Life as I know it 3

337 Words
Palabas na siya ng building ng mapansin niya ang isang pamilyar na bulto na papalapit sa kanya na agad nagpakulo ng kanyang dugo. "Marg.. please let's talk" "kapag hindi ka umalis sa harapan ko in 10 seconds tatawag ako ng guwardiya at ipapakaladkad kita palabas ng building na ito at sa kulungan ka pupulotin" "Marg.. please, aksidente lang ang nangyari sa amin, ikaw... ikaw ang mahal ko hindi ko alam bakit ako napunta doon sa" "7 seconds James, kapag hindi ka umalis sa dinadaanan ko magkakasubukan tayo" "I am so sorry" "I am sorry din, pero hindi ako tumatanggap ng pinaglumaan ng ibang babae, tanga ako pero hindi ako cheap" Agad niyang tinalikuran ang lalaki bago pumasok sa loob ng kotse niya. "wow.. it feels good, mas madali palang mag-move on ngayon isang buwan lang" sabi niya sa sarili bago tuluyang pinaharurot ang kotse palayo sa lugar na yun. saktong kadarating lang niya ng bahay ng salubongin siya ni sammy. "ate.. may kasama si Kuya Greg na girl she is very pretty" kumunot naman ang noo niya, pero mas lalong kumunot ang noo niya ng makita si Dustin sa loob ng living room nila. "Melanie is back" tumaas bigla ang kilay niya sa tinuran ni Dustin pero hindi niya yun pinahalata. "And?? ano naman ngayon?" "Kasama ni Kuya Greg ang pretty na girl na yun ate.." Dagdag ni Sammy na kinainis niya pero syempre hindi niya pinahalata, alam niyang mabait naman si Melanie pero for some reason hindi niya ito gusto para sa kaibigan, may something off sa babaeng yun. She only met her once pa naman. "Eh.. ano naman ngayon, single silang dalawa kaya naman walang masama kong magdate o magkarelasyon sila di ba?" "anoooo?? hindi yun pwedi!" halos mag-duet pa ang dalawa. "at bakit naman hindi???" "mas boto ako kay kuya greg for you kaya" "ako din, sister na kita kaya hindi pweding umeksena si Melanie kung kailan nagkakamabutihan na kayo ni Greg" "Anooo? anong nagkakamabutihan?" siya naman ngayon ang nawiwindang sa mga naririnig niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD