Kabanata 25 Maaga akong nagising pagdating ng umaga. Inayos ko ang kama at saka nag-ayos ng sarili bago tuluyan bumaba. Wala rin si Gio nang magising ako. "Gising na ho pala kayo," sabi noong isang katulong. Ngumiti ako bago ko iginala ang paningin ko sa paligid. Tumingin ako sa orasan. Ala-sais pa lang ng umaga pero nagsisimula na sila gawin ang mga kanya-kanyang trabaho rito sa mansion. Hindi na rin siguro kataka-taka iyon dahil si Donya Matilda ang nakatira. Everyone is expecting to do their task perfectly dahil malaki nga naman ang pinapasahod sa kanila. "Si Gio po?" "Ay si ser po ba? Umalis po e. Kasama po ni Ma’am Lara,’’ magalang na sagot niya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Nang ganito kaaga?" Tumango naman siya. "Opo Ma’am. Palagi pong magkasama iyon ng ganito kaaga tuwing

