Life as I know it 2

2038 Words
Nasa loob siya ng kwarto buong maghapon at magdamag natutulog lang siya at hindi niya pinapansin ang pagpasok at paglabas ng kwarto ni Sammy na nangungulit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa pagpasok ng kanyang ina. "Greg called me, are you okay baby?" "I am fine mom.. mom you don't need to worry it finally ends" Buong akala niya ay magsesermon na naman ang ina ngunit isang malungkot na ngiti at tango lang sinagot nito sa kanya bago siya niyakap ng napakahigpit. "Family comes first baby kahit saang lupalop ako ng mundo as long as you need me, I will always come home for you baby" "I love you mom" "Hey.. you should talk to me too you know, and wag mong i-understimate ang kakayahan ng 10 years old na katulad ko Ate, mas madalas matalino ako kaysa sayo" "Sammy you better call me Ate than hey" "ayawko nga" Kahit papaano ay gumaan ang loob niya dahil nakaramdam siya ng supporta at pagmamahal sa kanyang matalik na kaibigan at pamilya. Nasa loob siya ng gymn at binuhos niya lahat ng sama ng loob sa pag-eehersisyo. Tagaktak na ng pawis ang buo niyang katawan ng tumunog ang kanyang telepono. It was Greg calling. "Hey dude! what's up?" "Nasa garage na ako gymn, I am waiting for you to come down" Nakasalamin ang pader kaya natatanaw niya sa baba ang garahe ng gymn sandaling itinigil niya ang pagtakbo sa trendmill at natanaw niya ang pag-ilaw ng bumper ng sasakyan ni Greg. "I see you now" sagot niya habang pinapahid ng tuwalya ang pawisang katawan. "Those guys are drooling behind you pwedi ba magsuot ka naman ng disenteng damit sa gymn kulang nalang maghubad ka sa harapan nila" Natawa nalang siya sa paraan na magsesermon nito sa kanya, parang tatay niya ito kung makapagsalita. "You sounded like a jealous boyfriend my dear. haha single na ako ngayon bago gusto mo mag-apply" biro niya rito pagkatapos ay basta hinablot ang maliit na bag na dala niya at lumabas na ng gymn, he knows sinusundan siya ng tingin ng mga kalalakihan doon and who cares? she sometimes like the attention. "Hell no! isa kang malaking sakit sa ulo, wala akong balak maging babysitter mo habang buhay" "ooooh.. so sugar daddy na pala ngayon ang peg mo sa buhay ko my dear little prince" "shut up! bilisan mong bumaba at naghihintay na ang silang lahat para sa atin" Today is Sunday at isang tradition na bawat Sunday ay nagsasalo-salo ang kanilang pamilya ng lunch at dinner simula noong mga bata pa sila hanggang sa paglaki nila it's a tradition na hindi dapat maputol. "Ah.. ang baho ko ba? pinagmadali mo ako kaya hindi ako nakapag-shower sa gymn kanina so wag mo akong titingnan na para kang nandidiri sa akin" "Hindi ka mabaho pero oo nandidiri ako sa suot mo, halos lumuwa na yang boobs mo sa sports bra na suot mo at ang ikli pa ng jogging shorts mo" Sermon ulit nito sa kanya habang hinuhubad nito ang suot na jacket at binato sa kanya. "isuot mo yan, utang na loob wag kang papasok sa loob ng kotse ko ng hindi nakadamit" "anong problema mo nakita mo naman na akong hubot hubad dati" "Marg.. it was an accident at high school palang tayo noon and now we are grown up adults, magkaiba yun" "I know I am always safe with you" kampante nitong sagot sa kanya na nagpailing ng ulo niya. "You are not sure about that, lalaki pa din ako okay? you cannot just trust men in general, ito na ang huling beses na makikita kitang umiyak dahil sa lalaki" Natawa siya dahil ang seryoso nito habang siya ay pinipikon lang niya ito. "Ang swerte naman ng magiging asawa mo, she is one lucky girl, napaka-yaman mo, gwapo, gentleman, mabait, at napaka-taas ng pasensya mo sa akin" "swerte talaga niya kasi higit sa gwapo ako aba... magmamay-ari pa siya ng katawan at kaluluwa ko" "ang feeling ha..! abusado ka" At nagtawanan lang sila sa buong biyahe, hindi naman ito ang unang beses na makapunta siya sa bahay nila kaya agad siyang umakyat sa taas ng malaking bahay upang makapagshower. "Nasaan na si Margie? akala ko sinundo mo?" tanong ng kanyang mommy ng madatnan siya nito sa garahe na pina-park. "Nasa kwarto ko sa taas nag-shower galing ng gymn pinagmadali ko kaya hindi na nakaligo" "Is she okay son?" "I think she is, she got drunk the other night, she was back to the gymn so I think she is doing good" "You need to look after her" Isang tango lang ang sinagot niya sa ina saka sinabihan siyang sumunod na agad sila sa dining area. Paakyat na siya ng hagdan papunta sa kwarto niya para silipin si Margie kung tapos na maligo pero laking gulat niya ng makita ang gamit pambabae sa kuwarto niya, sanitary pads, tampon, make-ups, hair brush at lotion?? saktong kalalabas lang ni margie sa banyo at tumutulo pa ang basa nitong buhok. " Is this still my room? parang invasion of privacy mo na ang condo ko, pati ba naman ang kuwarto ko sa mismong bahay ng parents ko" "Wag ka ngang OA, mag-isang taon na yan diyan sa cabinet mo ngayon mo lang napansin kasi palagi kang busy sa work" "oh.. wow!! baka isipin na talaga nila na asawa o jowa na kita pati boxers ko sinusuot muna din" "bahala sila sa gusto nilang isipin problema na nila yun" "Nasa dining area na silang lahat ikaw nalang kulang.. at ako magbibihis lang ako" agad itong tumalikod at naghanap ng pambahay na maisusuot. ganun lang sila palagi, they were open and that close to each other. Hinintay siya ni Greg at sabay na silang bumaba sa dining area at usual nandoon ang mga magulang nila sa hapag-kainan nag-hihintay sa kanila. "Ang ganda naman ng anak mo kumpare, bagay na bagay sila tingnan mo nga oh.." puna ng ama niya sa kanilang dalawa at palaging ganito, rinig na rinig nila ang pagpaparinig ng kanilang mga magulang. "I know you guys are best friends, ganun din kami ni Greg kaya to answer your question yes.. bagay talaga kami pero walang malisya, hindi ako bet ng anak niyo Tito Rob" sagot niya sa ama ni Greg na kinatawa ng mga ina nila. "my daughter is finally single greg, and I will be very happy kapag mapupunta ang nag-isa kong anak sa isang lalaking napaka-bait, napaka-guwapo, at napaka-humble na tao and that is only you hijo" pagpupuri ng kanyang ina kay Greg hindi naman lingid sa kaalaman niya na lahat ng bkyfriends niya ay ayaw ng pamilya niya. "Ma stop it! masyado mong pinapalaki ang ulo nitong si Greg, baka mamaya niya mapilitan at ma-inlove yan bigla sa akin" "you know I love you marg.." "naaaah.. ang pangit naman ng brotherly o sisterly love, what we mean is the romantic kind of love pinsan" sulsol naman ni Dustin, na kinatuwa ng lahat, ganon palagi sila ang paboritong pag-tsismisan ng mga pamilya nila. Pagkatapos ng hapunan ay nagsialisan na ang lahat at siya naman ay nasa gilid ng pool may dalang bote ng beer kasama si Greg na may dalang baso at bote ng tequila. "oh.. old school ka pa din?" tanong ni Greg sa kanya at umiling siya bago malawak na ngumiti dito. "no... madami lang akong nainom noong isang gabi, nakakabawas ng ganda at ka-sexyhan ang pag-iinom, baka hindi na ako magka-jowa ulit" pabiro niyang sagot. "okay.. buti naman na-realize mo yan, kamusta ang puso mo?" seryosong tanong nito sa kanya. "The usual, broken hearted pero okay na din yun atleast ngayon alam ko na ang dapat kong gawin para hindi maging tanga next time" "any plans?" "gusto kong bumalik ng boston at ipagpatuloy ang pag-aaral ko doon, magtatapos ako at magiging isang magaling akong fashion designer, magtatayo ako ng sarili kong clothing line, I will meet the man of my dreams at invited ka sa kasal ko. Magkakaroon ako ng maraming anak at magiging ninong ka nila" "Good to hear that, sounds like a good plan, sana ito na ang huling pagkakataon na iiyak ka dahil sa lalaki. You do not deserve to cry, men should cry for you.. that james is a jerk dati pa" "I know sinabi mo yun sa akin, hindi lang ako naniwala kaya ito... wasak na wasak ang puso ko pero humihinga pa din" "I will help you fix it" "Paano nalang kaya ako kung wala ka Greg? I am too dependent on you kaya walang kang oras magka-lovelife dahil busy ka sa work at sa paglutas ng mga issues ko sa buhay ko, wag kang ma-trauma ha... hindi lahat ng babae kasing drama ko" "I know.. pero kahit may asawa o girlfriend na ako, I will still choose to run towards you" natawa siya sa sinabi nito. "wag!!! baka hiwalayan ka ng jowa mo o di kaya ay pagselosan pa ako" Hindi niya namalayan na medyo nahihilo na pala siya, nasa gilid sila ng pool nakaupo habang nag-uusap akmang tatayo sana siya para mag-CR ng mawalan siya ng balanse at buong akala niya ay mahuhulog na siya sa pool kaya pumikit siya, ngunit naramdaman niya ang mga malalapad na braso ni Greg na sumalo sa kanya at ng buksan niya ang mga mata nagkasalubong sila ng tingin ng lalaki. At sa unang pagkakataon ay tumibok ulit ang puso niya, isang pulgada nalang ang pagitan ng kanilang mga labi kaya naamoy nila ang hininga ng bawat isa. "Ahem.. ahem. gusto niyo ng pulotan?" bigla siyang natauhan ng magsalita ang bagong dating na si Dustin na may dalang isang kahon ng chicharon. "ah.. eh.. sigeh halika dito tayo tambay! saglit ha.. CR lang ako" biglang sagot niya. "s**t!!! Margie.. si Greg yun, ang landi landi mo pati si Greg papatusin mo? kalma ka lang diyan okay! nakainom lang ako. walang ibig sabihin yun" agad siyang naghilamos upang gisingin ang sarili, mula sa kakaibang nararamdaman para sa kaibigan. "bro.. it's too obvious dati pa naman eh hindi ka pweding magsinungaling sa akin noh!! ako kaya favorite pinsan mo" ngiti lang sinagot niya at umiling. "wala talaga, she almost fell sa pool sinalo ko lang" "sabi mo eh.. sa kakasalo mo sa kanya hindi mo namamalayan fall na fall kana pala sa kanya, those stares, the way you protected her and hold her daig mo pa ang isang magiting na asawa ha..." "compliment ba yan?" "nope, sinasabi ko lang sayo na pwedi mong i-deny hanggat kaya mo basta ako alam ko na noon paman may pagtingin kana kay Margie" "hay naku.. taas ng imagination mo" "one of these days hinding hindi mo rin yan mapipigilan, habang pinipigil lalong nang-gigigil ganun kasi ang pag-ibig nakakabuwang" "not me.." "let's see bro.. tingnan ko lang" palabas na siya ng CR ng madatnan si Greg sa sala na may hawak ng susi ng sasakyan nito. "I'll drive you home na, gabi na at nakainom ka pa" "wag na Greg nakainom ka din at may pasok ka pa bukas kaya dito nalang ako matutulog" agad itong tumango. "ipapahanda ko kay manang ang guest room, saan mo gustong matulog?" lumapad ang ngiti niya. "sa kwarto mo..." "hay naku.. aabutin tayo ng umaga kapag makikipagtalo pa ako sigeh sa kama ka at sa couch nalang ako" "okay game..." masigla niyang sagot at umakyat na din kasabay nito. "si dustin pala?" "kakaalis lang susunduin jowa niya sa airport" "sana all may jowa, hindi ka ba jowang-jowa Greg?" "hindi naman busy ako sa opisina" "gusto mong i-blind date kita sa isa sa mga friends ko? o di kaya ay----" "just sleep, lasing ka lang" "I will always be grateful to you, nami-miss kita palagi" At kusang tumulo ng mga luha niya sa kanyang pisngi, agad naman yung pinahid ni Greg at ang weird dahil sa tuwing hinihimas nito ang ulo niya she finds comfort with it, and when he kissed his forehead she finds her peace. Hanggang kasama niya si Greg alam niyang nasa mabuti siyang kamay at ligtas siya. "I love you.." mahina niyang usal bago siya kainin ng antok. "I love you too very much" alam niyang gawa-gawa lang yun ng lasing niyang utak kaya malawak siyang napangiti bago mawalan ng malay at nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD