sinundan niya ako. I was about to grab my LV mini sling bag when I saw Liv. He is facing his cabinet while I am on his side. Hinuhunad na niya iyong apron. And I really saw how the hard surface on his stomach to proudly flash on my innocent eyes. I gulped so hard as I tried not to land my gaze on the front of his fitted gray jogger pants . . . Grace, umayos ka! Jusko! Baka talaga mahila ko na lang sa kama itong si Liv! Liv, itigil mo 'yan! Kitang-kita ko kung paaanong nag-flex ang malapad niyang dibdib. Ganoon rin ang malaking braso niya noong isinuot na niya ang black t-shirt. Then when he faced me, he ran his fingers on his messy hair. Iyon lang naman ang ginawa niya. Inayos niya lang ang buhok niya gamit ang mga daliri niya pero bakit sobrang gwapo naman yata?! Bakit-- bakit gan'on?! "Let's go?" He told me and that earned him a quick nod from me. Ayokong magsalita! Baka kasi kung ano pa ang masuggest ko knowing na nasa iisang kwarto lang kami! *** Noong makapasok na kami sa village namin, I pout. Oras na para mag-paalam kay Liv. Mamimiss ko siya. Kahit lagi naman kaming magkasama sa shooting?! I turned my face at him. He is quiet as he menuvered the car. His usual arrogant face is cemented on his view. When he turned his face at me, I look away. "Why?" He asked. "Hmm?" Pagtatangka kong magmaang-maangan. "You are staring at me." "Bawal?!" Mabilis kong sagot. "Nope." He said then when I turned my face at him again, he is smiling boyishly. "You know what?" I began. "Mas gumagwapo ka kapag naka-ngiti ka nang ganiyan." I pointed my finger on his lips. That was the moment when his smile automatically faded. Para bang hindi niya alam na nakangiti pala siya. Pwersado tuloy siyang umubo. "Liv . . ." I began again. Hindi niya inaalis ang tingin sa daan. "Ano?" "Tapatin mo nga ako . . ." That made his eyes to land on me. I want to ask kung ano ba talaga kami? Kung ano ba 'to? Kung may dapat ba akong asahan? Kasi sa ginagawa niya, asang asa na ako. Hulog na hulog na ako. Natatakot akong baka masakit iyong bawi ng saya ko ngayon sa darating na mga araw. But I don't want to ruin our little moment. That is why I resorted with, "Happy pill mo na ako, 'no?" Tila bang nadismasya siya sa tanong ko. He is with poker face as he turned his gaze on the road again. "Why?" Ngumuso ako. "Alam mo? Nagtanong ako hindi para sagutin mo ng panibagong tanong." Jusko naman, Liv. Ang sakit mo sa ulo! He only smiled for a second. Bakit ba ang bilis maglaho ng ngiti niya? Napakadamot?! "So, ano na nga?" Pagpupumilit ko. "Happy pill mo nga ako?" Ang tapang ko today. Epekto ng pangmalakasang pancake niya 'to! Hindi pa rin niya ako sinagot. At dahil matapang nga ako today, hindi ko siya tinigilan. I pulled his sleeve, "Hey. Sagutin mo nga ako. Happy pill mo na ako, 'di ba?" He gave me a glance. Seryoso ang mukha niya noong ibinalik ang tingin sa daan. Aba! Naputol ang dila mo, teh? Oo at oo lang talaga ang sagot! Nyeta ka! "Huy," I am now poking his cheeks. "Happy pill niya na ako, ayie." And to my surprise, he suddenly stopped the car. Then he stared at me. It was a stare that only him who can give me this incredible bliss. "H'wag mo akong piliting halikan ka dito para tumahimik ka." Then his gaze travelled to my lips. He is focusing himself on it as he started to move closer to me. Napapakurap na lang talaga ako noong lumandas ang kanyang kamay patungo sa beywang ko. I was also staring at his natural pouty red lips as he continue to move his head closer to mine. Then I heard my seatbelt to unhook. Matapos ay dumako ang tingin niya sa likod ko. He sighed with a hint of disappointent when he moved his face away. "We're here." He left me here. Breatheless. Wanting for more. Craving more for something to happen between us. "Someone's waiting for you." Liv continued as he boredly pointed his index finger on the window beside me. Wala ako sa sarili noong lumingon sa likuran ko. At bumagsak talaga sa sahig ang panga ko nang makita si Czearine! Ngiting-ngiti ang gaga habang nakatingin sa direksyon ko! Mabuti na lang talaga at tinted itong sasakyan ni Liv. Kung hindi ay mamatay-matay talaga 'yan sa pagtili kapag nakita niya iyong muntik na naming gawin kanina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD