Kabanata 23 "Kung hindi kaya namatay si Deo, pupwede kaya tayo?" Kasabay ng pag-awang nang aking labi ang kakayahan na hindi makapagsalita sa tanong niya. Wala akong nagawa kundi ang mapatitig na lang ng seryoso sa kanya. Gusto ko sabihin na nagbibiro na naman siya kaso lolokohin ko lang ulit ang sarili ko. Alam kong seryoso siya roon. Nakikita ko iyon sa mata niya. Nakatitig lang din siya sa akin at tila hinihintay ang aking sagot. Sagot na hindi ko alam kung paano ko sasabihin o sasagutin dahil kahit kailan ay hindi ko naisip ang bagay na 'yon. Binalikan ko lahat at inisip ang tanong niya muli sa akin. Paano nga kaya? Paano nga kaya kung hindi namatay ang anak namin ni Gio? Pupwede kaya kami? Magiging masaya kaya kami kagaya nila Zeus? Siguro. Bakit hindi? We're Deo's parent. We

