Kabanata 22 "Ibaba mo nga ako! Ano ba?" sigaw ko. Pero hindi man lang ako nito pinansin. Nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad habang buhat-buhat ako hanggang sa makalayo kami kela Lara. "Ano ba? Ibaba mo sabi ako! Hindi pa ko tapos sa babaeng 'yon!" Pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya. Hindi niya pinansin ang ginagawa kong ‘yon at patuloy pa rin sa paglalakad. Sa inis ko ay hindi ko napigilan na paluin siya sa dibdib at sa mukha. "Ibaba mo sabi ako! Kakalmutin ko pa ang babaeng ‘yon!" sigaw ko sa kanya. Tumigil naman siya saglit sa paglalakad at tumingin sa akin bago ako tuluyang inilaglag sa buhanginan. Sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit mo ako nilaglag?” inis kong wika sa kanya. "Sabi mo ibaba kita diba?" pamimilosopo niyang sagot sa akin na ikinainis ko lalo. "Ang sabi k

