Kabanata 24 Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Donya Matilda dahil inaasahan ko na naman 'to. Alam ko naman sa simula pa lang ay hindi niya na ako gusto para sa kanyang apo dahil bukod sa namatay ang dapat apo nila sa tuhod ngayon ay marami akong nagawang pagkakamali sa buhay ko. Syempre ang gusto niya ay iyong babae na walang kamalian sa buhay at walang iba iyon kundi si Lara. Nobody is perfect but for her, Lara is perfectly fit for her only grand-son. "Abuela... Siya ang asawa ko,” seryosong wika ni Gio na nagpagulat sa akin. Nakuha pa ako nitong sulyapan bago tumingin kay Abuela. Hindi umimik si Donya Matilda sa sinabi ni Gio pero halata pa rin ang galit nito. Galit na ipinupukol sa akin, galit na para lang sa akin at galit na alam kong hindi na magbabago pa. She always have hated

