Banal na aso,
Santong kabayo,
Natatawa ako hihihihi.
Kasunod nito ang tawa ko .
Hahaha, tama mukha silang mga aso at kabayo.
Isang mukhang tikbalang at isang aswang.
"Lord patawarin mo po ako, nagiging pintasera na naman ako". Sabay iyak ng malakas.
"Waaaaa hayup kayong mga animal kayo! Niloko niyo ako huhuhu" atungal niya.
"Itigil ang kasal, itigil ninyo! Mahal kita Junard! Sabi mo ako papakasalan mo!, entrada ko.
"Hoy baliw lumayas ka nga dito", sigaw sa kaniya ng isang bisita.
"Hindi ako baliw! Tandaan mo hindi kayo liligaya!."
Kinaladkad ako palabas ng simbahan.
"Oo aalis ako, babangon ako't dudurugin ko kayo!", dagdag pa ni Elsie.
Parang di ko na kayang pumasok dun" halos himatayin si Joana kakatawa.
"Heh, tumigil ka. Ikaw naman nagpasimula ng lintik na dare ito."
"Junard, buntis ako, huwag mo kaming abandunahin ng anak mo!" sigaw niya pagkapasok ng simbahan.
Dali dali din siyang kinaladkad ng guwardiya.
Sigawan na naman ang mga bisita.
"Ano ba iyan meron na naman"
"Ang dami namang babae ng groom"
"Mga baliw nga lahat" tsismisan ng mga ito.
Pagkatapos nilang maisara ang pinto ng simbahan. Dali dali silang pumasok sa kotseng nakaparada dun.
"Lenny, ano nakuhanan mo ba lahat?"
"Nabidyo mo ba mukha ng walanghiyang yun?"
"Oo Elsie, nakakaloka ka, hindi ko kinaya hahahahaa!"
Muli na namang naudlot ang seremonya. Napasapo na lang si Junard sa noo ng makitang kinakaladkad si Joana. Nagtawanan sila ni Andie.
"Love, promise hindi ko alam kung anong pinaggagawa nila" samo nito sa asawa.
"Mga hayup talaga iyang mga bestfriends mo! Kaya pala ayaw mga maging abay! Hahaha," napapailing na lang.
"Mamaya sila sa akin sa reception!"
Natapos din ang kaguluhan.
Sa reception. Dumating ang tatlong bruha.
"Mga walanghiya kayo! Pati kasal ko tinatarantado niyo!", tungayaw ni Junard.
Nagkatinginan lang sila, napabunghalit katatawa. Like old times during their childhood.