•Persephone• Nanigas ako sa aking kinauupuan habang nakatingin sa dalawang taong nasa harapan ng kotse. Gusto ko man lumabas para harapin sila ay hindi ko magawa dahil sa panghihina ng aking tuhod. "Xia, ikaw ba talaga iyan?" Ang lambing at pag-alala sa boses ni Hades ay naghatid sa puso ko ng kakaibang sakit. "Bakit ngayon ka lang? Matagal na kitang hinahanap." Ramdam ko ang malamig na bagay na tumulo sa aking pisngi. Umiiyak na naman ako. Palagi kong nasasaksihan ang ganitong bagay, simula nang pinasundan ko si Hades. Ngunit hindi ko aakalain na mas masakit pala kapag nakita ko ito ng personal. Mapait akong napangiti nang niyakap nito ang babae. Akala ko ba, ako na? Akala ko ba magba-bagong buhay na siya kasama kami ng mga anak niya? Bumaba ako sa kotse at dahan-dahan silang nilapit

