CPR To Your Heart

294 Words
"I hope you know CPR, because you take my breath away", sigaw ni Luis sa gitna ng pool. "Yuck, napakalandi mo. Ang corny. Luma na yan! Wala na bang bago?", kontra ni Jorina habang nagpapraktis sila ng CPR sa gilid ng pool. "Minamalat na naman ang puso ko! Paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo". P.E. nila at swimming lessons ang tinatalakay nila ngayon. Kaakibat ng tubig ang kaalaman ukol sa mouth to mouth resuscitation, kaya eto sila ngayon pinagpa-praktisan ang mga manequin. "Ms.Soler dapat po ata ako na lang ang pagpraktisan nila, Maam para makatotohanan,"ngising dagdag pa nito habang umaahon sa pool papunta kay Jorina. "Lulunurin pa kita Luis, tigilan mo ko! Sige lumapit ka at ng mailublob kita dito sa pool!", mataray na asik nito. "Grabe nakakatawa yung mga pick-up lines. May alam ka pa bang iba? Wala na akong maisip eh. Coz all i ever think of is you" "Sus naglalandian na naman kayong dalawa. Bakit ba kasi hindi na lang maging kayo paramananahimik na lang kayo pag may klase", tukso ni Melvin. Luis: Punta tayo sa sementeryo. Melvin: Bakit? Luis: Dalawin natin ang puso ko na patay na patay sayo". "Ikaw ba may-ari ng Crayola?? Ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko", dagdag pa ni Melvin. Patuloy na asar sa kaniya ng dalawang ugok na ito. "I feel exhausted sa pabalik balik na pag-rescue sayo Luis bwisit ka!",asar na sigaw ni Jorina. Natatawang inakbayan ni Luis si ang dalaga. "Kapag nakapasa ba ako sa CPR, pwede na kitang i-mouth to mouth anytime? "Ewww kadiri!", sabay sapak sa binata. "Puro ka kalokohan!". "Class focus. You need to do this right. Wrong CPR can cause brain damage". Tahimik na nagpulasan ang mga magkakaibigan at nakinig ng mabuti sa sinasabi ng proctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD