Never Be The Same Again

298 Words
Ladies and gentlemen! Please give us a round of applause. Presenting the beautiful and talented designer of the year! Miss Liana Bautista!! Dahan dahang lumabas ang isang magandang dilag. Nakahahalina ang taglay na kagandahan. Gandang kahit sino man ay maakit. Alindog na nakakagulantang. Kumikinang sa suot na brilyantes. Nakangiti. Suot ang damit na kaniyang dinisenyo. Mga obra maestrang inihabi ng kaniyang mala-kandilang kamay. Kilala ang Liana's sa buong Pilipinas bilang isa sa produksyon ng kakaibang disenyo na sa kanila mo lamang makikita at mabibili. "Don't you ever come back to me! Things will never be the same!" Mukhang hindi ko na nga maibabalik sa dati ang lahat. Mukhang masaya na siya. Kitang kita ko dito mula sa entablado. Sisihin ko man ang sarili ko, huli na ang lahat, hindi na niya ako nahintay. Kasama niya si Josephine, ang kapatid ko. Buntis na at ikakasal na nga sa isang buwan suot ang bridal gown na inihabi ko para sa kaniya. Kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi dahil mahal ko pa siya kundi hindi ko kayang saktan ang kapatid ko. Alam kong una pa lang mahal niya na si Alex, umeksena lang ako. Ngayong masaya na sila kailangan ko ding maging masaya para sa kanila. Totoo nga siguro ang kasabihang, "Kung hindi ukol hindi bubukol". Araw ng kasal. "Miss Liana, may nagpapabigay po nito", tangan ang isang pumpon ng bulaklak na sinabi sa kanya ng kanyang assistant. "Kanino naman yang galing Ann?," natatawang sabi niya. "Sa best man po maam,"kinikilig na bigkas nito. Napalingon ako at nagulat sa aking nakita. Si Jonathan ang kuya ni Alex na dati ay crush na crush ko. Nakangiti ito sa kaniya. Napayuko ako at simpleng napangiti. Hindi ko man nga siguro maibabalik ang lahat sa dati. May pwede naman akong simulan sa kasalukuyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD