“Umay kay Bolabola par, minu-minuto atang nagchecheck ng stockroom,” dinig kong reklamo ng isa kong staff na nasa kabilang aisle.
Kasalukuyan akong nag-iikot ako sa bawat aisle upang masigurong ginagawa nila ang mga trabaho nila. Hawak-hawak ko ang copy ng lay out ng mga racks at isa-isang tinitingnan kung ang mga price label ba ay tumutugma sa mga item na nakalagay rito. Dinig ko na naman ang chismisan ng mga staff ko at mga reklamo nila sa trabaho.
“Gago, baka marinig ka no’n,” saway naman sa kaniya ng kasama niya.
“Hindi ‘yan, nakabreak ‘yon ngayon. Putang ina kasi di ako makatulog sa stockroom tapos pinapagawa niya pa ‘yong mga price label. King ina limang aisle iisa-isahin kong ayusin? Nahilo lang ako.”
“E bakit mo kasi inisa-isa? Mahina ka pala e. Tapos na nga kaming lahat diyan ‘yong iba naglulugaw na.”
“Paano?”
“Tanga, hindi namin ginawa ‘yan.”
“Gago, gusto niyong masermunan? Kita mo hitsura ni Bolabola ang sama na nga ng mukha no’n papapangitin mo pa?”
Narinig ko ang marahang pagtawa ng kausap.
“Baka crush mo lang.”
“Gago! Baka ikaw! Kung gano’n lang naman ang mukha ng magugustuhan ko wag na lang.”
Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa sa mga naririnig. Naranasan niyo na bang mainsulto ng mga taong mukhang nuno sa punso? O halimaw sa banga? Saan kayo mas na-o-offend? Nakakapagod komprontahin isa-isa ang lahat ng taong gumagawa sa akin nito. It’s a waste of time at bilang isang educated and civilized person mas pipiliin kong wag masira ang araw sa kanila.
Umikot ako mula sa kinatatayuan ko patungo sa aisle kung saan nag-uusap ang mga mokong kong staff. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nila na gulat na gulat at kulang na lang ay manginig ang tuhod. Ilang sandali silang natunganga at hindi nakapagsalita mukhang nahinuna nilang narinig ko ang pinag-uusapan nila.
“Nakaka-offend naman yang reaction niyo. Gano’n ako kapangit para magulat kayo ng ganiyan?”
Mabilis na bumalik sa huwisyo ang dalawa at kani-kaniyang pambobola.
“Ay! Hindi ma’am ang ganda niyo nga po.”
“Hawig niyo nga po si Angel Locsin,” pabirong sang-ayon naman ng isa.
At saka sabay na nagtawanan ang dalawa, tawanang may halong panunuya. Sumabay ako sa tawanan nila at ang sumunod kong sinabi ay siyang nagpatahimik sa kanila.
“Gusto niyo pa bang magtagal?”
Sabay silang tumungo at umiwas ng tingin. Akala mo kung sinong mga masunuring tao. Nang mapansin nilang hindi na ako natutuwa sa kanila’y hindi na sila nagsalita pa.
“Pakisabihan ang mga kasama niyo na I’m checking each rack and 1 out 4 aisles ay mukhang hindi tinrabaho,” paunang sabi ko, “I’m expecting everyone will do their job, okay?”
Tumangu-tango lang ang dalawa. Nakangiti man akong nakatingin sa kanila pero sa kaloob-looban ko gusto ko nang ibaon ang takong ng sapatos ko sa mga ulo nila. Kasabay ng aking pagtalikod sa dalawang staff ay ang pagbuntung-hininga ko. Napag-iwanan na ako na halos lahat nag-glow up na pero ako pa-glow down nang pa-glow down. Nagsusuklay naman ako, maayos naman ang pananamit ko, naka-make up naman ako pero bakit walang nagbago?
The only moment I feel beautiful is when I’m with Jayson, my long-term boyfriend. Alam kong mahal niya ako dahil siya lang ang bukod tanging lalakeng tumanggap sa akin sa kabila ng pangungutya ng mga tao sa histura ko. Sa tuwing naiisip ko siya hindi ko maiwasang ngumiti at lahat ng stress ko sa buhay nawawala. Kung hindi dahil sa kaniya baka tuluyan na akong na-depress. Kung hindi dahil sa kaniya baka nagbigti na lang ako sa kwarto ko.
Napailing ako sa mga naiisip ko.
Tumingin ako sa aking relo at abot langit ang ngiti matapos makitang patapos na ang shift ko. Hindi na ako makapaghintay na magtap ng ID at mag-time out. Naglalakad na ako palayo ng production at papasok ng hallway patungong office para sana magprepare dahil patapos na ang shift ko. Nang biglang sumakit ang tainga ko sa tinig na narinig mula sa aking likod.
“Ms. B saan ka pupunta?”
Napangitngit ako ng ngipin at saka pilit ang ngiting humarap sa aking manager.
“Hi sir, tapos na ang shift ko,” paliwanag ko.
Naglalakad siya papalapit sa akin at makita pa lang ang hambog niyang mukha ay kumukulo na ang dugo ko.
“And so?”
Huminto siya sa harapan ko katulad ng usual niyang gesture titingnan niya lang ako ng matagal nang nakatabingi ang ulo. Sa bilang ko sampung segundo bago niya inalis ang tingin sa akin at nag-umpisang maglakad.
“Hindi ka uuwi hanggang closing ka.” Sabi nito habang naglalakad palayo.
Hanggang closing? Siraulo ba siya?
“Pero sir meron tayong closer si Ms. Diane,” pahabol kong sabi dahil palayu na siya nang palayo.
“I know pero nagpaalam si Ms.Diane na mayroon siyang importanteng gagawin kaya nag-out siya ng maaga.” Sagot niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumiko na siya sa pasilyo at hindi ko na makita pa. Humugot ako nang malalim na hininga sa nalaman ko. Si Diane, ang closer shift supervisor na kapalitan ko --- wala na naman. Sa loob ng isang buwan limang beses siyang nag-a-undertime at ang laging naririnig kong dahilan ay may importante siyang gagawin. Dahil dito ico-cover ko na naman ang shift niya and imagine kung gaano kahaba ang duty ko ngayon from 7AM to 11PM.
Hindi na nga ako maganda maha-haggard pa ako. Oh my god. Kung sakaling ako ang humingi ng undertime 101% na hindi papayag ang damuho kong manager kahit pa siguro sabihin kong naghihingalo na sa ospital ang mahal ko sa buhay baka sabihin pa sa akin na ‘Ikaw ba ang doctor?’.
Mahirap itago ang pagkadismaya ko sa nalaman ko lalo pa at gustung-gusto ko nang makita ang mahal ko. Drained na ako at kailangan ko ng warmth hug niya para marecharge.
Kukuba-kuba akong bumalik sa production at nilibot ang tingin sa buong paligid. Alas kwatro na ng hapon at pahaba na rin nang pahaba ang pila sa mga counter. Dinig ko ang malumanay na background music at ang tahimik na pag-uusap ng mga tao sa paligid. Sa aking paglalakad ay isang matipunong lalake ang lumapit hawak-hawak ang canned goods.
“Hi, I believe you’re the supervisor,” paunang sabi niya.
Nakangiti lang akong tumango habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Alam ko ng may issue kaya hindi na ako natutuwa and of course hindi ko ‘yon pwedeng ipakita sa kaniya.
“I was picking some items and good for me to check the description on each label. It does look like someone intended to mislead the prices.”
“Oh s**t,” mahina kong sambit.
Hindi ko naiwasang masabi ito dahil tila ba sinusubukan ako ng mga staff ko.
“I’m sorry,” agad kong paumanhin sa customer, “I will take action into this and I really appreciate you raising this concern.”
“That’s alright,” sagot nito.
Sa tagal kong naging supervisor iilang tao lang nakakausap kong maayos na nagsasabi ng kanilang feedback o reklamo. Ngunit ang pinaka kinaiinisan ko ngayon ay ang malamang hindi ako sinusunod ng mga tao ko at mukhang sinusubukan nilang lalo ang pasensya ko. Ngunit dahil tapos na ang shift ng hawak kong staff wala akong choice kung hindi ipagpabukas na lang ang pagsermon sa kanila.
Natapos ang twelve hours duty ko at kasalukuyang nakatayo sa tabi kalsada. Malawak ang ngiti ko habang sinusundan nang tingin ang papalapit na motor sa kinatatayuan ko. Nakakasilaw man ang headlight nito pero mas nasilaw ako sa liwanag na binigay ng lalakeng marahang tinatanggal ang helmet at saka umiling-iling para ayusin ang buhok. Bumabagal ang oras kada gagawin niya ito na para bang hindi na ako nasanay. Oh God! Napakaswerte ko na boyfriend ko ang lalaking ito.
“Kumusta naman ang reyna ko?” Nakangiti niyang tanong.
Ang sweet niya and everytime he does this my heart melts like butter in a pan. On a second thought, I don’t think my metaphor is appropriate.
“Exhausting pero dahil nakita na kita natanggal na ang pagod ko,” medyo pabebe kong sabi.
“Kawawa naman ang love ko,” anito.
Bumaba siya sa motor upang buksan ang compartment at kunin ang helmet. Sa bawat paghakbang niya papalapit sa akin napupuno ng galak ang puso ko. I so love this man at hindi ko ata kayang mawala siya. Hinalikan niya ako sa labi matapos ay niyakap ako nang mahigpit. Naririnig ko ang bulung-bulungan nang mga kasabayan kong empleyado na kalalabas lang mula sa loob ng supermarket.
“Sabi ko sa’yo ang pogi no’ng boyfriend.”
“Baka naman ginayuma.”
“Siguro.”
Ngumiti ako ng pilit sa mga narinig ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa mga mata ko. Alam kong ginagawa niya ito para tingnan kung okay lang ba ako.
“Mamatay sila sa inggit,” sabi ko.
Ito naman ang pangarap ko dati ang kainggitan ako ng mga babae hindi nga lang dahil sa kagandahan. Idinampi niya ang magkabilang palad niya sa pisngi ko at kinurut-kurot ‘yon.
“Tama, mainggit sila dahil artistahin ang boyfriend mo,” pagyayabang nito matapos ay isinuot ang helmet sa ulo ko.
Sumakay na siya sa motor at agad naman akong sumunod. Iginapos ko ang aking mga braso sa baiwang niya saka isinandal ang aking ulo sa kaniyang likod. Hindi ko maramdaman ang malamig na hanging dumadampi sa aking balat dahil sa init ng kaniyang katawan.
“I love you,” bulong ko.
Alam kong hindi niya maririnig ‘yon dahil sa ingay ng paligid at sa lakas ng hangin but I know in my heart na nakarating sa kaniya ang sinabi ko.