Oops I Did It Again 7 Times
Ilang beses ko mang isipin hindi ko lubos maisip kung bakit laging ganito ang nangyayari.
Magkakaroon ako ng nobya tapos lolokohin ko at maiin-love ako sa iba. Walang katapusang sirkulo ng pangayayari sa buhay ko.
Lima na ang panganay ko sa kasalukuyan at iba't ibang babae ang mga ina nito. Masasakal na ako ng Nanay ko pag nalaman niyang paparating na ang pang-anim. Malalagot talaga ako panigurado.
Hangga't maaari hindi ko muna sasabihin sa Nanay ko na may madadagdag na naman na tsikiting sa bahay.
Balik opisina, trabaho ng mabuti para matustusan ang mga pangangailangan ng bata.
Makalipas ang siyam na buwan. Sumulpot na sa ang ina ni pang-anim.
"Seth, narito na ang anak mo! Sabi mo pag naipanganak ko ibigay ko sayo! Ayan hayup ka! Pagkatapos mong magpakasasa sa kagandahan ko! Ni hindi mo na ako binalikan. Nakapirma na ako sa papeles na ipinadala mo! Babalik na ko sa pagiging modelo!
At katulad nga ng unang nangyayari nilayasan na naman ako ng Nanay. Kailan kaya ako makakakita ng babaeng hindi ako iiwan.
Kahahanap ayan malapit na ako magkaroon ng basketball team.
Halos himatayin ang Nanay ko ng makita niya kung ano ang pasalubong ko sa kaniya.
"Seth, mahabagin may uwi ka na namang bata! Kailan ka ba titigil mambuntis!!", tungayaw nito.
"Rudy ipakapon mo na ang anak mo," sigaw sa ama niya.
"Ma, hindi ako aso, sadyang gwapo lang ako!", aniya.
"Salamat sa pag-aalaga sa nga anak ko Ma, huwag kang mag-alala hindi pa yan ang huli", paawang sabi niya.
"Ano kasi I did it again".
Nanlalaki ang mata ng ina niyang nakatingin sa kaniya!
"Did it again what?" Sabi ng tatay kong inglisero!
"Pa, baby number 7 is coming right up. Im awesome!
"Rudy ipakapon mo na ang anak mo!" histeryang sigaw nito!