Nakatira ako sa maliit na apartment dito sa Commonweath, QC. Sakto lang ang laki nito para sa isang tao o couple dahil mayroon itong sariling banyo, kitchen at sala. Lumipat ako rito three years ago magmula nong ma-promote ako bilang supervisor. May maliit akong sofa at flatscreen tv kung saan madalas kaming nanonood ng netflix ni Jayson sa tuwing off ko. Isinasabay niya kasi yong restday niya sa day off ko para raw makasama niya ako at dito lang kami madalas sa loob ng apartment ko sa kadahilanang hindi siya natutuwang marinig ang pangungutya ng mga tao sa akin. Ang sweet niya diba? Bihira lang ang mga taong ganiyan.
Speaking of Jayson, narito siya ngayon sa apartment ko at pinaghahanda ako ng dinner bago umuwi. Chef siya sa isang Italian restaurant sa Makati at ang sabi niya sa akin malapit na raw siyang ma-promote bilang Head Chef. Gwapo si Jayson, matangkad, pointed nose at alam kong karamihan sa atin pinapangarap ang ganiyang ilong lalo na sa katulad kong pango. Mabait siya, caring and loving boyfriend na halos wala akong masabing masama sa kaniya kaya nga hulog siya ng langit sa akin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at sinisilip-silip siya sa kusina habang nagpiprito ng isda at kung ano pa mang rekado ang hinahanda. Lumingon siya sa akin at ngumiti, ako naman kahit seven years na kami kinikilig pa rin ako sa kaniya. Unti-unti'y nalalanghap ko ang amoy ng ginisang bawang at sibuyas mayamaya lang bitbit na niya ang tray. Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin habang marahang ipinapatong ang dalawang plato sa lamesita. One plate for a cup of rice and the other one is for two fried fish sprinkled with sliced carrots, red bell pepper, onion, black pepper and so on. In short, escabeche.
“Here’s your dinner, my queen.” Pilyo nitong sabi.
“Thank you.”
“It’s an honor to cook for you. Enjoy your meal.”
Hindi ko naiwasang mapangisi sa tuwa at saka inunat ang dalawang braso senyales upang lumapit siya’t yakapin ako. Agad naman niya itong ginawa. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang katawan at saka umiling-iling na para bang batang yumayakap sa malaking teddy bear.
“I love you,” sambit ko na galing sa kailaliman ng puso ko.
“I love you, too.”
Walang paglagyan ang saya sa tuwing maririnig kong sumasagot siya kada sasabihin kong mahal ko siya. Humihinto ang mundo ko kapag kasama ko siya na para bang kami lang ang tao at wala ng iba. Ilang sandali rin kaming magkayakap bago maalalang may pagkain nga palang nakahain sa lamesita. Binalikan ko ang aking hapunan bago pa ito lumamig.
Inabot ng 12 hours ang duty ko ngayong araw at maaga pa ang pasok ko kinabukasan ngunit ang oras ay balewala sa akin. Hindi ko matandaan kung anong oras ako natulog ang tanging naalala ko lang ay nagkuwentuhan kami magdamag hanggang sa hindi ko na kinaya pang idilat ang aking mga mata.
Oo, tama ‘yan. Nagkuwentuhan lang kami at wala ng iba pang nangyari. How I wish na mayroon.
Hindi baleng tatlong oras lang ang tulog ko ang importante maganda ang gabi at gising ko. Papasok na ako ng production at dinig ko na ang malumanay na background music. Hiniling ko na sana bigyan ako ng isang magandang araw ngayon pero habang papalit ako nang papalit sa customer service area unti-unting nawawala ang pag-asang iyon.
Nakikita ko na ang grupo ng mga taong nakikipagtalo sa customer service assistant na nakadestino sa area. Sa aking paglapit mas naging malinaw ang problemang inirereklamo ng mga taong nasa harapan ko ngayon.
“Miss, hindi tama itong ginagawa niyo. Paano kung hindi ko nakita yong expiry date ng gatas at nainom ng anak ko.” Reklamo ng isang ginang.
“Mabuti nga sa kaniya at naagapan pa, e ‘yon akin? Naluto na namin yong corned beef at natikman bago napansin expired na pala.” Sabi naman ng isa pang babae na bitbit ang isang plastic na may lamang de lata.
“Paano ba nagtatrabaho ang mga tao rito? I guess you people are slacking off and this have to be raised to your management.” Siyang sabi naman ng isang lalake na sa palagay ko’y nasa edad kwarenta na.
Kita ko ang taranta sa kilos ng CSA na tila ba maiiyak na sa pressure dahil hindi alam ang isasagot. Nang makita niya akong papalapit sa mga nagrereklamong customer ay agad niya akong tinawag. Ang kupal na ito akala mo kung sinong mabait na bata na nagsusumbong dahil binibully siya. Tanda ko kahapon lang narinig kong nililibak nila ako sa loob ng banyo. Ito pa ‘yong mga sinabi nila....
“Bhe, tawang-tawa talaga ako kada si Sir Chris tumitingin kay Ms. B.”
“Alam ko ‘yang ganiyang tinginan ni Sir Chris mula ulo hanggang paa ija-judge ka.” Sagot naman ng kausap niya.
Kilala ko ang boses nang nagsalita at alam kong ito ang cashier kaninang umaga na pinapagalitan ng customer.
Nasa dulong cubicle ako at nagko-concentrate sa paglabas ng sama ng loob. Bungisngis ang narinig ko dahil tila ba tuwang-tuwa sila sa pangungutya sa akin ng damuho kong manager.
“Grabe ‘yon si sir Chris no kung makapangit kay Ms. B.”
“E baka kasi nasisira araw dahil sa mukha ni Ms. B.”
Ay wow! Sorry naman nakaka-offend ‘yong mukha ko parang kasalanan ko pang ipanganak ng ganito ang hitsura.
Natigilan sa pag-uusap ang dalawa nang sa wakas ay nailabas ko na ang gusto kong ilabas. Plok! Iyon ‘yong tunog ng tubig sa bowl.
“Gagi! Paano kung si Ms. B ‘yan?” Bulong ng isa.
Ako nga ‘to Maria, gaga ka. Kung bayolente lang akong tao sinubsob ko na mukha niyo sa bowl. Nagpatuloy sila sa bulungan na akala mo naman ay hindi ko maririnig hanggang sa tuluyan nang mawala ang boses nila.
“Ms.B!” Bulalas niya.
Napalingon ang mga customer sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko kayang ngumiti dahil baka biglang tumabingi ang mukha ko rito.
“Good thing we have the supervisor,” anang isang customer.
“Miss supervisor, is this how you operate?”
“Pwede kaming dumiretso sa FDA para i-complain ‘tong ginagawa niyo. Alam mo naman na siguro that this will cause you to stop your operation and worse is you might lose your license.” Siyang sabi naman ng isa pang babaeng mukhang maldita na para bang hindi ko alam ang process
.
“We can even sue you. Paano ‘pag may nangyaring masama sa mga taong kumain nitong expiry product na binebenta niyo pa rin sa market? Can you handle the losses?”
“My sincere apology ma’am and sir. I will look into this matter and make sure all the products displayed are not meeting their deadline.”
“And that’s it? You think that’s enough?”
“Oh my god! Alpha should hire supervisor that’s competitive enough.” Siyang sabi naman ng isa pang babae na kung tapunan ako ng tingin ay para bang na hinusgahan na ang buo kong pagkatao.
Naintindihan ko naman ang hinanaing nila at kung talaga nga namang may nagkasakit dahil sa pagkonsumo ng mga expired goods malaking eskandalo ‘yon. This is a very big responsibility at kapag lumala ‘to nang lumala baka ikawala pa ng trabaho ko.
“I hear you ma’am this has never been our intention and as long as we can prevent this from happening, we do. Please send us all the receipts and expiry goods that you brought from us and we will make this right. I’m hoping as well that none of your loved ones has been harmed from this incident.” Paumahin ko at galing ‘yon sa puso.
“If just in case that someone has been hospitalized and I wish that we don’t go that far, you can always reach out to us.”
“Then?” Singit ng isang babae.
“As long as it has to do with the expiry goods rest assured that we will help.”
Nagawa kong I-pacify ang mga taong ito. I personally get their details para pag may issue about medical condition dahil sa expiry goods mare-review namin agad. Middle class ang karamihan sa mga customer namin at hindi sila makukuha sa salita. Kailangan kong gumawa ng agreement na hindi na dapat pang makalabas ang issue na ito sa media as much possible. Pumayag silang hintayin ang email dahil kailangan pa ng signature ng damuho kang manager.
Tinipon ko ang mga lalake kong staff sa stock room at ayaw ko mang manermon ay wala akong magagawa kailangan kong gawin ‘to upang magtanda sila.
“Sinusubukan niyo ba ako? Hindi niyo ba alam kung gaano kalaking perwisyo itong ginawa niyo?”
“Ms. B hindi naman namin trabaho ang pagchecheck ng expiry may mga diser ‘yan.” Pagdadahilan agad ng isa kong tao.
Ang tinutukoy niya sa diser short for merchandiser ay ang staff directly hired ng mga companies. Mayroon kasing dalawang klase ng staffing sa ganitong insdutriya, ang direct hire coming from us and agency which is hawak mismo ng mga companies na nakikilagay ng product sa Alpha. Ang mga kompanyang ito ay nakikirenta lang ng space kay Alpha para mabenta ang produkto nila sa market. Unlike sa direct hire, ang mga merchandiser iisang product or depende kung gaano karaming produckto ang binebenta ng company nila.
“Sigurado ka ba Salvacion na hindi niyo trabaho ang pagchecheck ng expiry date? Hindi ba nakalagay sa kontratang pinirmahan niyo na kailangan niyong maging responsible sa FIFO ng mga items in general.” Sagot ko agad sa reklamo niya.
Ang ibig sabihin nga pala ng FIFO ay first in, first out.
“At isa pa, hindi ba sinabi ko na sa inyong lahat na ayusin ang price labeling? 4pm kahapon may lumapit sa akin para sabihing sinadyang guluhin ang mga label.” Pagpapatuloy kong sermon sa kanila na siya namang ikinatahimik ng paligid.
“Hindi ko pahahabain ‘to kailangan ko kayo idispatch sa production para kunin lahat ng expired products. We’re not yet done guys but for the meantime bilisan niyo ang kilos at gawin niyo ang trabaho niyo.” Seryoso kong utos sa kanila.
Agad naman silang lumabas ng stockroom. Sinundan ko sila sa paglabas para makita kung ginagawa nga ba talaga nila ang mga trabaho nila. Kani-kaniya silang kuha ng mga pushcart at pili ng mga selves na titingnan. Mabilis ang kilos nila dahil alam nilang nakatingin ako. Sinabihan ko na rin ang mga cashier na magcheck ng expiry date sa bawat item na ini-scan nila.
Hindi pa tapos ang problemang ito nang marinig ko si Maria sa speaker na nagko-call out sa akin.
Paging paging Ms. B to the Admin Office please.
Hindi ko alam kung pinapatawag ba ako dahil sa expiry date issue o kung anomang rason. Sumunod na lang ako at iniwan ang production. Habang naglalakad sa tahimik na pasilyo papunta sa office room kung saan may kani-kaniyang cubicle ang mga desk officer, tila nabingi ako sa mga bulung-bulungan na naririnig ko.
“Ms. B, alam mo na ba ‘to?” Tawag sa akin ng HR officer.
Lumapit ako sa kaniya at iniharap naman niya sa akin ang phone na may viral post na umani ng maraming Haha reactions at shares.
#careforhungryAlphaemployees
Skl. I went to Alpha to buy some goods and may bitbit akong bag ng Mcdo. So may fries at yum burger don. This happened at evening kasi malapit na rin sila magsara. Then iniwan ko sa baggage counter ‘yong food kasi bawal magpasok. After kong mamili nakalimutan ko ‘yong mcdo ko so binalikan ko. To my surprise pag-uwi ko ng bahay paubos na yong fries ko at nawawala yong isang burger. Hahaha
Gusto kong isipin na isa lang ’tong netizen na gustong kumuha ng atensyon para mag-viral. Ngunit mabilis ding nawala ang hope ko na iyon nang masilip ko sa monitor ng katabi kong HR ang video kung saan kinakain ng isang staff ang burger.
Oh crap!