"Touch me now, I close my eyes and dream away"
Kasabay ng mga kataga sa awiting iyon ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko.
Mahal na mahal ko siya. Masaya kami. Pero hindi ko siya pinaniwalaan. Bakit ganito ang nangyari sa buhay naming dalawa. Ang sakit sakit na.
"It must have been love, but it's over now.
It must have been good, but I lose it somehow."
Muling napabulalas ng iyak si Erica. Tila nakikidalamhati ang panahon. Kasabay ng pagkanta niyang iyon ang hagupit ng nangangalit na kidlat at malakas na buhos ng ulan.
"Make believing were together,
that I'm sheltered in your heart.
But in and outside, I've turned to water."
"I feel empty. I feel the pain slowly eating me, crept deeper in my heart and soul!" sigaw ng babae.
Bumangon siya't unti unting bumangon sa pagkakahandusay sa buhangin, naglakad papalapit sa dalampasigan.
Galit na galit ang alon sa aplaya. Pilit na sinasabayan ang pagtangis ni Erica.
"It must have been love, but it's over now,
It was all that I wanted, now I'm living without".
Tuluyan itong napaluhod kasabay ang pagtangis ng kantang sa tingin niya'y sumasalamin sa pangyayaring iyon sa buhay niya.
"Erica, maniwala ka, walang nangyari sa aming dalawa ni Monica. Ikaw ang mahal ko paniwalaan mo ako," tangis ni Lex.
Ngunit tila binging patuloy lang na sumakay ng kotse ang dalaga.
Hindi nagpatumpik-tumpik pa si Lex, sumakay din ito sa kotse nito at pilit na hinabol ang dalaga.
Sa intersection, sumalpok sa truck ang kotse ni Lex. Dead on the spot.
Magsisi man si Erica, tapos na ang lahat. Nawala na ang taong mahal niya. Na ni hindi man lang ito pinakinggan.
Hanggang sa tumila ang ulan. Kumalma ang karagatan. Napagod ang puso, sumuko sa pighati.
"Patawad mahal ko, hintayin mo ako diyan".