bc

Bachelor's Club Series 01: The Billionaire's Wife

book_age18+
16.4K
FOLLOW
90.3K
READ
billionaire
possessive
second chance
arranged marriage
sensitive
CEO
drama
bxg
brilliant
city
like
intro-logo
Blurb

Isang sikat na modelo si Persephone ngunit dahil sa pagpapakasal niya kay Hades-anak ng pinakamayamang kaibigan ng kanyang ama ay napilitan siyang bitawan ang bagay na gusto niyang gawin, lalo na at nabuntis siya ng binata.

Ngunit matapos ang gabing may nangyari sa kanila ay bigla na lang itong umalis at hinanap ang dating nobya sa China. Sa tatlong taon niyang paghihintay ay nagsimula nang mapagod ang puso niyang labis na nagmamahal.

Gusto niya sanang makipaghiwalay sa binata ngunit nang bumalik ito sa kanyang tabi ay bumalik na naman ang t***k ng puso niya para rito. Makakaya pa kaya niyang tanggapin ito? Paano ang sakit na idinulot sa kanya? Makakaya pa kayang punan ng binata ang pagkukulang nito sa kanila?

chap-preview
Free preview
Prologue:
•Third Person• Isang simpleng kasalan lamang ang nangyari sa pagitan nina Hades at Persephone. Kahit na sobrang yaman ng dalawang pamilya ay walang magawa ang mga magulang nila nang magdesisyon ang dalawa na gusto nila ang simpleng kasal. Walang ibang tao kundi sila lamang at mga piling bisita ng kanilang mga magulang. Mapait na napangiti si Persephone nang makita ang malungkot na mukha ni Hades, habang naghihintay sa kanya sa may altar. "Nasaan na ba ang magandang ngiti ng maganda kong anak?" bulong ng ginang kay Persephone. Nasa gilid lamang ng dalaga ang mga magulang para ihatid siya sa kanyang mapapangasawa, ngunit ngayon pa lamang parang alam na niya ang kakahantungan ng kasalang ito. "I really love, Hades..." Tumigil ito saglit at tiningnan ang kanyang ina. "Pero hindi ko alam kung pareho ba kami ng nararamdaman." Magsasalita pa sana ang kanyang ina nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at malalim na bumuntong hininga. "Anak, pwede naman nating—" Lumingon ang dalaga sa kanyang ama at binigyan ito ng ngiti. "Sasaya rin po ako, dad." Malungkot ang tinig ng dalaga ngunit hindi na nakasagot ang ama nito nang binilisan nito ang paglalakad. Ngumiti ang dalaga sa binata nang nasa harapan na niya ito, ngunit isang ngisi lamang nito ang ibinigay sa kanya. "Ilang milyon kaya ang ibinigay ni daddy sa kompanya ninyo para sumang-ayon ang iyong ama na magpakasal ka sa akin?" Napalunok ang dalaga sa narinig mula sa binata. Hindi niya inaasahan na masasaktan siya sa sinasabi nito. Mula pagkabata ay humahanga na siya kay Hades. Limang taon ang agwat nila ngunit hindi iyon naging sagabal para gustuhin niya ang lalaki. Lalo na at palagi itong pumupunta sa kanila at binabantayan siya kapag wala ang kanyang mga magulang. Tumigil lamang ito nang tumungtong sa edad na kinse. "Please show some respect," mahinahong saad nito. Ayaw niyang makipag-away pa rito. Alam naman niyang nasasaktan ito dahil pinilit lamang ito ng ama na magpakasal sa kanya. "I have my reason." Pagkatapos niyang bigkasin iyon ay tumingin na siya sa unahan at hinayaan na lamang ang binata. "Sa tingin mo maniniwala ako diyan sa pagkamahinhin—" Kinagat ng dalaga ang ibabang labi bago tumingin sa lalaki. Tumigil naman ito nang makita ang galit na mukha ni Persephone. Alam ng lahat na ayaw ng dalaga ang taong pinapahiya siya o hindi siya pinapakitaan ng respeto. Isang oras din ang itinagal nang seremonya ng kasal bago sila pumunta sa reception. Pilit na ngiti ang ibinibigay ng dalaga sa imbitadong bisita bago nagpaalam na pupunta na sa kanilang kwarto. — Napatili si Persephone sa sobrang gulat nang makita si Hades na nakatapis lamang ng tuwalya. Nasa harapan niya ito at walang imik na nakatingin sa kanya. "Hi, wife!" bati nito sa kanya na halata ang kalasingan. "Kiss me." Bago pa siya makasagot ay hinablot na siya nito at inangkin na ang kanyang mga labi. Halos mawalan siya ng hangin nang lumayo ito sa kanya. "I want you," bulong nito sa namamaos na boses, bago inilapat ang labi nito sa kanya. Isa-isang nahubad ang kaniyang damit hanggang sa maramdaman na lang niya ang likod na tumama sa malambot na bagay. Tanging ungol niya lang ang naririnig sa loob ng kwartong iyon at pagmamakaawa kay Hades na angkinin siya ng buo. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
792.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
445.3K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

In Love With A Witch

read
258.9K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

The Ex-wife

read
233.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook