•Persephone•
"Billionaire Hades Villarico dating the top model Nyxie Lee. The two was found dating at the Yin Hotel last Monday"
Isinuklay ko ang aking kamay sa magulo kong buhok nang makita ko ang balita tungkol sa aking asawa. Naiinis ako, nagagalit, nanghihinayang at nalulungkot sa ginagawa ni Hades sa akin.
Ilang taon na kaming kasal ngunit kahit kailan ay hindi ko man lang maramdaman ang pagmamahal nito. Napapagod na rin akong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya, dahil isa lang naman akong asawa niya sa papel.
Mahal niya si Hades, iyon ang dahilan kung bakit niya ito pinakasalan ngunit nang malaman ko ang dahilan kung bakit nagpakasal siya sa akin ay para bang nawalan ako ng gana na ipaglaban pa ang pagmamahal ko sa kanya.
Nakahawak ako sa aking noo habang nag-iisip, hindi ko alam kung ilang ulit na akong nagpabalik-balik sa pwesto ko. Bumuntong-hininga ako bago tumingin kay Rowoon na nakatayo di kalayuan sa akin.
"Rowoon, can you come over here?" Hindi ko alam kung bakit ang hina ng boses ko habang tinatawag ito. Malungkot naman itong ngumiti bago lumapit sa akin.
Magkasama na kami ni Rowoon simula nang makasal ako kay Hades. Siya na ang naging tagapagbantay ko at tinuturing ko na rin siya na isa sa malapit kong kaibigan.
"I can't walk right now, I mean my legs are shaking after hearing the news," natatawa kong saad, kahit na nasasaktan na ako.
Tiningnan ko ang ikatlong palapag ng mansyon. Ako ang dumesenyo ng kwartong iyon para sa aming dalawa ni Hades. Pero wala rin naman iyong silbi lalo na at ako lang mag-isa ang gumagamit ng kwarto.
"Lady Persephone? May ipag-uutos po ba kayo?" Napalingon ako kay Rowoon nang marinig ang tanong niya. Tipid akong ngumiti bago pumunta sa sala at umupo. "Lady Persephone, masama ba ang pakiramdam mo?"
Mahina akong natawa at pinilit na pinigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mata. Napatingin ako sa TV na walang ibang makita kundi ang madilim nitong screen.
"I envy you, Butler Rowoon," mahina kong saad. "Naiinggit ako sa mga taong kayang pumili ng kaligayahan nila."
"Don't speak like that, Young Lady. You are, Lady Persephone De Silva Villarico. Both families are wealthy that can't compare to anyone," seryosong saad nito.
Kung kapangyarihan at kayamanan lamang ang basehan ng kaligayahan. Sana hindi ako naghihirap ngayon, sana masaya ako ngayon dahil nasa akin na ang lahat.
Kinuha ko ang magazine sa ibabaw ng maliit na mesa. Binuksan ko iyon kung saan nakaipit ang mga litratong ibinigay sa akin ni Detective Han. Mga litrato iyon ni Hades kasama ang mga babae niya.
Napangiti ako nang makita ang gwapong mukha ni Hades habang kumakain sa isang mamahaling restaurant. Inilapat ko roon ang aking maliit na daliri, habang iniisip kung magiging masaya ba siya kung wala ako, kami ng mga anak niya.
Hindi ko na mapigilan ang luhang pumatak mula sa aking mata. Tumulo iyon sa mukha ng babaeng kasama ng asawa ko. Napatigil ako sa pag-iyak nang tumunog ang cellphone ko. Akmang dadamputin iyon ni Rowoon nang pigilan ko siya.
"Lady Persephone, tigilan mo na yan. Huwag mong saktan ang sarili mo dahil sa mga litratong—"
Napatigil si Rowoon sa pagsasalita nang makita ang video na kakabukas ko lang. Sinabi ko kay Mr. Han na kapag may balita siya kay Hades ay agad niyang ipaalam sa akin.
Malungkot akong napangiti habang nakatitig sa dalawang taong naghahalikan. Nakakapit ang isang kamay ng asawa ko sa bewang ng babae, habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa pisngi nito dinidiinan ang paghalik.
"He never—" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil alam ko naman ang rason kung bakit ganito si Hades sa akin. Mula sa aking telepono ay ibinaling ko ang aking paningin kay Rowoon. "Butler Rowoon, can you please go to my room? Kunin mo roon ang briefcase na kulay gray sa may walk-in closet."
Tumango naman siya at naglakad na patungo sa kwarto namin. Ipinikit ko ang aking mga mata pilit pinapahupa ang sakit na aking nararamdaman.
Dumilat lamang ako nang marinig ko ang pagtawag ni Rowoon sa aking pangalan.
Ngumiti siya sa butler bago inabot ang briefcase na hawak nito. Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang laman sa loob. Mga papeles iyon para tuluyan na kaming magkahiwalay ni Hades.
"Can you please call Hades? I need to talk to him," utos ko kay Rowoon na hindi makapaniwala na nakatingin sa akin.
"What the hell is your problem?" Dahil ini-loudspeaker ni Rowoon ang tawag ay rinig na rinig ko ang pabulyaw na bungad ni Hades.
Kita ko ang pag-ngiwi nito at inilayo ang telepono sa kanyang tenga. Kinuha ko naman iyon kaagad at inilagay sa akin.
"F*ck! Talk, Butler Rowoon or—"
"Hades," putol ko sa kasunod na sasabihin nito.
Hindi siya kaagad nakasagot kaya ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik. Siguro hindi na niya ako naaalala. Ilang taon rin kaming magkahiwalay at wala naman siyang nararamdaman sa akin para isipin ako.
Tatlong taon itong namalagi sa China at ni isang tawag sa kanya ay di nito magawa.
"Hades, uuwi ka pa ba ng Pilipinas?" Ako na ang bumasag sa katahimikang namayani sa amin.
"I can't go back right now. Why? " sagot niya.
Hindi ako kaagad nakasagot nang makita ko si Nike na pababa nang hagdan. Patalon-talon pa ito kaya inutusan ko muna si Rowoon na salubungin ito.
"Please don't waste my time—"
"For a while, Mr. Hades. I want to be free from this marriage," mabilis kong sambit, para di niya patayin ang tawag. "Ito naman ang gusto mong mangyari diba? Kaya ka naghahanap ng ibang babae, para ipakita sa akin na hindi mo na ako mahal. Please, maghiwalay na tayo, Hades. Hindi ko na kayang makulong sa kasalang ito."
"May ibang lalaki ka ba kaya ka makikipaghiwalay?" Mariin niyang tanong dito.
Malakas akong tumawa habang napapailing. Kahit kailan hindi ko naisip na maghanap ng ibang lalaki dahil nangako ako sa harap ng altar na siya lamang ang mamahalin ko.
"Hades, huwag kang magpatawa. I am a devoted wife for three years, and here you are, accusing me of what you did?" sumbat ko rito. Ramdam ko ang poot na lumulukob sa aking dibdib.
"Then stay like that. Uuwi ako sa susunod na araw. Siguraduhin mo lang na wala kang ibang lalaki diyan," saad niya.
"Mommy!"
"Good morning Baby Nike, nasaan ang kakambal mo?"
Hinalikan niya ang anak na lalaki sa pisngi, ngumiti ito sa kanya bago nagpabuhat. dalawang buwan nalang at magta-tatlong taon na ito. May nangyari sa kanilang dalawa ni Hades, pagkatapos ng kasal, ngunit hindi nito nalaman na nabuntis siya, dahil agad naman itong pumunta ng China.
"Gaia, po? Nasa room niya po. Wala naman po tayong pupuntahan ngayong umaga, mommy. Medyo matagal po siyang nakatulog kagabi." Nagkakamot pa ito sa batok habang nagpapaliwanag.
"Sinabi ko naman sa inyo na bad iyong natutulog ng matagal diba?"
Nagpout naman ito at nagpa-cute sa kanya. Ayaw nitong pagalitan niya ang kakambal. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ng anak, tiningnan niya si Butler Rowoon na nakangiti sa kanila. Magkasing-edad lamang sila ng lalaki kaya nagkakaintindihan sila sa mga bagay-bagay.
"Tito Rowoon, pancake po!"
Mas lumapad ang ngiti ng lalaki at lumapit sa kanila. Binuhat naman kaagad nito si Nike, at pumunta na sa kusina.
Sa tagal na nilang magkasama ni Rowoon ay ito na ang tumayong ama sa mga bata. Simula ng manganak siya ay hindi na siya nito iniwan. Ito na ang nag-alaga sa kanila kaya labis ang pagpapasalamat niya rito.
Sinundan muna niya ito ng tingin, nang makapasok na ito sa kusina, ay tsaka naman siya pumunta sa kwarto para gisingin ang anak na babae.
"Gaia," tawag niya sa pangalan nito.
"Mommy!"
Tumawa ito nang malakas dahil sa pagkiliti niya, nang di makayanan ay tinaas na nito ang kamay bilang pagsuko. Tumayo ito at hinalikan ako sa labi.
Kamukhang-kamukha ko si Gaea. Sa tuwing kaharap ko ito ay naaalala ko ang kabataan ko. Pinapangako ko sa aking sarili na iingatan ko silang dalawa ni Nike.
"Gusto mo ng pancake? Nagluluto na sina Tito Rowoon at Nike sa baba"
"Strawberry!" masayang sambit nito.
Mabilis itong lumapit sa kanya at nagpakarga. Natigil siya sa pag-aaral dahil sa panganganak at pag-aalaga sa kambal. Ngunit hindi naman siya nagsisisi dahil naging masaya siya pagdating ng mga anak.
Naabutan niya ang dalawa sa kusina na nagtatawanan habang kumakain ng pancake. Napatingin sa kanila si Rowoon, nang maramdaman ang pagdating nila. Tinaas niya lang ang kamay at hinayaan itong makipag-kwentuhan sa anak.
"Lady Persephone, sigurado na ba talaga kayo sa desisyon niyo?" tanong nito.
Tumango siya sa butler at napatingin sa mga batang kumakain pa rin.
"Uuwi siya sa makalawa, iyon naman talaga ang gusto niya. Hindi ko na naman mababago ang lalaking 'yon, Rowoon," mahina niyang sabi. "Nabuntis ako noon sa kambal ngunit hindi ko man lang siya nakontak para unang masabihan. Nanganak ako na wala siya sa aking tabi kahit nahihirapan ako. Wala man lang kahit kumusta mula sa kanya."
Pinipigilan niya ang luhang nangingilid na sa kanyang mata, napatingin siya sa binata nang tinapik nito ang balikat niya.
"Kaya mo yan, Lady Persephone. Isipin mo rin muna kung kaya mong ilayo ang mga bata sa ama nila."
Napatingin naman kaagad siya sa mga bata na nakatingin na sa kanila at may mga malalapad na mga ngiti.
"Shopping tayo, mommy?" Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni Gaea habang tinatanong iyon.
"Marami ba kayong bibilhing toys? Yung malaking kotse ba ang dadalhin ko?" Binatukan niya si Rowoon dahil sa sinabi nito, na tinawanan lang naman niya.
Nahihirapan siya sa mga desisyon niya, ngunit kung ang mga anak naman ang pag-uusapan, ay gusto niyang lumaki ang mga ito na mayroong ama.